6: GUARDIAN ANGEL

155 20 19
                                    


FREIY:


"Good Afternoon Sir, what's your order?"

Nakamaang pa rin habang nakatingin sa direksyon kung saan si Asxel habang nag-oorder kay Zandra na ngayon ay bumabaling sa'kin habang may nakakalokong ngiti sa labi.

Hanggang ngayon ay hindi pa rin ako makapaniwala kung bakit naman siya ulit nandito. Sigurado ako na ako ang pinuntahan niya dito ngayon!

Suot pa ang itim na longsleeve polodown shirt habang nakabukas ang tatlong butones, nakatuck in ito sa suot nitong kulay itim din na slacks at ang makinis ang itim nitong sapatos. Ang buhok nito ay nakasuklay sa bandang gilid pero may iilang hibla pa rin ang naiwan sa noo nito.

Napamulat ako ng dianaanan lang ako nito hanggang sa umupo doon sa bandang gilid ng hindi man lang ako tinignan.

The hell?

"Freiy, hatid mo na ito doon," mahinang sambit ni Zandra habang ang tray ay hawak niya.

"Ikaw lang muna please? Ayoko kasing makita pa siya," nag pout ako sa harapan niya, nagmamakaawa na siya muna ang bibigay non.

Wala kasi ang kasama kong dalawang waitress din dahil nakaleave ang isa habang ang isa naman ay mala-late daw kaya ayon, ako lang isa ang nandito at nagse-serve sa mga costumers.

Walang nagawa si Zandra kundi ang tumango at siya nalang daw ang maghahatid kaya malaki ang pasasalamat ko doon. Talagang ayaw ko munang makita ang pagmumukha nong taong iyon.

Pero ganoon nalang ang gulat ko ng biglang lumitaw sa harapan ko si Zandra sabay buntong hininga at hawak pa rin ang tray. Kayang nagtataka akong napabaling doon at sa kaniya. "A-anong nangyari?"

"Ikaw daw ang maghahatid Freiy, ayaw niyang tanggapin ito kung hindi ikaw ang mag se-serve," sumilip ang nakakalokong ngiti nito.

"Ano!" asik ko. "Ano siya? Señorito para magpakaasta ng ganiyan?!"

"Freiy, siya ang ka business partner ni Ma'am Corazon dito sa coffeeshop..." tukoy ni Zandra sa amo namin dito. "Wala na akong magagawa."

"Ano! At naniniwala ka naman? Pinagtritripan ka lang non!" asik ko.

"Wala namang masama sa maniwala Freiy, ayoko mawalan ng trabaho!"

Napabuntong hininga nalang ako. "Sige, ako na."

Wala na akong nagawa kundi pumanhik papunta roon. Nakita ko naman kaagad si Asxel na naka crossed ang hita habang diretsong nakatingin sa'kin kaya napabaling kaagad ako sa ibang direksyon.

"Here's your order Sir." sabay lagay ko sa dalawang cake at coffee sa lamesa niya ng hindi siya tinignan.

"Sit down."

Natigilan ako at naguguluhang napabaling sa kaniya at umayos ng tayo. "Sir. I'm working here. I don't do talking with costumers when they do not have their complaint here in the coffee shop."

"I have a complaint..." sabay taas sa kilay nito. "Why didn't you serve the foods here since in the first place? You're supposed to be the waitress not her."

Her Suitor Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon