26: DENIAL

73 12 1
                                    

FREIY:

Napahawak ako sa noo ko habang nasa kama ako nakaupo, nakatingin sa cellphone na nasa harapan ko ngayon. Hindi pa din ako makapaniwala na talagang ang sobrang mayaman ni Asxel, bininigyan niya ako ng mamahaling cellphone, hindi talaga ako makapaniwala!

Napailing nalang ako. Talaga bang totoo 'to? Baka bigla niya na lang akong ipapakulong dahil nagsisinungaling lang siya at irereport niya ako sa police dahil ninakaw ko ito galing sa kaniya. Sana hindi naman.

Napamangha ako ng nag-on na ang cellphone. Medyo matagal na din na wala akong cellphone dahil nga nasira ito, walang swerte pa kasi nahulog sa kubeta kaya nasira. Dinala ko kasi iyon sa cr dati kasi may ka text mate ako! Nangigigil ako kapag naalala ko ang panahong iyon, ang sobrang tanga mo talaga Freiy.

"Hindi pala ako nakahingi ng number niya..." Bulong ko at napahawak sa labi pero napailing kaagad at napapikit. "At bakit ako pa mismo ang hihingi ng number niya?! Diba dapat siya!"

Ginulo ko nalang ang sariling buhok dahil sa iritasyon at pagkapikon. Parang tanga naman 'to.

Lumabas muna ako ng kwarto at nakita ko kaagad si Tita na nakaupo sa sofa, kaharap sa telebisyon namin, hindi ko maiwasang mapapanhik papunta sa kaniya at umupo sa tabi niya dahilan na napatingin ito sa'kin.

"Tita..." Nalulungkot na ani ko dahil magkaibigan din sila Tita at Tita Corazon e, kaya nararamdaman kong nalulungkot siya.

"Sinunod mo ba ang sinabi ng Mama mo?" seryosong tanong nito sa'kin, napakagat labi ako at napatango. "Mabuti..." Napahawak ito ng mahigpit sa aking kamay kaya napatingin ako roon, narinig ko siyang bumuntong hininga ng kay lalim kaya ay napatingin ako sa kaniya ulit. "Hindi ko din alam kung bakit ganoon ang inasta ng Mama mo, pasensya na't wala akong isasabi sayo."

Parang nababasa niya ang isipan ko. Napatango nalang ako at hindi maiwasang malungkot, napasulyap ako sa kwarto na kung saan nandoon si Mama.

Ano ba talaga ang problema, Mama? Bakit hindi ka o hindi mo ako papupuntahin sa libing ng matalik mong kaibigan?

Alam mo ba kung bakit siya namatay? At kung alam mo man, sino? At bakit alam mo?

Napatingin din si Mama sa'kin...

Ngumiti siya ng pilit.

Sino ka ba talaga, Mama?

Kinabukasan ay napasimangot ako habang nakatingin sa salamin na nasa harap ko. Makikitang wala talaga akong tulog na maayos dahil masyadong malaki ang eyebags ko, parang sinuntok din ako sa mata e. Pagkatapos kong suotin ang uniporme ko at kakatapos ko lang kumain ay tinalian ko ang aking mataas na buhok. Ang stress at hagard ng mukha ko ngayon, parang may binabantayan na sampung anak.

Napahawak ako sa kwintas na binigay sa'kin at hindi maiwasang mapangiti. At bakit ba ako ngumingiti?!

Lumabas na ako ng bahay ng hindi ulit nakausap si Mama. Bumalik ulit siya sa dati na kung saan nalang nakatingin at nakatulala, parang may iniisip na malalim. Nag-aalala ako para sa kaniya, alam kong mas masakit ang nararamdaman niya dahil sa pagkawala ng kaibigan niya, at kung ako man sa pwesto ni Mama ay siguro iiyak ako buong magdamag!

Lumabas na ako ng bahay at napangiti ng maalalang ihahatid ako ngayon ni Asxel, ganoon naman parati ang ginagawa niya e. Pero ganoon nalang ang pagpawi ng ngiti ko sa labi ng makitang hindi si Asxel ang nasa harapan ko ngayon.

Her Suitor Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon