Kung Ako Na Lang Sana Part 2

1.8K 10 0
                                    

Part 2

"Sino kasama mo dito?"Ang tanong bigla sa akin ni Rika, nagulat ako dahil hinde ko inaasahan na makikita ko siya doon"Wala naman bakit?""Weh?! Di nga? Si Kimberly ata kadate mo eh"Ang nakangiteng sabi sa akin ni Rika subalit napansin niya na hinde ako nagreact noon sa kanyang sinabi at lumingon lingon sa paligid"Di nga? Di mo siya kasama? Kala ko kasama mo""Wala na... hinde na naman kami magkakasama pa nung isang yun""Bakit naman?""Wala na, tapos na eh"Ang nakangiteng sabi k okay Rika at tila ba ayaw pa niyang maniwala nang mga sandaling iyon sa akin"Sus utut mo! Di nga, nasa banyo ba siya?"Natawa lang ako noon sa kanya at napailing, napansin ko na tila ba may tinatawagan siya at natawa ako nang napatingin siya sa akin"Bakit?""Bakit out of coverage area na yung... teka, di nga? Hiwalay na kayo?"Ang may pagkaseryosong sabi ni Rika noon. Nang mga oras ding iyon, bigla kong napansin ang magandang hubog nang babaeng ito sa suot niyang fit na t shirt at skinny jeans na antalon na may konting punit pa ang disenyo, di ko noon maiwasang mapatingin sa medyo lumalabas niyang tiyan noon dahil sa may k aiklian ang suot niyang damit at nagulat ako nang bigla akong pitikin ni Rika sa nuo"Walangya to ah, ngayon ka lang ba nakakita nang tiyan?'Ang natatawang sabi nito sa akin"Pero mabalik tayo sa usapan, hiwalay na kayo?"Ang dugtong pa nito at napatango lang ako"Nanyare?"At kinuwento ko sa kanya ang mga nangyare sa amin ni Kimberly at napatango lang siya habang umiinom nang Zaguu na dala dala niya"Ah... edi mabuti naman at magtitino na ang babaeita na yun, eh ikaw ba ok ka lang?""Sakto lang""Weh?"Napansin ko na tila panay ang lingat ni Rika noon sa paligid at hinde ko maiwasang magtanong sa kanya"Teka, ikaw ba? Sino kasama mo?""Edi si boyfie sino pa ba?""Ahh, sandal, nagdadate kayo?""Hinde nagpapadasal kami sa mga manikin dito, malamang! Adik ka din eh noh"Natawa lang ako sinabi niya at mayamaya pa ay nakita ko na ang boyfriend ni Rika noon at magalak niya akong binate"Oi pre! Musta"Sabay abot nang kanyang kamay sa akin at isang madiin and firm hand shake, marinong marino talaga ang datingan. Napansin ko noon na angpresko niyang tignan, ang kinis nang mukha at sadyang binayayaan nang katangkaran, hinde man siya gwapo ay sadyang malakas ang appeal niya sa madla dahil na din siguro sa suot niyang uniporme noon"Akala ko late ka pupunta eh lalayasan na kita"Ang sabi ni Rika noon sa kasintahan"Sorry naman, alam mo naman matrapik sa pinuntahan ko eh, kanina pa nga ako nakaalis sa crame kaso matrapik lang talaga""Teka nagreport ka sa office nyo?""Oo tol, sasakay na ulit ako nang barko eh""Ahh... kelan?""Baka this week din tol, iiwanan ko na naman nga tong babae na to eh""Wag ka na bumalik gagu!"Ang pabirong sabi ni Rika sabay halik sa labi nang kasintahan niya"Nake! Inget!"Ang biglang sabi ni Rika sa akin at natawa lang ako, samantala ang kanyang boypren naman ay natawa lang din sa sinabi nang kasintahan"Oi alis na muna kami, kaya mo yan!"Ang sabi ni Rika at umalis na silang dalawa noon, ako naman ay tahimik na naupo sa malapit na bakanteng upuan habang inanatay ang pagdating ni Stella. Habang naghihintay ako noon ay pinanood ko muna ang mga nagiice skating upang libangin ang aking sarili. Natatawa ako sa iba na madalas sumemplang, meron pa nga na iba eh hinde talaga makatayo at pinagtatawanin din nang iba. "Hi, sorry I'm late"Isang malambing na boses ang narinig ko mula sa aking gilid at nang lingunin ko ito ay sadya naman akong namanga sa angking ganda ni Stella nang mga sandaling iyon, simple lang naman ang suot niya, but that simplicity make her a real beauty, dahil naka blush on lang siya, konting lipstick na kulay maroon red, wearing a casual dress na hinde naman sexy or reavealing yet, kita mo ang hubog nang kanyang katawan, at lalo pa the way she smiles at lumalabas ang dimple niya sa kaliwang pisngi which is, hinde ko napapansin noon."Huy! Grabe ka naman makatitig"Ang natatawang sabi ni Stella sabay hawi nang buhok niya at sinabit ang hibla nang buhok sa kanyang tenga sabay tingin noon sa mga nagiice skating"Marunong ka ba mag ganyan?"Sabay nguso noon sa ice skating ring"Medyo, di ko lang alam, bakit? Ikaw ba?""Medyo lang din, ano, gusto mo ba?""Ok lang""Tara!""Teka? Sure ka ba? Sa damit mo baka hinde ka makapag ice skating nang maayos niyan""Sabagay, wait mo ko dito"At umalis siya noon sandal at nagtungo sa guard na nakita niya noon at tila may tinanong siya dito at may tinuro ang guard at nagtungo naman siya sa direksyong iyon. Nagtaka naman ako noon at hinabol lamang siya nang tingin. Ilang minuto din siyang nawala hanggang sa matanaw ko siya at napangite ako noon habang kumakaway siya sa akin"Ok na ba suot ko? Di ba masagwa?"Ang tanong ni Stella sa akin, nagpalit siya nang t shirt na pute na may logo nang I

Book 6  Kung Ako Na Lang Sana By El NunalTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon