Part 3
Natahimik kaming dalawa habang dahan dahang lumalapit sa kinauupuan namin si Glen."Hey..."Ang sabi ni Glen noon kay Stella"Oh, El Nunal, it's been a while"Ang sabi ni Glen sa akin at nagpakita siya nang pakikipagkamay at kinamayan ko naman siya bilang respeto"It's been a while too, sir Glen""Ikaw, bakit hinde ka manlang umalis nang maayos sa company, nakakuha ka pa sana nang back pay"Tanging ngiteng aso lang ang nagawa ko noon"So, I heard na kinasal pala si Mam Cha doon sa, who's that guy, Mac nga bay un?"Ang tanong niya sa akin, hinde ako nakapagsalita at ngite lamang ang nagawa ko"Akala ko kayo ang magkakatuluyan eh, alam mo ban a hinanap ka din niya sa akin, sabi ko nga sa kanya bakit hinde ka niya puntahan sa lugar nyo, since sigurado namang mahahanap ka niya, pero ewan ko ba, di ko alam kung bakit hinde ka niya pinuntahan"Sa sinabing iyon sa akin ni Glen ay napaisip ako bigla, kung sakali man na totoo ang sinabi ni Glen, bakit nga ba hinde, at bigla kong naalala ang sinabi ko kay Charice noon na ako na mismo ang lalayo sa kanya, hinde ko inakala na hinahanap pala ako ni Charice noon."Glen... si TamTam?"Ang singit noon ni Stella"Nasa work niya pero papunta na siya dito, teka, nga pala, nagdadate ba kayo?"Ang tanong ni Glen noon na tila ba napaisip nang makita kaming magkasama, nagkatinginan lang kami ni Stella noon, nagpapakiramdaman kung sino ba ang unang sasagot, napangite lang ako noon nang sinabi na ni Stella na"Yes, were dating, bakit, bawal na ba idate ang boyfriend ngayon?""Di nga?! Boyfriend mo na tong lalaking to?"Ang sabi ni Glen na tila ba di makapaniwala, hinde ko alam kung bakit siya nagulat noon pero ilang sandal pa ay naunawaan ko na nang sabihin niyang"Paano naman yung nireto ko sa iyo? Di ba ilang beses na din kayo nagdadate noon?""Aba Glen, sino ba siya? In the first place kayo lang naman ni TamTam ang namilit sa akin na idate ko yung isang yun di ba?"Hinde nakasagot noon si Glen at napakamot lang sa ulo"Eh... teka, kayo ba ni TamTam nagkaayos na?"Ang tanong niya kay Stella, hinde nagsalita noon si Stella bagkus ay tinignan niya ako at tila ba sinasabi niya sa akin na"Tara, umalis na nga tayo dito"Kaya naman ilang sandal pa ay nagpaalam na ako kay Sir Glen"Sir Glen, una po muna kami ha? Ay pupuntahan lang kami""Saan naman kayo pupunta? Dito muna kayo, antayin nyo na kaya si Eusha?"Ang sabi ni Glen sa amin"Glen, alam mo, kahit na anong pilit mo na bati sa amin, hinde kami magkakabati nang isang iyon, parang hinde mo naman kilala si TamTam""Kaya nga sinusubukan ko na ayusin di ba?""Alam mong hinde ganoon kadali makipagbati sa isang yun, isa pa, kung ayaw niya, wag nang ipilit, isa pa, alam mo naman kung talaga ang pinagmulan nang away naming dib a?"Hinde nakaimik si Glen nang mga oras na iyon, napaisip ako dahil hinde nabangit sa akin ni Stella na may kinalaman din si Glen sa pagaaway nila ni Eusha, gusto ko sanang sumingit sa usapan nila pero minabuti ko na lamang na manahimik muna at makinig sa kanila pero, hinde na nagsalita noon si Stella at hinawakan ang kamay ko sabay sabing"Let's go"Matapos ay nagtungo kami papasok nang mall noon subalit sa di inaasahang pagkakataon, laking gulat ko nang pagbukas nang pinto ay nakita nasalubong namin si Eusha. Hinde ko naiwasan na mapatingin sa kanya, talagang ang laki nang pinagbago nang itsura niya, nagmatured na ang look niya, nawala na ang inosenteng dating niya at hot and daring na ang impact nang katauhan niya noon, nagpakulay na siya nang buhok, medyo dark brown ito, habang nakasuot nang itim na turtle neck na damit na walang sleeves at nakasuot siya nang fit na itim na tights at talagang kitang kita ang kurba nang bewang niya, nakahigh heels siya siya noon at talagang kung titignan mo siya ay mapapanganga ka, subalit, tila ba, nagiba na din talaga siya, dahil ni hinde manlang niya kami ningitian ni Stella, at para bang wala siyang nakita"E-eusha..."Isang mahinang bulalas na aking nagawa noon nang halos lampasan na niya kami, humarap siya noon at nagulat ako nang sabihin niyang"Please, stop talking to me, and also, don't text me again ok?"Matapos ay nagpatuloy siya sa paglalakad. Pakiramdam ko noon, para akong nasiko nang sobrang lakas sa dibdib, nasaktan ako sa sinabi ni Eusha at damang dama ko ang bigat nang mga salitang lumabas sa mumunti niyang labi, mga labi na noon ay matatamis at nakakatuwang salita lamang ang binabangit sa akin sa tuwing nakakausap ko siya.

BINABASA MO ANG
Book 6 Kung Ako Na Lang Sana By El Nunal
De TodoBook 6 Kung Ako Na Lang Sana By El Nunal