Kung Ako Na Lang Sana Part 25

1.6K 6 0
                                    

Part 25

Di ko inakala na si magkikita kami ni Glenn face to face nang oras na iyon, di ko din lubos maisip na meron din siyang susi nang apartment ni Eusha, does this mean, he is still coming here? Dahil sa pagiispace out ko sa pagiisip, hinde ko namalayan na palapit na sa akin si Glenn at bigla akong sinapak, at putang ina masakit, nasargo ako nang solid sa may labi, at walang sabi sabi ay tila matic na din ang kamao ko na lumipad patungo sa mukha niya at alam kong nasaktan ko siya dahil napaatras siya

"Putang ina mo kang gago ka ha!" ang sabi niya sa akin a galit nag alit at muli itong sumugod sa akin. Amoy alak siya so alam kong lasing siya pero putang ina, ito siguro ang kaibihan nang taong tambay sa taong naggygym, kahit na nakainom siya ay ang lakas nang putang inang to, halos tumilapon nga ako sa kinatatayuan ko nang bigla niya akong balyahin sabay suntok ule sa akin sa pisnge, di naman ako nagpatalo at agad naman akong nakabawi nang sapak sa ilong, kasunod nito ay narinig ko na lang si Eusha na sumisigaw nang

"El! Glenn!!! Tama na yaan!"

Pero kapwa kaming hinde tumigil sa pagaaway, at patuloy kaming nagpapalitan nang suntok hanggang sa pumagitna na sa amin si Eusha

"Glenn ano bang ginagawa mo dito?!"

"Anong ginagawa nang putang inang lalakeng yan dito Bhebs?! Nagkakangkangan ba kayo?! Tang ina naman Bhebs wala pa tayong isang buwan na hiwalay ah! Ano to?! Bhebs naman oh!"

"Wag mo nga ako ma bhebs bhebs diyang gago ka!!!"

"Oy tang ina mo pre, ganyan ka ba desperado para manulot ka pa nang shota nang iba?! Ha?!" ang sabi ni Glenn sa akin habang dinuduro ako

"Glenn, please! Umalis ka na! Lasing ka na! Wag ka nang manggulo dito! Wag kang magsalita na parang ikaw pa ang biktima dito gago ka! Alis!!" ang sigaw ni Eusha habang tinutulak palabas si Glenn

"Wag mo na akong pagtabuyan palabas, may paa ako, at ikaw gago kang nunal ka, di pa tayo tapos gago!" ang pagbabanta ni Glenn.

"Umalis ka na!" ang muling sabi ni Eusha habang tinutulak ito, matapos ay nilock niya na ang pinto at ngayon, pati ang lock sa itaas ay nilagay na niya, tapos ay agad siyang lumapit sa akin medyo namamanhid ang kalahati nang mukha ko nang mga sandaling iyon, iwas not prepared of that, I feel exhausted as well, putang ina, siguro nga kung nagtuloy tuloy ang away naming dalawa malamang sa hinde eh durog na durog ako, grabe, it's been a while since I fist fight with someone. Kitang kita ko s mukha ni Eusha ang pagaalala at dali dali siyang nagpunta sa kanyang kwarto at may kinuha na isang box nang sky flakes, matapos niyang buksan ito ay nakita ko na may lamang bulak, bandage, alchohol, mga iba't ibang gamot. Hinde nagsasalita si Eusha habang pinupunasan ang dugo sa labi ko at sa may kilay ko, hinde ko alam na may putok din pala ako doon, hayop na Glenn yun, tila naka God's strength ah, or sadyang napakahina ko lang.
Nakaupo lang ako habang inaasikaso ako ni Eusha, she then holds my hands at putcha, para atang bakal ang sinuntok ko dahil nakita ko na may tuklap na balat sa may buto nang aking kamao, marahil yun eh nung nakikipagpalitan ako nang suntok na bahala na kung saan tumama. Pinunansan niya din ito nang alcohol at dahil sa biglang kirot ay bigla ko itong inalis sa pagkakapit niya, nagulat ako nang pitikin niya ang ilong ko
"Tsk, wag kang malikot"
"Masakit eh!" ang sabi ko sa kanya, mayamaya pa ay may muling kumatok sa pinto, agad akong naalerto at hinanda ang sarili, iniisip ko kasi na baka si Glenn na naman ito, pero nang marinig ko ang boses nito ay di na ako kinabahan, mukhang matandang babae kasi ang tumatawag kay Eusha sa labas, agad na binuksan ni Eusha nang bahagya ang pinto habang nakasabit pa ang lock nang pintuan. Mayamaya pa ay bumalik na siya na tila ba inis na inis

"Bakit daw? Sino yun?"

"Siya yung bantay sa compound na to, tinanong kung anong nangyare, tapos pinagalitan ako wag na daw mauulit na may manggugulo dito at baka daw palayasin din niya ako tulad nitong sa kabila, nakakainis talaga yung putang inang yun"

Book 6  Kung Ako Na Lang Sana By El NunalTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon