Kung Ako Na Lang Sana Part 7

1.5K 9 0
                                    

Part 7

"Wooo! Rekta na rekta! Puush!!!"Ang hiyawaan nang mga tao, habang malulutong na"Putang ina Laguna! Laguna blade mo na gago!" at "Tang ina moooo!!!! Gagoooo!!!!! Wooooo!!! Chain frost na putaang inaaa!!!"Isang pustahan sa laro nang DoTA ang kasalukuyang nagaganap sa shop na aming tinatambayan, naririnig ko din ang sigawan at palakpakan nang mga miron na tila ba mayroon ding parte sa pustahan na tila ba mga manok na nagsasabong ang tinatayaan. "mukhang din a tayo makakapaglaro ah"Ang sabi k okay Mike, napailing na siya at napakamot"Tara yosi na lang tayo"Ang aya niya sa akin, natataka naman ako dahil imbes na dumiretso kami sa malapit na tindahan ay dirediretso siyang naglakad patungo sa tambayan, natawa na lang ako dahil gusto pala niyang uminom sa tambayan naming at inuman."Ate, isang RH nga tska sisig"Ang sabi ni Mike, napangite lang at napailing, mukhang mapapainom na naman ako. Wala naman akong ginagawa kaya naman sinamahan ko na din siya, isa pa, minsan ko na lang din kasi makasama halos itong si Mike, medyo nakakaramdam na din kasi kahit papaano nang konting gap sa aming dalawa, hinde na kasi kami masyadong nakakagala o nagkakabonding simula nang magkaroon siya nang GF pero masaya na ako para sa kanya, at sa totoo lang, ingit na ingit nga ako sa kaibigan ko na ito dahil tila ba, wala siyang kahirap hirap na nararamdaman sa buhay, maliban na lamang sa parte kung saan alam ko na naiintindihan ko siya, pamilya. Nagulat ako nang tanungin ako bigla ni Mike"Kumusta ka na?"Napangite ako bigla, hinde ko kasi inasahan na magtatanong siya, madalas kasi, matic na agad na ang unang paguusapan naming eh yung mga hero na bagong labas sa Dota, pustahan sa dota, kung sinong sumuka, at kung anong lalaruin naming bago, pero di ko na din kasi afford ang mga nakukuha nilang gadgets noon, hinde na ako nakakasali sa mga laro nila dahil wala akong pambili, meron, kaya lang, hinde ko naiisip na bumili nang mga psp na yan dahil mas gusto ko pang maggala, uminom at kumain. Dalawang beses pa lang kami nagkakausap nang seryoso ni Mike, yung tipong buhay naming ang topic at love life, unang beses, ay nung nasa third year highschool kami, at ang sumunod ay nung umatend kami nang sa fiesta sa lugar nang dati niyang crush."hinde ka na naming napagkikita ah"Ang sabi ni Mike sa akin"Tang ina mo puro ka na naman babae noh?"Ang dugtong pa niya at natawa lang ako. Nang mga sandaling iyon, may mga bagay akong tinanong sa kanya, unang tanong ko sa kanya ay"Pre, sa tingin mo ba, tama lang yung ginawa ko, na hinde na ako nagpakita sa araw nang kasal nung dati ko?"Napangite lang si Mike at napailing"Bwiset! Hahahaha parang di ka matanda sa akin ah""Dude, di naman kasi sign nang katandaan ang pagiging matalino sa lahat nang bagay noh""Sabagay bobo ka nga pala"Pabirong sabi ni mike at sinuntok ko siya nang pabiro sa braso"Pero kasi... alam mo yung tipong napapaisip kasi ako eh, alam ko naman na tama naman ginawa ko... kaya lang... alam mo yung tumatakbo sa isip ko, ano kaya nangyare?""Alam mo pre, masyado mo kasing pinapaikot ang mundo sa isang babae kapag nakakarelasyon mo, isa pa, hinde naman mali o tama ang ginawa mo, you just made a choice, pero kung tama ba o mali ang choice mo, hinde mo naman agad masasabi yan, hintayin mo lang na magflow yung oras, at masasagot din yang katanungan mo"Natawa ako sa seryosong sagot ni Mike, kasabay pa nang pagtatapos nang kanyang salita ay uminom siya nang baso sabay sabing"I don't always say an advice, but when I do, it's true"At nagkatawanan kaming dalawa. May punto naman siya, di ko naman talaga malalaman kung tama ba o mali ang isang desisyon kung hinde ko pa nararamdaman o nakikita talaga ang resulta, subalit, hinde ko pa nga nakikita ang resulta, isang katanungan na naman ang tumatak sa akin isipan at muli ay tinanong ko si Mike tungkol sa bagay na ito"Pre, ikaw ba, anong gagawin mo, kung halimbawa, naging shota mo yung tropa nung taong may gusto sa iyo noon na di mo gusto noon na sa huli naisip mo pala na may gusto ka din kaso nang gusto mo na siyang gustuhin ngayon pero di ka na niya ata gusto at pinanindigan mo na lang na shotain ang tropa na taong iyon?"Napatingin ako kay Mike at ilang sandal pa at bigla siyang tumawa"Pakyu! Oo! Naintindihan! Puro gusto lang gusto lang naintindihan ko gago ka talaga, babae na naman yan?!"Ang natatawang tanong niya at napangite lang ako"Gago! Magkakaids ka na niyan gago ka, puro ka kantot!""Puro ka naman laro!"Ang sagot ko siya habang natatawa, sinuntok niya nang pabiro sa likod sabay sabing"Gago! Magkakaids ka na niyan gago ka, puro ka adig"Matapos ay naging seryoso ang ekspresyon nang mukha niya at uminom nang alak"Pre, alam mo matanda ka na para malaman yang ganyang bagay, simple lang naman ang gagawin, di mo lang ginagawa, ewan ko ba sa iyo, puro ka kasi puke eh"Tuminging siya sa akin at sununtok ako nang pabiro sa aking balikat"umayos ka nga, burat na to, di ka naman ganyan ah, nangyare ba sayo?""Di ko alam tol, ewan ko ba, simula nung..." hinde ko na naituloy ang aking sabihin, dahil sa tuwing iniisip ko ang nangyare sa amin ni Charice, lagi na lang bumibigat ang dibdib ko. Di ko rin alam kung magegets nga ba ni Mike ang gusto kong sabihin,mayamaya pa ay iniba ko na lamang ang usapan at iniwasan ang ang bagay na gusto kong iopen up noon sa kanya"Kumusta naman kayo ni Lyn?""Ok naman, medyo nagiinarte pero ok naman""Bute ka pa noh? Mukhang stable ang sitwasyon nyo, teka kelan nga pala uwi mama mo? Balita ko uuwi daw si Mama mo?""Di ko pa sigurado pero sa susunod na buwan ata?"Napangite ako sa kanya at mukhang nakuha naman niya kung bakit ako ngumite at agad akong sinuntok nang sunod sunod nang malakas habang ako naman ay tawa nang tawa. Di naman kasi lingid sa kaalaman ni Mike na nagkaroon ako nang crush sa Mama niya, paano ba namn na hinde, bukod sa mukhang fifteen years old lang ang mama ni Mike, maputi makinis at maganda, isama mo pa ang cute na boses, hinde mo talaga aakalain na 41 years old ang nanay niya, iba kasi talaga ang mga pampaganda at pampabatang iniinom nang kanyang mama sa ibang bansa. "Teka, ikaw ba kelan uwi mama mo?"Tanong sa akin ni Mike"Di ko alam tol kung may balak pang umuwi ang mama ko, sabi niya kasi sa amin magkakapatid, hanggat wala daw kami bahay at lupa, hinde siya uuwi nang Pinas"Tahimik lang na nakatingin sa akin si Mike sabay sabing"Iiyak na yan""Gagu!"Ang natatawang sabi ko at pinagusapan na lang naming ang mga character sa nilalaro naming HoN at Dota. Matapos noon ay nauna na siyang umuwi samantalang ako naman ay nanatili muna sa tambayan, nagmuni muni at tinatamad pang umuwi. "Oh, ikaw na lang pala ang nandito"Ang bati sa akin nang may ari nang tinatambayan naming"Akala ko kasama mo si Mike?""Oo nga po, pero umalis na kanina pa""Ahh ganun ba?""Magsasara na po ba kayo?""Di pa naman, gusto mong uminom?""Sige po, libre nyo ba?""Akin unang bote sunod sa iyo?""wala po akong dalang pera ngayon eh""Edi utang mo muna, bayaran mo na lang pagnagkaroon ka nang pera, gusto ko din uminom eh"Bakas ang kalungkutan sa boses nang may ari nang tambayan naming lalake, kaya naman kahit papaano ay nakipaginuman na din ako sa kanya"Saan ba kayo galing?""Sa computer shop po, nanuod lang tapos nagpunta kami dito""Bakit ang aga umalis ni Mike?""May pasok pa daw po nang umaga eh""Ahh, ikaw ba?""Naku wala po akong pasok, wala naman po akong school or work ngayon eh, kayo po ba? Mukhang kanina pa kayo nainom ah?""Ah, di pa naman, may sinamahan lang ako na bumisita dito sa inum pero shot shot lang""Musta naman po ba kayo dito?""Eto, medyo ok na man pero parang may sa sara na kami eh"Nagulat ako sa kanyang sinabi at napatanong"Ano po bang nangyare?""Eh medyo din a kasi kami kumikita eh, di katulad noon, madami ang mga dumadating na tao dito, pero ngayon, bihira na lang"Napansin ko nga na di katulad noon na pagnadadaan ako dito mula sa trabaho ko, ay nakikita kong halos walang bakanteng upuan, ngayon ay pwede ka nang magsisirko dahil sa luwag nang daan. Pagkakataon ko na din noon na alamin ang mga balibalita sa mga kaibigan ko sa kanya dahil madalas naman silang tumambay dito pero nagulat ako nang sabihin niyang"Hinde na din naman sila nagpupunta dito eh, madalas si Mike at Lyn lang, minsan naman si Nico at Pauline, pero yung iba hinde na din nagpupunta dito dahil nga siguro sabi nila eh medyo busy na sila sa mga buhay nila"Napagalaman ko nga na ang iba sa mga barkada ko ay may trabaho na, tulad ni James, ni Adrian, ni TonTon, at si Mike at si Al naman ay abala sa pagaaral. Napaisip ako bigla, mukhang talagang ganun na nga ata ako kaabala sa kalokohan ko sa babae at hinde ko na nabibigyan pansin ang mga kaibigan ko, mukhang lahat sila ay going forward at ako naman eh naistuck na sa nakaraan. Matapos naming maginom ng may ari nang tambayan ay saglit akong dumayo sa isang convenient store na malapit, 711 at bumili nang hot dog, medyo nagutom kasi ako noon, tahimik ang paligid at medyo malamig na, napatingin ako sa oras at natawa ako, magaalas kwatro na pala. Sakto namang may dumaang jeep at sumakay na ako pabalik sa aking bahay. Sa biyahe, tulala ako at medyo inaantok na din, dahil na din siguro sa alak, halos buon araw ata akong nagiinom. Dahan dahan akong bumaba sa jeep at pumasok sa bahay at diretso tulog na noon sa kama. "Tao po... tao po... tao po"Isang boses ang narinig ko, medyo masakit ang ulo ko noon, di ko inakala na tatamaan ako nang hangover, dahan dahan akong bumangon at tinignan ang oras, magaalas dos y medya na pala. Pagsilip ko sa bintana ay hinde ko maaninag kung sino ito, medyo nanlalabo pa kasi ang mata ko kasabay nang sikat nang araw nang oras na iyon "Sino to?"Ang tanong ko sa tao sa labas, nagulat ako nang sumilip ito at ngumite "Huy! Papasok! Ang inet!"Ang sabi ni Fae, hinde ko talaga inasahan na makikita ko siya nang araw na iyon. "Nadayo ka dito? Anong meron?"Ang tanong ko sa kanya, nagulat kasi ako dahil ang pagkakaalam ko ay nakauwi na siya sa kanila sa Sta.Mesa, dahil nga sa pagkakaalam ko ay nagkahiwalay na sila ni Mcoy. Nagulat ako dahil imbes na kina Pauline siya pumunta ay hinde siya doon nagpunta subalit sa akin. Agad ko naman siya pinapasok "Pasensya ka na ha, medyo madumi sa bahay kakagising ko lang eh" "Halata nga, amoy alak ka pa"Ang natatawang sabi ni Fae sa akin. Napangite lang ako habang nakatingin sa mala Angel Locsin niyang mukha nang mga sandaling iyon. "Oi yosi oh"Ang aya niya sa akin sabay kuha sa bag niya nang isang kahang Malboro Black. Agad naman akong nagligpit nagsipilyo at naligo kahit na medyo nahihilo hilo pa ako nang sandaling iyon, nakakahiya naman kasi at nabati niya pa ang amoy ko. "Napunta ka dito?"Ang tanong ko sa kanya. Ngumite lang siya at naglabas nang isang libo "Men bili ka pagkain, pagluto mo naman ako"Ang malambing na sabi niya, nagulat naman ako noon at napangite "Adik! Ang layo kaya nang bilihan dito, nahihilo pati ako" "Sige na men!"Napangite lang ako at hinde ko naman siya mahindian, ang cute niya kasi nang mga sandaling iyon at kahit sino siguro ay mapapaoo kapag pinakiusapan ka nang ganun kagandang bebot. Agad naman akong lumabs bumili nang mga sangkap at pinagluto ko siya nang Afritada. "Lam mo men, pwede ka na pa nga talaga magtayo nang karendirya, bakit hinde ka magbusiness?"Ang tanong niya sa akin habang kumakain kami. Napangite lang ako at napailing "Naku, nakakatamad, isa pa, pinagluluto ko lang talaga yung mga taong gusto ko noh"Natigilan ako at napatingin siya sa akin sabay bigay nang matamis na ngite, agad ko naman iyon kinorek "I mean, yung mga taong gusto ko lang na kasama, yung kaibigan mga ganun, baka kasi iba ang isipin mo eh" "Depensib!"Ang natatawang sabi niya at di naman ako nakaimik at natawa na lang. Muli ay napatanong ako sa kanya nang bagay gusto ko talagang malaman. "Bakit ka nga pala napunta dito? Anong meron? Di ka dumiretso kina Pauline?" "Hay naku men! Ayaw kong magsalita, mahirap na isa pa, close kayo nun noh! Alam ko naman na bff kayo diba?" "Ano ka ba? Hinde naman ako dadaldal sa kanila nang ganun noh?" "Oh well, basta, use your imagination na lang"Hinde ko na siya kinulit dahil mukhang ayaw niya talagang sabihin ang dahilan, naalala ko na may nabangit din sina Pauline at Lyn sa akin tungkol kay Fae, pero away babae yun, siguro related pa din ito doon kaya naman hinde na lang ako nakialam. Mayamaya pa ay nagring ang cellphone ko at tinignan kung sino ang tumatawag at nagulat ako nang makita ko kung sino iyon. "Oh Lyn? Natawag ka?" "Pupunta ako diyan mamaya ha? Patambay"Napatingin ako kay Fae nang mga sandaling iyon at napangite lang siya. "Ano kasi eh, aalis ako mamaya" "Saan ka na naman pupunta? Aadig ka na naman?! Adik ka talaga, men sige na, patambay, iwan mo na lang susi sa amin" "Ih! Kina Mike ka nalang pumunta" "Wala pa yun dun eh!" "Edi umuwi ka na lang muna" "Ang sama! Siguro may babae ka na naman diyang kasama noh? Paalisin mo nay an sabihin mo sa susunod na lang kayo magadigan at may mga kaibigan kang pupunta"Natawa lang ako noon at muli kong sinabi "May bisita nga ako ngayon pero aalis din ako mamaya kasama to, mayamaya kasi aalis na ako eh" "Ganyan na pala huh, sige na!"At binaba na ni Lyn ang telepono, natawa si Fae sabay sabing "Sana pinapunta mo na sila dito, aalis din naman ako mamaya maya eh" "Aalis din naman kasi ako eh"Ang sabi ko kay Fae habang nagliligpit nang aming pinagkainan. "Oh saan naman lakad mo men?" "Girlfriend ko" "Mukha! Di nga?" "Oo nga, ikaw ba saan?" "Secret!"Habang naghuhugas ako nang mga pinggan ay may narinig akong motor na dumaan sa harapan ang aking bahay, at nagtaka ako dahil tila ba tumigil ito sa harapan anng pinto nang aking tirahan. Hinde ko muna ito pinansin nung una, sa pagaakala na marahil ay dumating na ang kapit bahay ko na may motor. Pero ilang sandali pa ay napansin ko na tila ba may sumisilip silip sa aking pintuan at agad ko itong nilapitan "Si Fae?" Sabi nang isang lalakeng hinde ko kilala, maporma ito at mukhang dancer. "Uy Bok!"Ang sabi ni Fae at sa tono nang pananalita ni Fae ay kilala niya ang naturang binata "Ano tara na ba? Kanina ka pa hinihintay eh"Ang sabi nito, hinde na ako nagtanong noon pero agad ko din nalaman kung sino ang binatang ito "Uy El, si Bok nga pala, pinsan ni Mcoy"Napatango tango lang ako at tumingin kay Fae at napailing at nagulat ako nang pinisil niya ang ilong ko "Naku! Wag ka na umusap! Ganun talaga!"Natawa na lang ako at matapos magayos ni Fae nag sarili ay sumakay na siya sa motor nang binatang iyon. Napailing lang ako dahil nagkabalikan na naman pala sila ni Mcoy, kahit na noon ay naalala ko pa na panay ang reklamo niya na may karelasyong iba si Mcoy, at meron din itong papa, pero siguro mahal nga talaga ni Fae ang binatang iyon kaya naman napakibit balikat na lang ako. Mayamaya pa ay may muling tumawag sa aking cellphone, agad ko naman itong sinagot at napangite at di makapaniwala kung sino ang tumawag sa akin "E-eusha, ikaw pala?" "Pwede ba tayong mag usap?"Ang tanong niya sa akin sa isang seryoso't malalim na boses. Hinde talaga ako makapaniwala na tatawagan niya ako at kakausapin. Di ko alam kung bakit ba pinapawisan ako nang sobra nang sobra nang sandaling iyon, kasabay ang mabilis na pagtibok nang puso ko na halos naririnig ko na sa aking magkabilang tenga. "Hello? Pwede ba o baka abala ka kay --?" "S-sige, saan ba? Dito sa phone o magkikita tayo?" "Kita tayo mamaya sa may Gerrys sa MoA at 8pm"Magsasalita pa sana ako nang agad na niyang binaba ang tawag. Napasindi ako nang sigarilyo kasabay nang isang malalim na buntong hininga kasabay sa paglabas nang usok mula sa aking ilong at bibig. Matapos ay bigla akong napaisip, bakit bigla ata naisipan ni Eusha, na kausapin ako, at higit sa lahat makipagkita. Agad kong sinampal sampal ang aking pisngi, inalis agad sa isip ang mga bagay na iniisip ko o mga dahilan kung bakit siya makikipagkita sa akin, ang mahalaga, makikita ko din si Eusha at magkakaroon na din ako nang pagkakataon na makausap siya. Napatingin ako sa orasan at magaalasingko na nang hapon, niligpit ko muna noon lahat nang nakikita kong kalat sa bahay, tinupi ang mga dapat kong tupiin na damit, matapos ay naghanda na ako at naligo. Pagkatapos kong magayos nang sarili ay agad na akong umalis nang bahay at agad sumakay nang FX patungo sa EDSA. Tahimik ako noon sa loob nang FX, iniisip kung ano ano ba ang sasabihin ko kay Eusha, pero nasira ang konsentrasyon ko nang marinig ko na biglang tumunog ang cellphone ko at tumatawag sa akin si Stella. Agad ko naman itong sinagot "Hey babe, nasaan ka?" "Nasa biyahe, ikaw ?" "Eto kakauwi lang, biyahe? Saan ka pupunta?"Hinde ko sadyang napindot noon ang cancel call at naputol ang tawag, pero siguro ay isang life saver ang nangyareng iyon, dahil hinde ko alam kung ano ba ang sasabihin ko kay Stella, nagtatalo din ang isip ko noon, kung sasabihin ko ba kay Stella na makikipagkita ba ako kay Eusha o gagawa na lang nang ibang dahilan, ilang minuto din ang lumipas sa aking pagiisip at muli ay tumawag si Stella "Naputol ang tawag babe sorry, nalow batt ako"Napangite ako dahil sakto sa pagkakataon ang pagkalobatt nang cellphone niya at di sadyang pagpindot ko sa end call, at nang muli niya akong tanungin nang "So saan ba lakad mo?'Pikit mata kong sinabi sa kanya ang napagdesisyonan kong sabihin sa kanya.

Book 6  Kung Ako Na Lang Sana By El NunalTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon