Part 10
"I know where you went, last time, is there any chance na sasabihin mo sa akin yun?"Ang tanong sa akin ni Stella, at hinde ko naman na magawa pang magsinungaling pa, alam ko kung ano ang sinasabi ni Stella, hinde ako nakaimik, at tahimik lang na lumapit sa kanya"Stella, kasi ano...""Kasi ano? You know, I trusted you, pero di ko inakala na magsisinungaling ka din pala sa akin, akala mo ba hinde ko malalaman? Na nagkita kayo ni TamTam dito last time? Bakit ka ganyan? May ginawa ba ako masama sa iyo para pagsinungalingan mo ako nang ganito?"Ang pagalit sa akin ni Stella, hinde ko alam kung ano bang idadahilan ko, I know for the fact na sa oras na sabihin ko na dahil gusto kong makita si Eusha at makipagusap sa kanya, she might get the wrong idea, pero, wrong idea nga ba? Maloko ko man ang mga tao sa paligid ko, hindeng hinde ko maloloko ang sarili ko, that time, wala akong ibang nabangit kay Stella kung hinde"Sorry... sorry Stella"Kitang kita ko sa mukha niya na pigil na pigil siya na maiyak, kahit kitang kita ko na nangingilid ang kanyang luha, umupo ako muli sa bench, at napabuntong hininga,kasunod ay ang aking pagamin sa kanya na
"Actually Stella, I know, I am such a dipshit saying this pero, gusto ko kasi talagang makita si Eusha that time, but I am not cheating on you, nakipagkita ako sa kanya para makipagusap lang, may mga bagay bagay kasi na gumugulo sa akin at may kinalaman ito sa kanya kaya gusto kong makipagkita sa kanya, hinde naman kita masisisi kung magalit ka sa akin right now, I lied and it's something na di ko dapat ginawa pero I had my reasons""Ipaunawa mo sa akin El, ipaunawa mo kung bakit kailangan mong magsinungaling"Ang wika ni Stella na nangangatal ang boses at pilit na pinipigilang umiyak, at nang makita ko siya na nagkakaganon, halos patayin na ata ako nang konsensya ko, this guilt feeling na tila ba sinasaksak nang isang daang beses ang dibdib ko at puso ko habang pinagmamasdan ko ang magandang dilag na ito na umiiyak sa aking harapan dahil sa aking pagiging makasarili. Hinde ko alam kung paano ko ba ipapaunawa sa kanya ang aking ginawa, hinde ko alam kung ano ang mga salitang dapat kong bigkasin dahil alam ko, dito nakasalalay ang naguumpisa pa lamag na relasyon namin, ngunit, wala talaga akong maisip na masabi sa kanya, there's no excuse sa aking ginawang pagsisinungaling sa kanya. "El, iwan mo muna ako magisa, please""Stella...""Please lang, El, wag ka munang magpakita sa akin, please"At di na niya napigilan pa na maluha, matapos ay nito ay madali siyang umalis, hinde ko alam kung bakit ba kahit na gusto ko siyang sundan ay tila ba napako ang aking mga paa sa aking kinatatayuan, at mula doon ay pinanuod ko lang si Stella na tuluyan na makalayo sa akin. Napabuntong hininga ako, matapos ay muling umupo sa bench, at nagsindi nang sigarilyo, dito ko na lang dinaan ang nararamdaman kong inis sa aking sarili. Madilim na nang nagdesisyon akong umalis sa aking kinauupuan, nakatulala lang ako buong oras doon sa bench habang nakatingin sa karagatan at iniiisip kung ano ba talaga ang dapat kong gawin, ano ba talaga ang nararamdaman ko para kay Stella, kay Eusha. Minabuti ko na lamang na umuwi sa aking bahay, gusto ko pa sanang dumaan sa bahay ni Stella subalit ayaw ko munang palalain pa ang sitwasyon, mas ok na muna siguro na palamigin ko muna ang sitwasyon, hinde ko din talaga kasi siya masisisi kung bukas makalawa eh makipaghiwalay siya sa akin, ano pa bang pinagkaiba ko sa naging boyfriend niya. Mabigat ang dididb ko nang umuwi ako sa amin, kasabay pa nang malungkot na aurang sumalubong sa akin sa bahay na tinitirhan ko. Madilim at mainit pa, kaya naman binuksan ko na lang muna ang pintuan nang aking bahay at binuksan ang ilaw matapos ay tahimik na umupo sandali sa labas at muling nagsigarilyo. Maliwanag ang paligid kahit alas diyes na nang gabi nang mga oras na iyon, bilog at maliwanag ang buwan. Napatingala ako at naalala ang isang taong naging parte nang aking buhay, at siguro, kung nakikita niya ako ngayon ay marahil nalulungkot din siya dahil sa mga bagay bagay na pinaggagawa ko. Pinilit ko na munang kalimutan ang nangyari, muli akong umalis nang bahay at nagtungo sa computer shop na aking tinatambayan.
Pagdating ko doon ay agad kong nakita si JanJan at Mike na nakaupo sa labas, kapwa nagsisigarilyo at nang makita ako ay agad akong hinatak"Oh kumpleto na kami!"Nagulat ako nang sabihin iyon nang dalawa, at pinaupo na ako ni Mike sa tabi niya"Oy pre Morphling ka huh"Sabi niya sa akin, nagtaka ako at hinde ko inasahan na masasabak ako sa isang pustahan sa laro nang Dota, sakto at may paglalabasan ako nang sama nang loob. Matapos ang dalawang oras nang paglalaro ay nanalo kami sa pustahan."Taena ka, napakaseryoso mo ah, lamog tuloy kalaban"Bati sa akin ni Mike at ni JanJan habang nagliligpit kami nang upuan, magsasara na kasi ang ang shop, at hinde doon matutulog si JanJan o ang kapatid nang may ari nang computer shop.
BINABASA MO ANG
Book 6 Kung Ako Na Lang Sana By El Nunal
DiversosBook 6 Kung Ako Na Lang Sana By El Nunal