Kung Ako Na Lang Sana Part 22

1.2K 5 0
                                    

Part 22

Hinintay ko na dumating si Fae sa bahay, it was already 2am nang dumating siya, at sa itsura niya, halatang umiyak siya
"Men, bili ka nga nang alak oh"
Inabutan niya ako nang pera at hinanap ko kung sino ang makakainuman naming
"Nasaan si boyfie mo?"
"Ayun nagpapachupa sa bakla ang putang ina na yun gago siya! Tang ina talaga, men, dali bili ka nang alak, shot tayo" ang sabi niya sa akin, habang kitang kita ko kung paano niya halos madurog na ang lente nang cellphone niya sa diin nang pagkakapindut niya dito. Agad naman akong nagtungo sa bukas pang tindahan na alam ko at agad na bumili nang 1 litrong gin blue, matapos ay bumili na din ako nang chaser at medyo nakaramdam ako nang gutom kaya naman bumili na din ako nang pulutan, hotdog, itlog, pancit canton. Pagdating ko sa bahay ay nakita ko si Fae na tulala, nang makita niya ako ay agad niyang kinuha ang bote nang alak at tinunga ito.
"Men, ako na lang uubos nito"
Ang sabi niya sa akin, nagulat ako at natawa sa sinabi niya
"Basta men putang ina talaga, kailangan ko maglasing at makalimot, tang ina niyang hayop siyang gago siya" ang inis na inis na sabi ni Fae habang panay ang tunga nag alak. Sa totoo lang, noong una, akala ko ay nagbibiro siya, pero napapamura na ako sa sarili ko nang makita kong halos kalahati nang litro ang natunga niya, wala pang chaser.
"El, di ba nakakawalang respeto lang? Yung tipong, binibigay mo na nga lahat sa kanya, tapos putang ina pa, mambabae na, namamakla pa ang putang ina"
Sa totoo lang, hinde ko alam kung ano ang sasabihin ko, wala akong ideya kung paano pagagaanin ang loob niya, halatang inis na inis at galit na galit siya, sabagay, eto na si Fae na nagsakripisyo para lang makasama ang lalake na iyon pero tila ba nagkamali siya nang sinamahang lalake, pero wala akong karapatan this time to judge, I am just there observing, at dinadamayan lang siya. Habang patuloy siyang nagsasabog nang sama nang loob sa akin about sa BF niya ay may narinig akong motor na tumigil sa harapan nang aming bahay, maya maya pa ay may kumatok na at nang pagbuksan ko ay kaibigan ito nang bf ni Fae
"Si Fae nandyan ba?" ang tanong niya sa akin
"Oo tara pasok, si ano?"
"Iuuwi lang daw yung motor niya" ang sabi niya sa akin matapos ay agad na siyang pumasok at kinausap ang nagpapakalaseng na si Fae, hinde ko na pinakinggan pa ang pinaguusapan nila, bagkus ay lumabas na lang ako at nagyosi, naawa lang din kasi ako na makita si Fae na nagkakaganun but, I know this is part of loving someone, especially if that someone is a womanizer, but that's the choice she made, and all I can do is watch, medyo nakakaawa man siya tignan but that's the choice she made, besides, siguro karma is a bitch nga talaga, bago kasi talaga maging sila nang Bf niya ay may karelasyon na ito at iniwan nang lalakeng iyon ang GF niya na iyon para kay Fae.
"Pre, si Fae?" isang boses ang bigla kong narinig mula sa aking gilid, ang kasintahan ni Fae, di ko namalayan na nandoon na pala siya, nginuso ko na nasa loob lang siya at matapos nito ay pumasok na siya habang ako naman ay tahimik lang na nagyoyosi. Naririnig ko na galit na galit si Fae sa lalakeng ito at marahil mga kalabog at sampal ang naririnig kong iyon, hinde na din kasi ako nakiosyoso, ayaw kong makialam sa kanila, bahala sila sa buhay nila, basta ako, masaya ang araw ko. Naglakad lakad muna ako sa labas nang aking bahay at habang nagmumuni muni ako ay biglang nagring ang aking cellphone, tumatawag si Strawberry, hinde ko alam kung sasagutin ko ba ito o hinde, medyo wala din kasi ako sa mood makipagkwentuhan pero naisip ko nab aka emergency ang rason nang pagtawag niya this time of the day kaya naman sinagot ko na din ito
"Yow Straw waszup? Napatawag ka?"
"Wala lang" ang sabi niya sa akin, medyo napangite na ako nang sinabi niya yun
"Ganun? Wala lang pala eh, edi bababa ko na tong tawag mo"
"Ganun? Ang sama mo naman, gusto ko lang naman na may makausap eh, ikaw pa nga"
"Wala pa ba si Bords diyan? Or kahit sino na kabarkada mo?"
"Di pa nabalik dito si Kuya Bords eh, tska umuwi na din ako kasi galing kasi kami ni Mama sa auntie ko ulet, doon sa kahapon, ano nga pala ginagawa mo doon? Tska sino yung guy na cute tska yung chubby na magandang babae?"
"Di ko rin sila kilala, natanong lang sila kung kilala ko daw ba yung may ari nang apartment tska kung may bakante daw"
"Ahh... so ano ginagawa mo doon?"
"Well.... Ano nga ba? Siguro, trying to set things right"
"Wow nose bleed naman ako sa iyo huh!"
"Ofcourse don't me" nagkatawanan kaming dalawa at muli niya akong kinulit sa tanong na
"Ano ba kasi ginagawa mo doon? Siguro may dinalaw ka doon no?"
"Parang ganun na nga, naalala mo ba yung kinuwento ko sa iyo na girl?"
"Teka, yung Aisha girl ba?"
"Eusha, Aisha ka diyan"
" Oh anong meron? You mean doon ka galing sa kanila? So doon pala siya nakatira?"
"Oo, kakalipat lang daw nga niya eh, inalam ko lang yung address niya"
"Ahhh... ok"
Medyo nagkaroon kami nang ilang segundong dead – air sa paguusap naming sa telepono, like I said, wala din naman kasi akong ganang makipagkwentuhan that time and the fact na hinde naman pala emergency ang tawag nya eh lala akong nakaramdam nang katamaran. Hanggang sa marinig ko siyang maghikab at nagkaroon ako bigla nang magiging topic naming
"inaantok ka na pala eh, nahikab ka na oh"
"Di naman, ikaw ba? Di ka pa ba inaantok? Anong oras na oh, di ka pa tulog?"
"May bwisita kasi ako sa bahay"
"Ano?" ang natatawang tanong niya sa akin, medyo natawa din ako at kinuwento sa kanya ang nangyare
"Grabe naman, bat di mo paalisin, disoras na nang gabi, madaling araw na nga eh, tapos sa inyo pa nila natripang magaway?"
"Well hayaan mo na, wala eh, alangan naman paalisin ko yung naghahanap nang matatambayan sandali di ba? Besides BH eh hayaan mo na"
"Parang ako lang pala noh?"
"Anong parang ikaw?" narinig ko sa kabilang linya na napabuntong hininga siya sabay sabing
"Wala po! Sige na, matulog na ako huh? May lakad pa kasi ako bukas"
"Saan punta?"
"Sa puso mo!" ang sabi niya sa akin at natawa kaming dalawa matapos ay tinapos na niya ang tawag.
Ako naman ay napakibit balikat na lang at nagpatuloy sa pagliliwaliy sa daan habang nagyoyosi hanggang sa makabalik ako sa amin. Tahimik na ang paligid at tila ba kalmado na ang bagyo, kaya naman naisipan kong pumasok nang bahay, at nakita ko na nakayapos na ang lasing na si Fae habang ang bf naman niya ay may tinetext na kung sino, ang kaibigan naman nila ay nakahilata na sa sofa na hihigaan ko sana, magaalas kwatro y medya na kaya naman medyo tinablan na din ako nang antok, may espasyo pa sa bandang paahan nang magkasintahan at wala na akong kaabog abog na humiga sa may paahan nila.
"Uy pre, pasensya na sa istorbo ha?" ang sabi sa akin nang bf ni Fae
"Naku pre wala yun, ano ok na ba kayo?" ang tanong ko sa kanya, hinde siya sumagot, hinde ko din naman inaantay na sumagot siya at natulog na lang din ako.
"Anooo baaa?" isang boses nang babae ang bigla kong narinig, na tila ba nakikipaglambutsingan sa kung kanina, wala sana akong pake pero una, hinde ko kilala ang boses nito, pangalawa, pakiramdam ko ay tila ba napakalapit lang nang pinanggagalingan nang boses niyang iyon, sana ba kung mahina kaso tila ba, sa tabi ko lang ito nakikipaglambutsingan, at nang minulat ko ang mata ko, nagulat ako, isang magandang binibini ang katabi nang kaibigan nang bf ni Fae. Di ko alam kung nagcutting class ba ito o maaga pa lang talaga, subalit napansin ko ang orasan, ala una na, at alam ko ang school na pinapasukan niya.
"Hala, nagising si kuya ang ingay mo kasi" ang pangaasar nang lalakeng iyon sa dalaga. Maganda ito, sexy, medyo may kalusugan ang hinaharap sa buhay, at higit sa lahat, cute siyang ngumite.
"Kuya sorry ha? Ito kasi eh" ang sabi niya sa akin at napatango na lang ako. Napansin ko na wala si Fae at ang BF niya, narinig kong may tila ba naliligo sa banyo, hinde ko alam kung sino iyon
"Men! Pagluto mo kami! Padating na si Mahal ko" ang sigaw ni Fae mula sa banyo, sumilip pa siya sa may siwang nang pintuan at tinuro ang isang plastic na nakalagay sa aking lamesa.
"Hoy bakla! Di ka ba nahihiya kay Kuya ano? Inuutusan mo pang magluto kayo na nga dapat nagluluto eh!" ang sabi nang babaeng iyon, natawa lang ako dahil medyo may punto siya, pero wala naman sa akin iyon, dahil nasa mood naman ako magluto, basta para kay Fae, medyo shinashare ko lang kasi ang talent ko sa pagluluto sa babaeng ito.
"Kuya anong name mo?" tanong nang babaeng iyon sa akin
"El nunal"
"Sampaguita" ang sabi niya sa akin sabay abot nang kamay, gusto kong matawa sa pangalan niya, though this is a common name para sa ating mga pinoy, pero di ko alam why I found it funny at di ko naiwasang matawa, ngumuso siya at sabay sabing
"Fae oh si kuya iniinis ako!" ang sumbong nito, gumatong din ang di ko malaman kung boyfriend niya ba o manliligaw pa lang niya na
"Eh kahit naman ako dati natawa sa name mo eh, nakakatawa naman kasi kaya?"
Tatawa tawa akong nagtungo sa kusina nang aking bahay at nagluto habang napansin ko na nilalambutsing na naman nang lalakeng iyon si Sampaguita. Naingit ako at sabay sabi sa aking sarili
"Balang araw, kami din ni Eusha maggaganyanan, tiwala lang El, tiwala lang"
Paglabas ni Fae nang banyo ay nabigla ako nang marinig ko na inaasar niya ang dalawa nang
"Asus! Pabespren bespren pa kayong nalalaman na rason sa akin, may bespren bang nagtutukaan?"
Natawa ako bigla nang marinig ko iyon, at iniisip ko pa lang na maaring may BF or GF ang isa sa kanila nang sabihin ni Sampaguita na
"Eto lang naman kasi ang may sabit eh, ok naman ako eh, sabi niya maghihiwalay na sila eh"
"Hay nako, ikaw kaibigan ka talaga nung gago na yun!" ang sabi ni Fae sa kaibigan nang Bf niya, napailing na lang ako, ito kasi minsan ang nakakatawa, alam na naman nating may karelasyon ang isang tao, talagang tayo pa ang sumisingit, at minsan, wala tayong pake na may matapakan man tayong tao hanggat alam natin na kaya naman natin kunin at paibigan ang taong gusto natin, on that scenario, tila ba napatigil ako sa pagtawa at pagngiti at napaisip, wala talaga akong karapatan na magsalita na sa kung ano mang kalokohan ang nagaganap, hinde ako magmamalinis at halos ganun din ang ginawa ko kina Glenn at Eusha, eto ako, biglang dumating at nanggulo. Marahil ay napansin ni Fae ang pagiging seryoso nang aking mukha at binati niya ako
"Uy, naiinis ka ba sa amin men?"
"Ha? Hinde hinde, may iniisip lang ako, medyo wala pa din kasi ang kaluluwa ko sa katawang lupa na to eh, pero iba na talaga ang lumalaklak nang isang litro magisa" ang pangaasar ko at kitang kita sa mukha ng bisita nilang babae ang pagkagulat
"Di nga? Sinolo mo lang?"
"Oo tinungga ko, walang chaser chaser, gago kasi yang kaibigan niyan eh!" ang naiinis na sabi ni Fae
Bilib pa din ako sa ginawa ni Fae na iyon, pero, siguro, sadyang masama ang loob niya kaya nagkaroon siya nang lakas para gawin ang bagay na iyon. Agad ko nang inihain ang kakainin nila, matapos ay naligo na ako
"Oh El, saan ka pupunta?" tanong ni Fae sa akin
"Sa computer shop na tinatambayan ko, may ichecheck lang ako, kaw ba di ka ba hinahanap nila kuya sa Tambayan?"
"Hinanahanap nga ako kakain daw kami, sabi ko lang na nandito ako sa bahay niyo, nakakahiya naman kasi kung doon kami magaaway di ba? Nakakahiya sa kanila, babalik ako doon mamaya, tulungan ko sila na magayos doon, medyo magulo sa eh, hintayin ko na lang si gago na dumating, iwan mo na lang sa akin susi ako na lang maglolock"
Ang sabi niya sa akin, matapos kong magasikaso, makapagligpit ay umalis na ako sa aking bahay at iniwan ang susi kay Fae. Pagdating ko tinatambayan kong computer shop ay agad akong sinalubong nang mga players na naglalaro sa shop na iyon

Book 6  Kung Ako Na Lang Sana By El NunalTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon