Kung Ako Na Lang Sana Part 15

1.3K 5 1
                                    

Part 15

"Jules? Ikaw ba yan?"Ang tanong ko agad sa kanya"Oo, nasaan ka ba?""Erm.. nasa may Pasay ako now bakit?""Pwede ka bang magpunta dito sa Rosario?""Sa dati niyong tirahan?""Hinde, sa chapel tayo magkita, alam mo naman yun diba? Pwede ka ba ngayon?""Magpapaalam lang ako sandali""Sino ba kasama mo?""Wala naman akong kasama, may pinuntahan lang ako na kaibigan""Sige""Si.. Eusha?""Wala siya, gusto lang kitang kausapin nang personal, hinde niya alam na tinatawagan kita, basta pumunta ka dito, usap tayo sandali lang naman, tapos balik ka na lang kung nasaan ka man"Agad niyang binaba ang phone. Medyo nagpakundisyon ako nang katawan para makipagkita kay Jules, ano kaya ang paguusapan naming dalawa, iniisip ko agad malamang, kunkektado ito sa dalawang taong kilala ko, kay Stella at Eusha. "Pre alis muna ako sandali ha"Ang sabi ko kay Bords"Oh! Saan ka pupunta?"Tanong niya sa akin"Uuwi ka na ba? Dito ka na matulog"Ang dugtong pa niya "Oo dito ako matutulog, may pupuntahan lang ako""Babalik ka ha?""Oo pre"Tumayo si Bords at sinamahan ako"Samahan na kita pre, babalik ka ha, magtatampo ako sa iyo niyan pag di ka bumalik""Babalik ako pre, may kakausapin lang ako""Chiks ba? Baka naman magkikita lang kayo ni Strawberry ha?"Ang pabirong sabi niya sa akin"Hinde noh! Wala naman ako number nun tska isa pa mukhang magulo ang buhay nang babae na yun, baka mapatrouble pa ako""Di noh, mabait naman yung si Ka Berting, sinumpong lang siguro yun kanina"Habang naglalakad kami ay madaming bumabati kay Bords na tambay, karamihan pa sa mga ito eh mukhang mga trippers o yung mga bigla na lang mananapak sabay takbo."Dikit ka lang sa akin, kasi pagnakita nila na kaibigan o kakilala kita, walang gagalaw sa iyo dito, minsan kasi gago din yang mga yan eh, baka pagtripan ka, mabuti na yung may kakilala ka"Ang sabi niya sa akin, napansin ko nga na medyo madaming ganung tambay doon. Napansin ko na isa sa mga lalake ay pailalim na tumitingin sa akin, nagulat ako nang bigla itong lapitan ni Bords at kausapin, nagulat ako nang bigla na lang niyang suntukin ito sa mukha"Tado ka ha, gago, wag kang papakita sa akin bukas"Ang sabi ni Bords dito nang umatras ito palayo sa kanya"Oh, ano yun?"Ang tanong ko sa kanya"Wala pre, gago yun eh, may atraso kasi sa akin yun""Walangya ka pre, boss ka ba dito?""Oo naman, balwarte naming to pre kaya protektado ka dito, yang mga tambay na ganyan dito, kilala nila kung sino yung dapat gaguhin at hinde""Walanghiya pre mamaya balikan ka nun magulat ka na lang gripuhan ka sa tagiliran""Takot lang niya, kilala niya babangain niya"Natatawa ako at di ko alam kung ano ang sasabihin, di naman kasi talaga tagarito si Bords, pero kung katakutan at respetuhin siya nang mga tambay dito eh akala mo kung sino, pansin ko naman na hinde niya iyon pinagaangas, di naman siya feeling siga kung maglakad. Mayamaya pa ay may lumapit sa kanya na lalake, at tila ba may binulong ito kay Bords at may binulong din ito dito"Sige sige bukas, daan ka na lang sa bahay"Bago makalayo ito ay may pahabol pang sinabi si Bords"Oi nga pala pre sabihan mo si Buriki na wag tatambay diyan bukas, baka paglamayan bigla yun bukas"Ang sabi ni Bords at lumapit ang lalake"Oh bakit pre nangyare ba? Tirahin ko na ba?"Ang tila di ko matantya kung seryoso ba o biro lang. Tinignan ako nang lalake at tumango sa akin at kinamayan ako"Mako nga pala pre"Ang pakilala niya sa akin. Sa itsura nito na burdadro ang mga braso, maging ang balikat nito at may peklat na may kalakihan sa leeg, halatang madalas itong mapatrouble, tila nga labas pasok na din ito nang kulungan sa kanyang itsura. Bulong lang silang nagusap at tatango tango lang ang lalake na ito"Ganun ba pre, sige sige sabihan ko mamaya pag nakita ko""Sabihan mo ha, sabihin mo pasalamat siya may bisita ako"Napailing lang ako at napangite sa kanya"Ikaw na pre, astig ah""Marunong lang makisama at respeto pre, yun lang naman kailangan eh, nga palam ay frat ka na ba?""Naku pre wala akong balak sumali sa mga ganyan, ayaw ko nang may mga kaaway""Di ka naman magkakaaw isa pag may umayaw sa iyo o umagrabyado, madali na lang balikan""Ayan nga iniiwasan ko pre eh, mahirap na din kasi, baka kasi kahit wala ka naman kasalanan, kung may atraso yung kafrat mo, alam mo naman yung iba, cute magisip, diba? Yun ang babanatan, naalala mo yung mga classmate natin nung grade 6?""Sabagay, pero siyempre dipende na din yan""Naku pre, ok na ako sa buhay ko na ganito, ayaw kong lumiit ang mundo ko"Nagkatawanan lang kami at nang marting na naming ang labasan ay tinanong niya ako"Saan ka ba pupunta?""Sa Rosario lang pre""No gagawin mo dun? Ingat ka dun dami ding tarantado doon, napagtripan na nga kami minsan doon eh"Ang sabi niya sa akin. Tumango lang ako at tumawid na upang sumakay nang jeep papuntang crossing. Medyo kakaiba ang dinaanan naming routa kaya naman alerto ako at panay ang pagmamasid sa paligid. Tinandaan ko din ang tatak nang mga jeep na nasasalubong naming na papunta sa sinakyan ko. Nagtext ako kay Jules upang sabihan siya na papunta na ako"Jules, papunta na ako, di lang ako sure kung mga ilang minuto ako makakarating""Wala na naman trapik kaya mga 30 minutes siguro nandito ka na""Sige sige"Matapos ang halos trenta minutos nang pagbiyabiyahe ay nakarating din ako nang edsa, dalawang jeep kasi ang aking sinakyan dahil tinuro sa akin ni manong driver ang susunod kong sasakyan na jeep. Napadaan ako sa isang malaking building, at napansin ko na tila mga call center agents ito na lumalabas mula dito, sa harapan nang StarMall. Napansin ko din na may Fast Food Chain doon, at tila ba inuman, nakaramdam ako nang tawag nang kalikasan kaya naman pasimple akong pumasok sa fast food chain na ito at nagbakasakali na may CR, at hinde mo nga naman talaga aakalain kung paano magbiro ang tadhana, sa loob nang kainan na iyon, ay may isa akong taong hinde inaasahang makikita, hinde ko talaga inakalang magkikita kami ni Stella doon. Agad na nagtagpo ang tinginan naming dalawa, agad ko ding napansin na tila ba pauwi na siya dahil sa mga dala niyang plastic bag na kakatapos lang sa pamimili pero hinde ko maintindihan dahil madami ito at tila hinde niya naman ito kayang dalhin lahat, at agad naman nasagot ang tanong ko sa aking sarili nang makita ko na may lalake na dumating doon at may daladalang pagkain na inorder nila, agad kong pinutol ang tingin namin sa isa't isa, at nagdesisyon na lang na lumabas doon, maging siya din naman ay pinutol din ang tingin, marahil, ang kasama niya na iyon ay matagal nang nanliligaw sa kanya, o kamakailan lang din, hinde ko alam, medyo nakaramdam lang ako nang kakaibang kurot sa aking dibdib nang makita ko silang magkasama, yung feeling na dating nasa iyo, makikita mo na lang sa kamay nang iba, pero tang ina, bakit ba ako maapektuhan pa, ako din naman ang gagong gumawa nang kinasira nang relasyon namin, at hiwalay na kami, kaya may karapatan na siya na makipagdate kung kanino niya gusto, kaya lang, medyo nainis lang ako dahil ako, tila ba gustong gusto ko muna na palipasin ang buwan bago ako dumiskarte pero siya, meron na agad, at gumana ang ego ko at napaisip, bakit nga ba ako maghihintay pa kung siya nga meron na, kaya naman, nang makita ko siyang may kasama nang ibang lalake, nabuo bigla ang isang desisyon sa aking isip, oras na para gumawa nang mga hakbang para maging girlfriend si Eusha, pero agad ding nasapawan ito nang kakaibang inis, nawala sa isip ko na meron papala siyang boyfriend. Pero bakit ba ako mangangamba, sabi nga nila, kung ang asawa nga naaagaw, shota pa kaya? And knowing that Eusha still have some feelings for me, hinde ko na siguro kailangan pang mageffort masyado, ang kailangan ko lang gawin eh muling hulihin ang kiliti niya. Matapos kong makakita nang sasakyang jeep ay agad na akong nagtungo sa lugar kung saan kami magkikita ni Jules at makalipas pa ang ilang minuto ay nakarating na din ako. Sa malayo pa lang ay kita ko na si Jules, nagyoyosi, nakasuot nang itim na fit na damit dahil kitang kita ang hulma nang sexy niyang katawan at nakasuot nang di kahabaang maong na short. Nakita niya ako at halata sa tingin niya ang magkahalong inis at irita, pero siguro, sadyang may kailangan lang siyang sabihin sa akin kaya naman ninais niya talaga na makipagkita sa akin. "Tara, may pupuntahan tayo"Ang sabi niya sa akin matapos ay tahimik lang ako na sumunod sa kanya. Ilang sandali pa ay nakarating na din kami sa isang bahay, may kaliitan ito pero maganda naman, fully furnished kahit papaano. "Jules, ano meron bakit mo ko pinapunta dito?"Tanong ko sa kanya"El, may gusto sana akong itanong sayo""Ano yun?""Pwede bang malaman, kung bakit mo hiniwalayan si Stella?"Matapos nito ay tahimik lang ako na napaupo sa upuan sa bahay na iyon, matapos ay napasindi nang sigarilyo"Jules, kailangan pa bang – ""El, pwede bang sagutin mo na lang ako? Dahil ba kay TamTam?"Hinde ako nakausap at napahithit na lang sa sigarilyong sinindihan ko, ano ba ang isasagot ko, oo? Sa totoo lang, totoo naman na si Eusha ang dahilan kung bakit ko hiniwalayan si Stella, sadyang tinamaan lang ako nang kagaguhan kaya naman talagang pinatulan ko si Stella, pero, knowing that Stella is their friend, hinde ko alam kung anong klaseng paliwanag ang ibibigay ko, alam ko kasi na malamang sa hinde, itatanong ni Jules ito sa akin, bakit ko pinatulan si Stella."Oo Jules... dahil sa kanya... dahil di ko alam na all this time pala may feelings akong nararamdaman sa kanya""El, sinasabi mo ba yan dahil totoo ang nararamdaman mo, o dahil ngayon eh wala na yung dating kalaguyo mo? Yung instik na hilaw mong syota before? Am I right?"Hinde ako nakaimik, sapul na sapul ako sa puso sa sinabi ni Jules, ever since na maghiwalay kami ni Charice, ever since na maikasal siya sa iba, hinde ko ba alam kung ano ba ang nangyayare sa akin, I guess, our break really gives me this much impact. Tumayo si Jules at tahimik na naglakad palayo, tumingin ulet siya sabay sabing"El,kaibigan pa din kita kahit papaano, you left a good memory sa amin, sana naman, as a friend, pakingan mo ko, stop your plan na pumasok pang muli sa buhay ni Tam Tam"Hinde na ako nagsalita pa, hinde ko alam kung bakit sa mga salitang iyon ni Jules, nakaramdam ako nang kakaibang guilt, guilt hinde dahil sa mga sinabi niya, kung hinde sa pagaakala niya siguro na titigilan ko si Eusha, I am really determined to make Eusha mine, no matter what, at siguro, handa na din akong gawin kung ano ang dapat ginawa ko noon pa man, ang matutong ipaglaban kung ano ang gusto ko, even it means jeopardizing my friendships to those girls, besides, alam kong sira na kami ni Stella, so itutuloy tuloy ko na, alam ko naman kasi na kahit papaano, may nararamdaman sa akin si Eusha at handa na ako sa kung ano man ang mangyayare. Sumakay na ako nang taxi pablik kina Bords, gusto ko pa din kasing uminom matapos ang usapan naming na iyon ni Jules, pagdating ko doon after 30 minutes ay nabalot na nang katahimikan ang bahay niya, pero may mga tao pa din naman na nagiinom. Nakita ko si Bords sa may sulok nang bahay niya na tila may kinakausap sa telepono, samantalang ang ibang bisita niya naman ay abala sa pagshot."uy! Kala ko di ka na babalik eh! Pre pasensya na nga pala kanina huh?"Ang sabi ni Bords sa akin na tila lasing na. "Ano shot pa tayo?"Ang aya niya sa akin at hinatak niya ako sa upuan. Tahimik lang ako na nakishot sa kanila, kahit na nandoon kasi ang katawang lupa ko sa grupo na iyon, ang isip ko ay lumilipad at iniisip ang mga bagay bagay na pwede kong gawin para muling mapalapit sa akin si Eusha, pero sa gitna nang paguusapan namin, bigla akong tinanong ni Bords"Pre, nagchochongke ka ba?""Ha?" ang natatawang tanong ko sa kanya"Marijuana? Parang di alam ampota hahahaha"Ang natatawang sbai ni Bords matapos nito ay pumasok siya nang bahay nila at ilang sandali pa ay lumabas na siya na may dalang isang lata nang sky flakes, at nang alisin niya ang takip nito ay nakita ko na sa loob ang paripernalya na gagamitin niya para ihanda ang chongke na iyon. Kapansin pansin na tila ba excited pa ang mga nandoon dahil sa nilabas ni Bords na epektus, samantalang ako naman ay tila naipit sa sitwasyong gusto ko na ayaw ko, iniisip ko kasi kung ano ba ang magiging epekto nito sa akin dahil hinde pa ako nakakapagchongke nang nakainom, nung highschool days ko kasi, 2 o 3 beses sa isang linggo ako nakakapag weeds dahil sa mga kaklase ko nung fourth year ako, ang masaya pa nito, kadalasan ay sa classroom or kaya naman sa isang tagong parte kami nang eskwelahan nagsisindi nito, pero hinde naman ako sa naghuhugas kamay, sadyang madalas lang na ako ang hinahatak nang mga siraulo kong kaklase noon dahil alam nila na hinde naman ako magsasalita at hinde naman ako KJ katulad nang mga nahatak nila noon. Matapos makapagrolyo ni Bords ay agad na niyang inabot sa akin ito, at parang sigarilyo na sinimulan kong hithitin ito nang sindihan niya ito. Hinde ko naman maramdaman ang tama nito nung una pero sa kalagitnaan nang kwentuhan naming at pagshoshot ay tila nakaramdam ako nang kakaibang sensasyon sa aking batok patungo sa aking utak, at bahagyang bumigat ang pakiramdam nang aking ulo, tila ba bumigat ito at hinde ko mabalanse, pinilit kong magpakatatag at wag magpahalata na may tama na ako pero napansin ko na tila hinde lang pala ako ang nagkaganun, dahil nakita ko din si Bords na tila ba nahilo habang panay ang tawa habang kausap ang isa niyang bisita. Ako naman ay sumimpleng tayo at nagtungo sa CR ng bahay niya, at doon, walang sabi sabi ay nasuka ako at habang sumusuka ako ay may narinig akong sumisigaw sa labas na"Woooo! Pre yung bisita mo nagcoconcert!"Natawa ako dahil alam ko n

Book 6  Kung Ako Na Lang Sana By El NunalTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon