Kung Ako Na Lang Sana Part 14

1.3K 6 0
                                    

Part 14


~Jeepney~Napangite ako sa aking kakantahin, may aalala kasi ako bigla, at habang kinakanta ko na ang parteng~subalit ngayon wala na~Ang mga nandoon ay kinakanta yung back up na kanta din na"Wala naaaa!!!"At nang matapos ko ang kanta ay di ko alam kung jinojoke ba ako nang mga nandoon dahil sabi nila maganda yung boses ko, maging si Bords ay sinabi sa aking"Walangya may talent ka pala ha! Di mo sinasabi!"Natawa lang ako sa kanyang sinabi sabay dugtong na"Di ba Strawberry sabi mo ang gusto mo sa lalake maganda boses?!"Kasunod nito ay nakiasar din ang mga bisita niyang babae at sabay sabing "Ayyiiieee!!! Destiny na tohh!!!!"At nagkatawanan lang kami. Sumunod na kumanta ang dalawang lalakeng nanduon, at kapwa maganda ang boses nila at lalo na si Bords, lalo na sa kinanta niyang "Ako't sayo, Ika'y Akin Lamang", at alam mong maganda ang boses nang isang tao kapag tinindigan ka nang balahibo, at maya maya pa ay nagaya ang kasama niya na magsimulang magjamming sa mga hinire nilang instruments na nandoon din sa sala. Tinawag nang isa sa mga bisita ni Bords ang babaeng humalik dito kanina

"Millet, majajaming na daw sabi ni Bords"Agad naman pumasok ang babaeng iyon at inabangan ko kung ano ang hahawakan niyang instrument, at nagulat ako nang makita kong umupo siya sa drumset, ang dalawa namang lalake ay yung base at yung solo guitar ata iyon, at si Bords ang vocalist, at nakakatuwang isipin na maganda nilang naiperform ang mga napili nilang kanta. Habang tumutugtog sila, naisipan ko muna na lumabas para magyosi, doon, nakita ko si Strawberry na may kausap sa phone at tila ba umiiyak. Hinde ako lumapit sa kanya at bagkus ay umiwas pa nga ako dito, at nagtungo sa isang sulok upang magyosi.

"Uy! Saan ka punta kuya?"Tanong sa akin ni Strawberry habang nakatayo lang ako at nagrerelax sa may kanto"Ah nagyoyosi lang""Bakit ka pa lumayo, pwede naman doon kina Bords eh""Ok na din dito, medyo naiinitan kasi ako sa loob eh"Mainit kasi talaga sa loob, hinde kinakaya nang electric fan ang singaw nang mga katawan nang nandoon, at medyo humid nga ang hangin, nagbabadya na tila ba uulan, kapansin pansin din kasi na wala manlang kahit anong bituin sa kalangitan."Oh, bakit ka naman naiyak?"Ang pabirong tanong ko sa kanya, humingi siya nang yosi at agad ko naman siyang binigyan tapos ay sa tabi ko siya tumayo at nagyosi"Naku wala yun! Di ko na lang iisipin! Ayaw kong masira ang araw ko dahil lang doon"Hinde ko na inopen ang topic na iyon at iniba na lang ang tanong sa kanya"Saan ka nagaaral?"Tanong ko sa kanya"Di na ako nagaaral, working na ako""Nakapagtapos ka ba?""Hinde eh, third year college lang""Ano bang course mo?""BSBA, kaso ayun nga, may mga nangyari kaya ayun, hinde na ako nakapagtapos, nagwork na lang ako, eh ikaw ba? Nagaaral ka pa ba or working?""None of the above""Weh? Wala kang work?""Wala na, medyo wala pa ako sa mood magwork eh""Paano ka nabubuhay niyan? Nasaan parents mo? Rich kid ka noh?"Natawa lang ako sa tanong niya at maging siya ay natawa, matapos ay muli siya nagtanong"Seryoso, wala talaga?""Wala nga, well, pinapadalhan naman kasi ako nang mama ko, nasai bang bansa kasi mama ko, pati kuya at ate ko""wow rich kid nga!""Di naman sa ganun, sakto lang, pero di ako rich kid noh!""si mama mo nasaan ba?""Sa Kuwait""Si Papa mo?""Ayun, kasama si Hitler at nagpopoker sila"Natawa siya bigla, mukhang nakuha na naman niya ang sinasabi ko"Tara kuya balik na tayo"Ang aya niya sa akin, tinapon na naming ang yosi naming at nagbalik na sa bahay nila Bords. Ibang kanta na ang pineperform nang banda ni Bords nang bumalik na kami, at agad naman kaming inabutan nang alak nang lalakeng may pagkabading at sabay tanong na"Saan kayo galing Straweberry? Quickie?"Ang natatawang sabi nito sa babae"Gagu! Nagyosi lang kami noh! Adik ka talaga"Umupo na kami ni Strawberry sa may bandang labas nang bahay ni Bords habang pinapanuod naming sila na magperform. Natuwa ako sa nakita ko kay Bords kasi naman, noon pa mang highschool kami, naririnig ko na siya na sumasali sa mga band contest, sadyang hinde lang talaga ako nagpupunta sa mga event na ganyan dahil naiinis lang ako sa mga nakikita ko noon na mga nakatambay lang at minsan pa ay nagkakaroon nang gulo sa mga ganung lugar, bukod sa malayo pa, minsan, may entrance pa ang event na sinasalihan niya noon kaya naman hinde na talaga ako pumupunta pa. Matapos ang performance nila ay nagpahinga mula sila at muli silang nagshot kasama naming. Tumabi sa akin si Bords at agad ko naman siyang tinanong"Kelan ka pa nagbabanda pre? Astig ah""Matagal tagal na din, astig ni Letlet noh?"Ang sabi niya sa akin, kasunod nito ay tumabi sa kanya ang babaeng iyon"Eto oh sali mo kuya back up singer"Natawa lang ako sa sinabi ng babaeng iyon at tumingin sa akin si Bords"Ano pre join ka ba?"Natawa lang ako at napailing"Naku pre, di ako biretero at hinde naman maganda boses ko noh, isa pa, hinde pang rock band ang boses ko, di rin ako singer""Woo! Di daw ang puta! Eh sabi ni Melvin sa akin nung kasama ka niya dati sa school na pinapasukan niyo nung college eh 2nd placer ka daw sa singing contest eh!"Natawa lang ako sa sinabi niya, hinde ko alam na alam niya pala ang bagay na iyon, sapilitan lang din naman kasi ang pagkanta naming na iyon, actually di siya solo kung hinde duet, naalala ko pa yung kinanta naming dalawa nang kaklase ko na iyon, Way Back into Love, at hinde ko maintindihan kung bakit ba kami nanalo, sabagay, apat lang naman kami noon sa duet division, di pa dumating yung isang grupo at nagkalat kahit papaano yung 3rd placer sa amin. "Naku pre, promise, hinde ko talaga kaya eh, sorry ha""Eh masaya sana kung sama sama tayo di ba?""Eh ayaw ko naman maging panira noh, ang astig nang banda nyo tapos hahaluan mo nang kengkoy""Di naman! Grabe naman si kuya makapanlait sa sarili"Ang sabi ni Millet sabay abot sa akin nang shot."Hinde naman sa ganun kaya lang kasi, hinde naman talaga ako born to be a singer, di katulad nitong si Bords"Ang paliwanag ko sa kanila sabay inom nang inabot na alak sa akin."Uy pre, check ko naman cellphone ko, baka kasi may tumatawag eh"Ang sabi ko sa kanya, inaya niya ako na pumasok sa kwarto niya, at namangha ako sa ganda nang kwarto niya, talagang makikita mong rakista siya, mula pa lang sa mga designs na nakasabit sa kwarto niya, mga posters, picture nila nung mga sinalihan nilang banda, mga tropeyo at award. "Oh pre, ok na pala charge nang cp mo"Ang sabi niya sa akin, pagkakuha ko nang cellphone ko ay napansin ko agad ang limang messages, at 4 na miscalls. Nagbanyo muna ako sandali dahil medyo nakakaramdam na din ako nang tawag nang kalikasan. Habang nagbabawas ako ay binasa ko ang mga messages na ito~Message 1:0927******* "Sino ka po? Bakit ka po nagmiscall sa isa kong number?"~Message 2: 0917******* "Hello, kumusta na?"Parehas akong walang ideya kung sino ang dalawang nagmessage sa akin, pero sau nang mensahe, nagkaroon na ako nang ideya kung sino iyon dahil ang tanging taong natatandaan ko lamang na aking miniscall ay si Eusha, pero, medyo nakaramdam ako nang kurot sa dibdib dahil na din sa sinabi niyang iyon, hinde niya alam kung kaninong number iyon, nangangahulugan lamang na binura niya ang number ko at hinde niya tanda kung kaninong number ito. Ang dalawang sumunod na mensahe ay~Message 3: 0919******* "Oi! Nasaan ka? Umaadig ka na namang nunal ka? Nasaan ka? May inuman daw sagot ni Vin"Nagulat ako dahil magpapainom si Vin, hinde naman niya kasi ginagawa na magpainom nang biglaan, kaya naman medyo nanghinayang ako, natawa din ako dahil wala akong ideya kung sino ito, naisip ko na lang nab aka si JanJan ito kaya naman sinave ko na ang number niya sa aking cp. ~ Message 4: Fae"Oi El, salamat huh, nga pala, pagsabihan mo yang kaibigan mo diyan huh, ayaw ko nang gulo, wag niya ako simulan"Nagulat naman ako sa nabasa kong mensahe mula kay Fae, hinde ko alam kung sino ang sinasabi niyang kaibigan, at isa lang ang naiisp kong tao, si Pauline, pero hinde ko naman alam kung ano ang nangyayare, napakibit balikat na lang ako tinignan naman ang mga miscall ko, at ito ay mula sa iisang number lamang, sa unang nagmensahe sa akin. Nagiisip pa lang ako kung tatawagan ko ba siya nang muli ay tumawag ang number na ito, di ko alam kung sasagutin ko ba o hinde, kung si Eusha to, anong sasabihin ko, bakit ako nagmiscall sa kanya, bwisit naman kasi na utak to, minsan hinde din talaga gumagana at basta basta na lang sumisige, wala na akong nagawa kung hinde sagutin ang tawag na ito"Hello, sino ka?"Agad kong nabosesan kung sino ang kausap ko, si Jules, nagtaka naman ako kung bakit si Jules ang nasa kabilang linya, hinde ko alam kung ano bang sasabihin ko, matapos nito ay may narinig akong isang boses na pamilyar din sa akin, at hinde ako nagkakamali sa aking narinig, si Eusha. Nagusap sila sa kanilang lengwahe kaya naman hinde ko sila maintindihan, matapos ay ang narinig ko nang sumuod na nagsalita ay si Eusha"Hello sino ka ba? Kung wala kang magawa wag kang magmimiscall sa number ko ha!""E-eusha! Sandali!"Ang agad kong sambit, alam ko na kasi na ibaba na agad ni Eusha ang tawag pagkatapos niyang bitawan ang mga salitang iyon"Sino to?"Tanong niya sa akin. Matagal tagal akong nakasagot bago ako makapag salita"Ay, wag daw bang magsalita, sino ba to?"Muli niyang tanong sa akin, napabuntong hininga ako at sinabing"Ako to, si El Nunal""Ahh.....ok.."Matapos nito ay binaba niya ang tawag. Sa boses na narinig ko sa kanya, at sa aking tantya, may halong pagtataka at tila inis siya bago niya putulin ang tawag, subalit, nagulat ako nang magpadala siya nang mensahe sa akinMessage: Bakit ka tumatawag? Anong problema mo? Hinde ko alam kung ano bang isasagot ko sa kanya, bakit nga ba ako nagmiscall sa kanya, dahil ba namimiss ko siya? Alam kong namimiss ko siya, pero, maniniwala naman kaya siya. Panagalawa, malamang sa hinde ay nasabi na din sa kanya ni Stella ang paghihiwalay naming, at iniisip ko na agad na baka isipin niya na napakagarapal ko namang tao, pero hinde ko naman itatangi na, oo, gusto ko na siyang ligawan, dahil wala na akong karelasyon, pero siya, meron pa. Pangatlo ay, halos wala pa ngang isang linggo nang naghiwalay kami ni Stella, eto na ako nagpaparamdam sa kanya. Wala akong nasabi sa kanya kung hinde"Pasensya na, galit ka ba?"Pagkasend ko nang message na iyon ay lumabas na din ako sa banyo, may mga kumakatok na kasi na gagamit. Pagbalik ko sa upuan ay agad na naman akong inabutan nang shot ni Strawberry. "Saan ka galing? Kala ko umuwi ka na eh, nawala din kasi si kuya Bords eh"Ang sabi niya sa akin"Ah hinde, nandoon lang ako sa banyo""Sana sinabi mo, sumunod sana ako"Ang pabirong sabi niya sa akin at binatukan siya nang baklang katabi niya"Naku Strawberry ayan ka na naman ha! Naku kuya wag mong pansinin yang babae na yan at nakainom lang yan, lasing na kasi"Ang sabi nito sa akin at ako naman ay napangite lang"Tagasaan ka ba kuya?"Tanong niya sa akin, pero bago pa man din ako makasagot ay nagulat ako nang yumakap sa akin si Strawberry. Agad na dumiin sa aking dibdib ang kanyang malaking hinaharap sa buhay, malambot at mainit ito, nakakatwa ding isipin na nagtatalo ang amoy nang pabango niyang strawberry at amoy alak sa kanyang katawan, napansin ko din na tila walang pake yung ibang bisita ni Bords sa nangyayare, yung dalawa ngang kasama ni Bords sa bahay ay may kahalikan na, yung iba naman ay nasa labas at nagyoyosi habang may mga katexts. Maya maya pa ay nagulat ako nang may marinig akong boses nang isang lalake"Nandyan ba si Straw?!"At sa tono nang pananalita nito ay may halong inis at galit iyon, at nakita ko na kinausap niya ang dalawang babae sa labas sabay silip sa pinto, at saktong sakto naman na nakita niyang nakayakap sa akin si Strawbery. Agad na pumasok ito sa bahay, hinawakan ang kamay ni Strawberry at hinila ito palayo"Tito wag nyong saktan si Strawberry!"Ang sabi bigla nang baklang iyon habang si Strawberry naman ay para lang manikang kinakaladkad nang kung sino, nang narinig kong tito ang sabi nang bading na iyon, iniisip ko na baka kamag anak iyon nang dalawa. Narinig ko din ang boses nang isang lalakeng tila nakikipagtalo, sa bading, kasunod nito ay pumasok ang baklang iyon sa ulet sa loob nang bahay ni Bords at kinuha lang ang dalawang purse, marahil ay gamit nilang dalawa iyon at agad na ding umalis. "Sino kaya yun?"Ang mgat anong nung ibang babae sa labas, yung dalawang lalake naman ay kinontak agad si Bords pero narinig naming na nagriring ang phone niya sa kwarto kaya naman alam na naming na naiwan niya ang cellphone niya. Tinawagan nang isa sa kanila si Millet pero hinde din ito makontak. "Nasaan daw sila pre?"Tanong ko sa isa sa mga lalake"Bibili lang daw silang dalawa ni Millet nang alak eh""Sino yung lalake pre?"Tanong ko sa kanya"Uncle ni Strawberry pre, nasaan na ba tong si Bords"Ang tila namromroblemang sabi nito, mayamaya pa ay may narinig ako na tila ba padabog na papasok nang bahay at laking gulat ko nang paglinga ko ay papalapit na sa akin ang lalaki na iyon at aambahan na ako nang suntok. Mabuti na lang at agad na itong napigilan nang dalawang lalake doon"Oi putang ina mong tang ina ka! Layo layuan mo ang pamangkin ko kaw na gago ka !!!!"Ang malulutong na mura nitong bulalas sa akin habang dinuduro ako, sa itsura nito ay tila ba nakainom, at nagpupumiglas na makawala sa pagkakakapit nang dalawang lalake na iyon, hinde ko alam kung ano ba ang sasabihin ko o gagawin ko, gusto kong tumawa dahil tamang hinala itong matandang lalake na ito, di naman siya katandaan, marahil ay nasa edad 30 – 35 na siya, at sa payat niyang iyon ay tila ba nagaadik ito, pero desente naman ang porma niya, sadyang nakainom lang siguro ito. Sa gitna nang komosyon na iyon ay biglang dumating si Bords"Ka Berting ano naman to?"Ang sabi ni Bords at hinawakan sa balikat ang lalakeng iyon"Yang putang inang yan ang dahilan kung bakit nagkandaloko loko ang buhay nang pamangkin ko"Napakamot sa ulo si Bords at kinausap ito nang mahinahon"Ka Berting, dib a pinagpaalam ko naman si Straweberry sa inyo, pinaalam ko nga yung lugar ko sa inyo kasi matino naman ako kausap, tska isa pa, hinde yan yung ex ni Strawberry tignan mo ngang mabuti, walangya naman kasi Ka Berting, ang alak sa tiyan di sa utak, walangju naman Ka Berting eh, kala ko ba tiwala kayo?"Hinde nagsasalita ang lalakeng iyon at inaya ni Bords ito sa labas at tila ba kinausap, samantalang si Millet naman ay taas kilay na hinabol nang tingin ang dalawang iyon"Feeling kasi nang matanda nay un, kung di lang magtropa yung dalawa na yun eh, kuya pagpasensyahan mo na yun ha? Ganun lang talaga yun pagnakakainom, laki kasi nang galit nun sa ex ni Strawberry"Napakamot lang ako sa ulo at kinamusta ako nang dalawa, ilang sandali pa ay nakita ko na ang lalakeng iyon na sumilip sa pinto at tila ba tinatawag ako. Agad naman akong lumapit at inakbayan ako bigla"Pare pasensya ka na ha, eh kasi kanina nakita kita na parang sinasamantala mo yung pamangkin ko eh"Napangite lang ako sabay sabing"Ka berting tama ho ba?"Tumango ito at pinagpatuloy ko ang pakikipagusap habang si Bords naman ay tahimik lang sa gilid na nagyoyosi at kita sa mukha niya ang pagkabadtrip. "Kasi ho, hinde ko naman go ginaganun yung pamangkin nyo eh, eh alam nyo naman po ata na malambing na bata siguro si Strawberry""Ahh oo oo oo, mabait yun ha, kras mu ba pamangken ko?"Ang tanong niya sa akin, napangite lang ako at muli niya akong tinanong"Boy, eh tinatanong kita, wag tatawanan, eh kras mo ba siya? Pag gusto mo yung tao, ligawan mo sa bahay, hinde yung ganito, ano to pag nabuntis siya ano, kami na naman ang problemado? Ganun bay un ha?"Ang tanong niya sa akin"Hinde po hinde ganun, eh nabisita lang naman po ako dito, eh nakipagkaibigan lang naman po yung tao siguro""May kaibigan bang nagkikiskiss ha? Naku kung di mo naman pala seseryosohin yung pamangkin ko eh wag ganun pre, wag ganun, medyo kumalma ako ngayon kase pare kami ni Bords, tropapips na diba nga Bords?"Ang sabi nito at inaya si Bords at lumapet na ito sa amin"Oo tropa yan, mabait naman yang si El Nunal, di yan katulad nung gago na yun, nung pinabanatan mo sa amin yung gago diba binugbog naman namin? Diba? Mabait yan si El, di yan katulad nung gago nay un, wala yang asawa?"Tumingin sa akin ang lalaking iyon habang nakaakbay sa akin"Totoo ba yun ha?"Sumingit bigla si Bords na"Ay ganun? Di ka na naniniwala sa akin Ka Berting? Tablahan na ba? Sabihin mo lang? Walang ju ka eh, birthday ko eh, di ka na nga naginom dito, nanggulo pa"Niyakap siya nang lalakeng iyon at tinapiktapik sa likod si Bords "Sorry pre sorry sorry"Nakingiteng tumataas taas kilay sa akin si Bords na tila ba sinasabing ok na at pumasok na ako sa loob"Sorry talaga kuya doon sa matanda na yun ha"Muling sabi sa akin ni Millet pagupo ko muli sa sa inuman nila. Ako naman ay tahimik lang na tumango, medyo bumilib ako sa lakas nang hatak ni Bords sa matandang lalake na iyon, hinde mo kasi agad makikita yung ganung klaseng ugnayan sa hinde naman magkamaganak, lalo pa't lasing ang isa sa kanila, mukhang may mutual na respeto sila sa isa't isa bilang lalake"Sino ba yun?"Tanong ko kay Millet na kasalukuyang nagbubukas nang binili nilang alak."Naging tropa ni Bords yan kasi siya yung naglilinis sa bar na tinutugtugan naming at pinagtratrabahuhan ni Bords, kinuha niya kasi yan nang trabaho, tapos madalas sila magbonding. Malandi din kasi yang pamangkin niya, ano ba kasi nangyare?""Nagulat na lang kasi ako biglang yumakap sa akin yun, siguro lasing na kasi talaga""Kanina pa din kasi kami nagiinom dito, tanghali pa, eh anong oras na ngayon, eh bakaw kasi yung babae na yun sa alak kaya ayun nalasing"Tatango tango lang ako habang inaabutan niya ako nang shot, matapos nito ay sumali na sa amin si Bords"Nasaan na yung matanda?"Tanong ko agad sa kanya"Wala na pre hinatid ko na sa may labasan, nandoon na din yung tita ni Strawberry, pasensya na pre ha, nakakahiya sa iyo""Wala yun noh! Saya kaya!"Ang natatawang sabi ko sa kanya"Loko ka talaga, siguro panay pa din basag ulo mo sa atin noh?""Di na noh! Elementary at 1st year hs days lang yun"Kinuwento ni Bords kay Millet kung paano kami minsan napaaway sa anim na lalake at kung paano kami nakapalag pero umuwi din na bugbog pero may tatlo kaming napuruhan. Natatwa lang si Millet, si Gardo at si Ted, ang dalawang lalaking kasama ni Bords sa bahay at maging ang mga naiwang babae na nandoon. "Babalik daw ba si Strawberry?"Ang tanong ni Millet kay Bords"Malabo na yun, puntahan ko ulit yun para kausapin bukas, di tama yung ganun eh, ayaw ko lang magkagulo pa dito kaya di ko na pinatulan eh, si El kasi eh!"Ang pabiro niyang turo sa akin"Dahil diyan saluhin mo ko"Ang dugtong niya"Anong salo salo bhebs? Walang ganun ha! Oi mga bebe shot na dito, tama na yang text text na yan"Ang sabi nito sa ibang mga babae at tila ba mga tuta ito na agad sumunod sa kanya, napaisip agad ako, marahil, mga homegirl ito nitong babae na ito at siguro eh may pwesto ito sa isang sorority. Masaya na kaming naginuman habang kumakanta ang iba. Habang shumashot ako nang alak ay may tumawag muli sa aking number, at nagulat ako nang makita ko kung sino iyon, nagpaalam ako sandali kay Bords na lumabas nang bahay dahil nagkakaraoke pa sila at siguradong hinde ko maririnig ang taong ito. Nang bahagya na akong nakalayo ay sinagot ko na ang tawag at agad niya akong tinanong"Nasaan ka?"

Book 6  Kung Ako Na Lang Sana By El NunalTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon