Part 9
"Hello? Hello? El? Hello? Nyeta di ata ako naririnig"Ang sabi ni Fae sa kabilang linya, hinde ko inasahan na tatawag siya nang ganung oras, marahil, kaya natahimik si Stella nang makita ito ay nakapangalan sa number ni Fae sa akin ay "Crush Angel Locsin", ilang sandali pa ay binaba din ni Fae ang tawag"Angel Locsin? Sino naman yang Angel Locsin na yan?"Ang natatawang tanong sa akin ni Stella sabay batok sa akin"Ah, kamukha kasi niya si Angel Locsin kaya yan ang pinangalan ko sa kanya""Bakit daw tumatawag?""Ewan ko? Panay lang hello sabay binaba""Baka nagkami lang nang tawag""Baka nga"Ang sabi ko at agad ko nang binura ang mga mensahe sa akin ni Eusha habang nagpapangap akong nagtetext lamang sandali. Nagulat ako nang humiga si Stella sa at umulo sa aking binti. Ilang sandal pa ay bigla siyang nagtanong"El, pwede ba akong pumunta sa inyo?""huh?""I mean, gusto ko lang makita kung saan ka nakatira, wala lang, bawal ba? May anak ka at asawa sa inyo noh?"Ang natatawang sabi ni Stella"Adik! Wala noh! Ako lang magisa sa bahay, ano kase eh, paano ko ba sasabihin, erm... madumi, maliit at maiinit sa bahay ko, kaya nga mas gusto ko pa na nakikitulog sa mga kaibigan ko minsan kesa magstay sa bahay, isa pa, hinde ko din kasi na magstay nang matagal sa bahay na yun, medyo naiinis din kasi ako sa ugali nang asawa nang kuya ko, tapos nakakapagtaka pa na ang laki nang bill nang kuryente ko eh tv, radio bintelador at dvd player lang naman ang gamit ko, meron din akong rice cooker pero di naman madalas magamit""Eh magkano ba binabayaran mo sa bahay?""Sabihin na natin, teka tulad ngayong buwan, nasa 6 na libo""Ano?!"Napaupo si Stella at kitang kita sa mukha niya na hinde siya makapaniwala sa laki nang binabayaran ko sa bahay, kahit man ako ay napapakamot na lang kung bakit baa ng laki masyado nang binabayaran ko, napagaralan ko naman sa electrical engineering na hinde naman kumukunsumo nang malaki ang mga gamit ko sa bahay, kung meron man suspek ay rice cooker lamang dahil ito lang ang gumagawa nang init na nangangailangan nang kuryente, hinde din naman ako madalas manuod, the fact na sa isang lingo ay halos dalawang beses lang ako magstay sa bahay, minsan tatlo, ay lubhang nakakapagtaka na, pero hinde ko naman pinapansin na dahil hinde naman ako namromroblema sa pera dahil nga sa malaki laki ang pinapadala sa akin nang aking ina, tulad nang nasabi ko noon, di alam nang nanay ko na di naman ako pumapasok sa eskwela kung hinde nagpapasok pasukan lamang, para sa akin, at hinde naman sa pagmamayabang ay kilti pa ang halaga na iyon, meron din kasi akong ipon kahit papaano sa nakaraan kong trabaho, may natira sa pa kahit papaano sa ginastos ko noon sa pagpapaasikaso nang papeles nang ate ko, at pinapadalhan niya naman ito nang pera. "Alam mo may nagjujumper sa liya mo! Naku, dapat sinusumbong mo yan sa meralco, o kaya kinokompronta mo ang kumakabit""Ang masama nga niyan eh hinde ko naman kung sino ba ponsyo pilato na yun, di nga pumapasok sa isip nang asawa nang kapatid ko na, hay... sabagay, ano nga ba naman ang alam noon"Ang natatawang sabi ko, matapos ay niyakap ako ni Stella at hinalikan sa pisnge"Tara, gala tayo""Saan naman?""Ikaw, saan mo ba gusto?""Ewan ko lang, tska wala kaya akong damit na pamporma""Ok na yung suot mo nung dumating ka dito""Eh pinawisan na ako doon isa pa ang baho kaya nang damit ko na yun""Teka, sandali huh"Pumasok si Stella at paglabas niya ay may dala na itong damit na pangalis para sa akin"Sa dati mo bang kalive in yan?""Oo, bute pala di ko to sinunog, ito na lang isuot mo, gusto mo sa iyo na lang din yung iba niyang damit eh"Ang nakangiteng sabi ni Stella, natawa lang ako sa kanya at napailing, kinuha ko ang suot damit na binibigay niya sa akin at sinuot na ito."Wala kabang pasok?"Tanong ko sa kanya"Kung meron edi sana kanina pa ako umalis di ba?""Sabagay, so saan tayo?""Sa mega na lang muna tayo, tapos, saan pa ba maganda magpunta? Ay alam ko na, palipas tayo nang gabi sa Mega, I mean magpaabot pala nang gabi tapos may pupuntahan tayo""Sige kaso ano naman gagawin natin sa mega?""Edi magliliwaliw, after that like I said may pupuntahan tayo"Matapos magbihins ni Stella suot ang tube na asul na napapaibabawan nang nang blazer na itim, maong na pantalon at high heel sandal ay lumarga na kami papunta sa Mega. Tahimik siya na nakaulo sa aking balikat habang nakaupo kami sa harapan nang jeepney, and that time, natawa ako, may naalala ako bigla sa kanya, napangite ako at napailing, hinimas ko ang ulo niya, matapos ay hinawakan ang kamay habang tahimik akong nakamasid sa labas nang jeep at muling inisip ang nangyare nitong gabing lumipas. Nakauwi kaya nang maayos si Eusha? Ano kaya ang mangyayare sa mga susunod na araw na lilipas, magiging ok kaya kami ulet, kahit bilang magkaibigan lang ulet, masaya na ako. Tinignan ko si Stella, at kailangan siguro, panindigan ko na kung ano ang nasimulan na. Habang nakitigil ang sasakyan ay biglang nagring ang phone ni Stella, kinausap niya ito at base sa takbo nang usapan nila ay tungkol ito sa trabaho, marahil ay kasamahan niya ito."I can't I have something to do, tell them na hinde ako pwede today, they should have told me sooner, hinde ganitong oras, no, well it's their problem not mine, di ba pwede si Sandra or si Lea? Try calling them, give me news kung ano nangyari ok?"Napabuntong hininga si Stella at muling tinago ang cellphone sa loob nang kanyang bag"Oh, you seems problematic, nangyare?""May client daw and they are looking for someone to meet that guy, sana sinabi nila sa akin na meron pala silang kameeting today, edi sana iniyos ko schedule ko for the meeting, besides, day off ko today so it's not my concern atm, right now, all I want is to spend my day with you"Matapos ay binigyan niya ako nang matamis na ngiti at muling umulo sa aking balikat. It was really a heart warming words mula sa kanya, pero, pakiramdam ko, I don't deserve this kind of treatment from her, muli, bumalik na naman ang guilt feeling na nawala na kanina, the fact that I think Eusha while im with Stella is really a very sick thing to do, kaya naman hanga talaga ako sa mga timer, di ko alam kung anong klaseng dugo ba ang nanalaytay sa kanila o lakas nang sikmura ba meron sila, ang hirap pala talaga na may tinatago ka, mabigay di lang sa isip, pati sa puso, pero ayaw kong mahalata iyon ni Stella, kaya naman kahit anong bigat nang iniisip ko ay pinilit kong ngumite, ayaw ko din sirain ang araw ni Stella. Nakarating din kami sa Mega, namasyal kami sandali sa mga mini amusement park doon, nakita ko ang isang laro doon na nakapagpaalala muli sa akin sa isang taong nawala sa akin, napangite lang ako at napailing, matapos ay nagtungo kami sa bilihan nang mga damit."Bagay ba?"Tanong ni Stella sa akin habang sukat niya ang isang maroon colored na dress, dahil sa angking ganda ni Stella ay binbagayan siya nang kahit ano sigurong damit ang isuot niya, pero tila ba di siya masaya sa mga napipili niyang damit, at inabot kami nang halos ilang minuto sa damitan na iyon pero ayos lang naman dahil di naman siya nakakasawang tignan."Ok ka lang ba?"Tanong ni Stella sa akin habang inaayos ang damit niya sa harapan nang salamin"Ok lang naman""Sorry ha, kung gusto mo, punta ka muna sandali sa may videohan, alam ko naman na adik ka din sa paglalaro nang games eh"Napangite lang ako sa sinabi niya, pero di ko nga din alam, bakit nga ba wala nang dating sa akin ang mga video games sa mall na iyon hinde katulad noon na adik na adik ako, marahil ay mas ok na sa akin ang graphics nang mga computer games kesa sa mga na sa videohan sa mall na iyon, pero di ko naman tinanggihan ang inalok sa akin ni Stella na magtungo muna doon, siya din kasi mismo ang nagsabi na medyo matatagalan siya kaya naman bumaba na muna ako sa ground floor at nanood sa mga binata't bata na naglalaro nang video games. Tahimik lang akong nanunuod sa mga aliw na aliw na naglalaro, habang panay din ang check ko sa aking cellphone sa oras, napansin ko din na may mga nagmessage sa akin. Nang tinignan ko ito ay mga GM lang pala at notification nang network, kaya naman tinago ko na lang ulet ang cellphone ko. Napalingon ako sa mga nasa Dance Dance Revo na laro, nakakaaliw silang panuorin kung paano sila maglaro, napangite ako bigla nang maalala ko bigla si Amanda, naalala ko pa nung mga panahon na nakikita ko din siya na naglalaro nito at ang galing niya kasama ang bakla niyang bespren, bigla kong naisip ang bakla na iyon, kumusta na kaya siya, galit din kaya siya dahil hinde ako nagpunta sa libing nang matalik niyang kaibigan? Isang malalim na buntong hininga ang pinakawalan ko at tila ba bigla na lamang hinanap nang labi ko ang sigarilyo. Agad akong nagtungo sa exit door nang mall upang magsigarilyo sa labas. Medyo nagmamadali ako sa paglabas at hinde nakatingin sa aking dinadaanan kaya naman di ko sadyang nabanga ang isang tao na nakasalubong ko"Aray! Damn it!"Sa tono nang boses niya, alam ko na agad na babae siya, at halatang nainis sa di ko sadyang pagkabanga sa kanya."Miss sorry"Ang sabi ko sa kanya, napatingin ako sa aking nabanga. Sa itsura niya ay mukha siyang estudyante, putting blouse, green na paldang pencil cut ang itsura, medyo may kapusyawan ang kulay nang balat niya, nagaagaw ang kulay puti at kayumangi, at ang mga matang nang sandaling iyon ay tila ba inis akong makita."Are you blind?! Bwisit!"Ang sabi niya muli sa akin na inis na inis at nagtungo na sa kung saan man siya papunta, kasunod noon ay may nakita din akong isang binatilyo na tila ba nagmamadali at tila may hinahanap, at ilang sandali pa ay madali na din tong umalis. Medyo nanatili muna ako sa kinatatayuan ko noon dahil baka makabanga na naman ako, napakibit balikat na lang ako at napailing, sabagay, kasalanan ko din naman kaya ako nakatangap nang ganung treatment sa babae na yun pero infairness, maganda siya. May hawig siya nang bahagya kay Ynes Veneracion. Pagsindi ko nang sigarilyo ay tahimik kong pinagmamasdan ang mga tao na pumapasok at lumalabas sa mall, may mga taong kakatapos lang sigurong maggala, yung iba naman ay kakatapos lang magtrabaho, ang iba naman ay papunta pa lang para makipagdate, kumain, o manood nang sine, napaisip ako, ano na nga ba ang mga bagong palabas sa sine, One More Chance lang kasi talaga ang tanging palabas na napanood ko sa sinehan kasama ang babaeng naging parte na nang buhay ko, napansin ko din ang kalangitan at sa itsura nito, mukhang uulan pa ata, napaisip ako bigla kung saan nga ba kami pupunta ni Stella, she looks so hyped and really looking forward on it, matapos kong magsigarilyo ay pinuntahan ko na si Stella sa bilihan nang damit subalit nang bumalik na ako doon ay wala na siya, marahil ay nagtungo siya sa sinabihan kong tatambayan ko habang namimili siya. Agad akong nagtungo doon at nagikot ikot subalit di ko siya makita, tinignan ko ang cellphone ko pero wala naman siyang kahit anong mensahe o miscall. Naupo na lang muna ako sa hagdan malapit sa palaruan na iyon. Nang mga sandaling iyon, iniisip ko, dapat pa ba akong makipagayos kay Eusha, will she ever speak to me again after that night, napangite ako bigla at nakaramdam din ang konting kilabot nang maalala ko na binayagan ako ni Eusha. "Huy!"Di ko namalayan si Stella na nasa tabi ko na siya, and she was a head turner sa suot niyang tank top na kulay grey, with her skinny jeans na may design na punit sa kanyang legs, binigyan niya ako nang matamis na ngite at pagkatapos ay bigla niyang piningot ang ilong ko sabay sabing "Ano ba iniisip mo, kanina pa kita kinakawayan parang hinde mo ko nakikita ah? May sakit ka ba?""Wala naman, gutom lang siguro to""Well now that you mentioned it, tara, kain muna tayo"Hinawakan niya ang kamay ko at nagtungo na kami sa food court, and I smiled when she choose that particular spot, I still remember the that day.
BINABASA MO ANG
Book 6 Kung Ako Na Lang Sana By El Nunal
RandomBook 6 Kung Ako Na Lang Sana By El Nunal