Part 19
"El! Gising huy!" boses nang isang babae ang narinig ko, and di ko inasahan na susulpot ang babaeng ito bigla, si Fae.
"El, huyy! Gising! Aba! Gising maaga pa!" ang natatwang sabi niya, dahan dahan akong umupo at napansin na tila nakainom na din siya, paglingon ko sa pintuan ay nakita ko ang boyfriend niya, tumango llang ako nang binati niya ako.
"El, shot tayo, uy mahal ko, bili ka na nang alak" ang sabi ni Fae matapos ay nagabot ito nang pera sa boyfriend niya at narinig ko din na tila may kasama pa silang isang lalake
"El, ok lang ba na magshot kami dito? Damay ka na siyempre, bat amoy alak ka na din?" ang sabi ni Fae nang nilipitan niya ako at pinisil ang ilong ko.
"Medyo, eh napainom bigla kanina inaya ni JanJan, kaw ba saan kayo unang uminom?"
"Doon sa mga kaibigan ng boyfie ko, pwede bang makitulog dito?"
"Ok lang naman"
"Kasama ko boyfie ko dito ok lang?"
Napaisip ako bigla, di ba siya legal sa bahay nang boypren niya at hinde siya pwede makitulog doon, napansin siguro niya na parang nagdadalawang isip ako kaya namn bigla niya akong sinuyo
"Please please please" ang pacute na sab ni Fae sa akin and the annoying part is tinatablan ako, kaya naman no choice na ako kung hinde pumayag, and besides hinde naman siguro sila magjujugjugan while im around, di naman siguro garapal ang boyfriend niya para gawin yun. Dumating na din ang dalawang iyon at nagsimula na kaming maginom. Tahimik lang akong nakikinig sa kwentuhan nila habang nakikishot at pulutan, pero mas lamang ang pagkain ko nang pulutan dahil ayaw kong magpakalasing dahil may lakad pa ako kinabukasan. Matapos naming maginom ay nagpaalam na ang kaibigan ng boyfriend ni Fae at naiwan na lamang kaming tatlo, at napansin ko silang naglalambingan, and shet, I feel out of place at nainget dahil naglalampungan sila nang bahagya, though observing how they talk, it seems na may ginawa na naman palang kalokohan ang bf niya at sinusuyo siya nito, kinuha ko ang unan ko at pumasok sa kwarto ko dahil iniisip ko na baka makistorbo lang ako.
"Oh, saan ka pupunta?" tanong ni Fae sa akin
"Doon na ako sa kwarto matutulog, nakakahiya senyo eh"
"Ano ka ba din oh, sige na dito ka na matulog wala naman kaming gagawin eh" ang natatawang sabi niya sa akin
"Sige na, atleast kung may maisipan kayo di ko makikita" matapos ay pumasok na ako nang kwarto at hinarang ang kurtina sa pintuan nang kwarto, wala kasi ito talagang pinto bagkus ay pasukan lang kaya kurtina lang ang nagsisilbing harang. Pagpasok ko sa kwarto ay medyo nangati ako nang humiga ako sa kama, medyo matagal tagal na din kasi akong natulog sa loob nang kwarto na ito, di ko nga matandaan kung kelan ang huling beses akong natulog sa kwartong ito. Madilim, at halos wala talag ako makita sa loob nang kwartong ito, iniisip ko kung ano kaya kung silang dalawa ang papasukin ko dito, di ko alam kung anong oras na, pero nagpapasalamat naman ako dahil nakaramdam na ako nang antok, di ko alam kung ala una o alas dose ba kami natapos maginom, nagmuni muni muna ako at muli kong naalala ang mukha nang baby na iyon sa picture, till now, I cannot believe na tatay na nga ako, pero, who am I to claim such thing, iniisip ko tuloy, makikita ko kaya in person ang bata pag umuwi si Cha dito sa Pinas, I don't understand why I feel excited, I guess, this is the change they are saying when you are now a parent, but knowing my situation, mentally, emotionally and financially, I don't think I will be a good parent, a good father, know a good husband. I smiled in the darkness of that room, while tears suddenly roll out of my eyes, di ko maintindihan kung bakit but I feel so sad, I guess I am realizing what kind of failure I am, kaya naman that night, I am thinking never to fuck up this one shot that Eusha is willing to give me.
Kinabukasan, paggising ko ay inabutan ko si Fae na magisa na lang, I look at my cellphone and noticed two messages, one from Strawberry, and the other one, mula kay Stella. I feel kinda sad when I read Stella's message
Message: El sorry, I think I can't meet you up today, I totally forgot na nirebook kop ala ang flight ko instead of Wednesday, I made it to Tuesday, I'm really sorry, I hope you take care of yourself, thanks for everything, sana alagaan mo si TamTam if ever, and hopefully, in time, we could be friends like we used to before everything like this happened, salamat again and magiingat kayo palage.
Napabuntong hininga na lang ako, inisip ko pa sanang replayan si Stella but I choose not to do that, it's much better that this matter is over already. Kahit papaano, hinde na ako luluwas at pwedeng pwede na magstay muna sa bahay since may bisita ako ngayong araw, but it's sad realizing that I won't be seeing her sa last day niya here sa Manila, and for sure, I might not see her anymore, since there's no way I could see her in Aklan unless sasadyain ko talaga magpunta doon, besides, this place is not that far from Boracay if I'm not mistaken. I also checked Strawberry's message, quotes lang pero may kamot sa puso
~ Maybe, just maybe, love is not always about trying to fix something that is broken, but maybe it's all about starting over and creating something better ~
With this quote, napaisip ako, right now, I am not far from trying to fix something broken, gusto ko kasi talagang bumawi, ayusin ang ano mang nasira sa amin ni Eusha, I try to start over before and try to create something better but in the end, I fuck up things and mess up things as well, napangite ako sa quote na ito at napailing.
"El!!! Lutoo kaa!!" ang biglang sabi ni Fae habang nagiinat, di ko napansin na gising na pala siya
"Ano naman ang iluluto ko?" tanong ko sa kanya
"Ikaw na bahala" ang sabi niya sa aking habang nakahilata pa din at hawak ang kanyang cellphone at tila may chinecheck na kung ano dito. Ako naman ay lumabas na matapos maghilamos at nagtungo na sa malapit na bilihan nang mga sahog sa lulutuin ko. Habang namimili ako, nagiisip ako kung ano ba lulutuin ko nang sa di kalayuan, I saw a familiar face, boyfie ni Fae habang nakasakay sa motor, and I saw a girl na nakaback ride sa kanya, I know that this guy had a sister, so inisip ko na lang na kapatid niya siguro ang kasama niyang iyon, besides, whether it's his sister or not is not my concern since ayaw kong makialam sa ginagawa niya, alam na naman ni Fae kung anong klaseng lalake yung bf niya, pero ayun, sige pa din siya, kung sabagay, bulag ang mata at nawawala ang utak kapag nagmamahal, and besides, im not in the right position para mainis pa sa boyfie niya dahil di naman kami halos nagkalayo nang ginawa noon, at siya hanggang ngayon.Paguwi ko ay ibutan kong nakabusangot si Fae
"Nanyare sau?" natatawang tanong ko sa kanya, halata kasing badtrip siya at napabuntong hininga sabay sabing
"Di na naman ako nirereplyan nang mokong na yun kanina ko pa tinetext at tinatawagan di ako sinasagot"
Gusto ko sanang sabihin sa kanya na nagmomotor kasi ang boyfie niya kaya lang hinde na lang ako nagsalita at nagsimula na lang na magluto.
Habang kumakain, panay pa din ang miscall niya at text at nakabusangot na kumakain
"Fae, wag ka ngang sumimangot diyan, papanget ka niyan ikaw din, ang cute mo pa naman"
Ang sabi ko sa kanya at natuwa naman ako na kahit sa simpleng bola ko na yun ay napangite ko siya, pero sa akin kasi , di naman yun bola dahil cute naman siya, maganda pa, kaya lang, pagdating sa pagibig nganga, kung sabagay, part naman talaga nang nagmamahal yun and for now, I don't have the right to judge any of her action for I am a fool myself. Matapos naming kumain ay parehas kaming nagyosi sa labas at habang nagyoyosi ako ay bigla niya akong tinanong
"El sa tingin mo kaya papayag yung may ari nang Tambayan na tumira muna ako doon sandali? Kasi di pa ako pwede magstay sa bahay nang BF ko at di pa daw niya naipagpapaalam yun sa nanay niya"
Natawa lang ako at napailing, hinde naman masamang babae si Fae at kung sakali nga na magstay siya doon eh baka sakaling makatulong pa ito sa kanila financially, matapos ay muli siyang nagtanong sa akin, marahil upang ibahin na lang din ang usapan
"Ikaw El, di ko ata nakikita na may GF ka? Ok ka naman ah?"
"Well, meron noon, ngayon, wala na, pero siguro in the near future magkaroon na ulet, medyo may mga tangang moves din kasi akong ginagawa eh"
"Naku, alam mo, minsan kailangan mo na lang maging tanga kung mahal mo talaga ang tao, pero know your limitations, ako, malapit lapit na akong marinde sa lalake na yun eh" ang sabi niya sa akin, sa tono nang pananalita niya, mukhang seryoso siya dito pero iniisip ko din na baka nadadaan lang siya sa inis niya nang sandaling iyon, ganyan tayo eh, minsan we said and decide things we really don't think about dahil sa galit, inis, lungkot,saya, boredome at lonliness. Matapos naming magyosi ay naghugas na muna ako nang pinggan, habang siya naman ay nanuod na lang muna nang T.V, at mayamaya pa ay biglang dumating ang boyfriend ni Fae, tinignan niya ako at kumaway sa akin at tila senyas niya ay tinatanong kung nandyan pa si Fae, tumango lang ako at pumasok na siya nang aking bahay. Sinilip ko kung paano amuamuhin nito si Fae, natawa ako panuorin sila dahil paulit ulit lang naman ang ginagawa nang lalake, si Fae naman eh inis effect lang kunwari, pero siguro, sadyang mahal lang talaga niya ito kaya kaya niyang tiisin ang ganung klaseng gawain nang shota niya.
"El may tumatawag" ang sabi ni Fae at agad ko namang kinuha ang cellphone ko, si Pauline pala ang tumatawag. Alam ko na may inis pa din si Fae at si Pauline sa isa't isa kaya naman sa labas ko na nang bahay ko sinagot ang tawag na ito
"Oh men napatawag ka?"
"Punta ka nga dito sa bahay, may nabalitaan ako ah"
"Ano naman yun?" ang tanong ko sa kanya
"Kaya siguro hinde ka pumunta kagabi sa amin kasi kasama mo yan, sige ganyan ka na"
Ang sabi niya sa akin na may halong inis, hinde man niya binanggit ang pangalan, alam ko na si Fae ang sinasabi niya, natawa lang ako at sinubukan kong ibahin ang usapan
"Oh di ka ba napasok ngayon? Wala ka bang pasok?"
"Naku men, medyo tinatamad ako, isa pa baka magresign na lang din ako doon"
"Luh bakit naman?"
"Basta! Punta ka dito sa bahay mamaya huh, ayaw kong pumunta diyan, ganyan ka na, hinde mo na kami sinasamahan kasi may iba ka nang sinasamahan na kaibigan men huh, ganyan ka nap ala"
Natawa ako at the same time, napaisip, kung paano kaya nalaman ni Pauline na nandito si Fae sa bahay ko, kung sabagay, maliit lang naman ang lugar ko, madaming mata ang daan at tenga ang hangin na kayang dalhin ang iba't ibang balita sa mga tao dito.
"Sige sige, anong oras ba anong meron?" tanong ko sa kanya
"Shot tayo, gusto ko lang muna maginom nang maginom at may iniisip ako" sabi niya sa akin, napakibit balikat lang ako at sumangayon na lang sa kanya.
"Oh sino yun men?" tanong ni Fae sa akin
"Si Pauline"
"Oh bakit daw?" ang naiiritang sabi ni Fae sa akin tinignan siya ng boyfriend niya at hinampas ni Fae ito sa balikat
"Wala pinapapunta ako doon sa kanila, usap daw"
"Oh isama mo na tong lalake na to doon, total trip mo din naman landiin yun diba?" ang sabi ni Fae dito
"Ajaw?! Nagsisimula ka na naman, wala naman ako sinasabi eh" ang paliwanag nang lalakeng iyon kay Fae, pero natawa din ako dahil siya lang din naman ang maaring magsabi kay Pauline nandito sa akin si Fae ngayon.
"Nga pala, sabi nang may ari nang Tambayan mahal pwede ka daw muna magstay sa kanila" sabi ng boyfriend ni Fae sa kanya, nagulat ako dahil di ko inakala na tatangapin nang magasawang iyon si Fae, kung sabagay, mabait naman ang magasawang yun, at marahil ay namimiss din nila na magkaanak kaya naman pumayag na din ang dalawang iyon, napakibit balikat na lang ako dahil ayaw ko nang magkomento pa sa mga nangyayare. Kinahapunan ay umalis na si Fae sa bahay ko kasama ang boyfriend niya samantalang ako naman ay nagmuni muni muna sa aking bahay habang nagiisip, kung ano ba ang gagawin ko sa oras na makaharap ko na si Eusha, should I act that nothing happened? Should I say sorry again? Nagbrabrain storming ako sa mga gagawin at sasabihin ko, I don't want to fuck things up this time, this is the chance I am waiting for, at habang iniisip ko iyon ay tila ba naisip ko na si Eusha na kasama ko sa paggagala, paglalakad sa mall, kasama ko siyang kumain, maligo, matulog, at para akong teen ager na kinikilig habang iniisip ko iyon. Kinuha ko ang cellphon ko at muling binasa ang mensaheng pinadala niya sa akin, hanggang ngayon, di pa din ako makapaniwala, subalit sa kalagitnaan nang sayang nararamdaman ko, napaisip ako bigla, ano naman ang mangyayare sa kanila ni Glenn, hihiwalayan niya kaya ito, baka naman pagsabayin kami ni Glenn, pero mukhang malabo naman na gawin ni Eusha yun, I know she won't be like that, pero, ano na nga ba ang mangyayare? Di ako makapaghintay na dumating ang araw na sinasabi niya, ang araw na makakapagdesisyon na siya sa kung ano ba ang mangyayare o gagawin niya tungkol sa amin.
BINABASA MO ANG
Book 6 Kung Ako Na Lang Sana By El Nunal
RandomBook 6 Kung Ako Na Lang Sana By El Nunal