Part 24
"Nagseselos ako...." I told her these words while looking at her eyes, and somehow, I can say na she was happy when she heard I uttered those words, at matapos kong masabi ito ay para akong biglang kinain nang hiya, bakit? Una sa lahat, wala naman akong karapatan para magselos nang ganun dahil wala pa naman kaming relasyon pero dapat ba talaga na magseselos ka lang kapag meron ka nang relasyon sa isang tao? Life really is somehow unfair on somethings, like this in particular, nakakinis isipin pero alam mo sa sarili mo na wala kang karapatang magselos, pero hinde mo talaga kayang pigilan ang nararamdaman mo, hinde naman kasi natratrain ang puso na maging manhid, di nga ako naniniwala sa mga taong nagsasabing hinde naman sila tinatablan dahil deep inside, alam natin na mayroon pa din, kahit konte, atleast, tinablan pa din at di mo masasabi na manhid ang taong iyon, it's like when someone is teasing you fat, panget o kaya naman bobo, kahit mo sa sarili mo na hinde naman totoo yun, still, somehow, there's a part of you na mararamdaman mo ang kurot at sakit, ganun lang din ito sa selos, kaya nating takpan nang ngite, pagtangi ang nararamdaman nating ito, at kaya pa natin maloko ang mga tao sa paligid natin pero never natin maloloko ang sarili natin when it comes to this one. Di nagsalita si Eusha, though she was smiling, right now, di ko alam kung bakit ba siya nakangite, is it because, tulad nang iniisip ko, na masaya siyang marinig na nagseselos ako, or di naman kaya natatawa siya because I'm so pathetic being jealous kahit na wala akong karapatan? Or maybe, just maybe, iniisip niya din na
"Ano gago? Sarap ba sa pakiramdam na magselos ka? Na yung feeling na kahit gusto mo ang isang tao wala kang magawa?
I started thinking that because I recall what happened in the past, I was in her shoes now, ako na na ang naghahabol, the hunter becomes the hunted, and this feeling really sucks, but what can I do, gusto talaga siya eh, at bilang pampakalma na lang talaga sa sarili ko ay iniisip ko na lang na Karma ko ito dahil sa ginawa ko sa kanya before. Pagdating nang inorder naming alak ay agad siyang kumuha nang isang bote at sinalin ito sa kanyang baso, matapos ay sinalinan niya din ang baso ko and while she was pouring that beer, she suddenly asked me
"Seryoso ka ba sinabi mong nagseselos ka?"
Kinuha ko ang basong sinalinan niya nang alak at pagkatapos kong shotin ito, agad kong sinabi sa kanya na
"Oo... nagseselos ako, pasensya na... alam ko naman na wala akong karapatan na sabihin yun pero... yun kasi ang nararamdaman ko kanina pa, nanliligaw ba sa yung guy na yun?"
I saw her smile habang napapailing, I dunno why I feel so annoyed when she does that, gusto ko na talagang magwalk out pero I was trying to get hold of myself, ayaw kong sukuan ang laban na to, kahit na critical hit ang tama sa akin, susugod pa din ako sa laban. After she finish up her drink, she looked at me and said
"Wag mong pagselosan yun dahil bading yun!"
And after hearing those words... that one particular word, I feel very very very ashamed, putang ina, bading? Yun ganung pormahan? Oh common, you got to be kidding me?! No way jose na ang pormahan na yun, ang datingan na yun, bading?! Wtf?! Talagang napapaisip ako, is she toying with me? Pinagtritripan ba ako nang babaeng to? Kung di ko lang to mahal baka sinipa ko tong babae na to, pero kung iisipin mo nga naman, way back in my call center days, madaming gwapo cute dimples na lalake and yet, lahat sila, almost 75% sa kanila, lalake din ang hanap. Wala akong nagawa kung hinde mapangite at mapailing na lang din sabay sinde nang sigarilyo, ayaw ko man maniwala, since sinabi niya na bading ang lalake na yun, paniniwalaan ko na lang ang sinabi niya. I saw her still smiling habang tinitignan ako at napapailing
"What?" ang tanong ko sa kanya na may halong inis at hiya, after telling her that, malamang sa hinde, eh mahihiya talaga ako.
"I just find it funny na ikaw? Si Mr. Insensitive eh tinablan nang selos? Sa bakla pa?"
"Eusha, kasi nga gusto kita"
I saw her smile then looked at the corner, di ko alam kung ayaw niyang ipakita na masaya siya or may nililingat siya or what, kumuha ulet siya nang isa pang bote at sinalin sa baso niya, ako naman ay din a muna nagsalita at pinagmasdan lang siya
"Wag ka nga!" ang sabi ni Eusha bigla, nakita niya kasi akong nakatingin and I don't know why she said that all of a sudden
"Bakit? Anong wag?" ang tanong ko sa kanya na natatawa
"Wag mo muna ako tignan gago ka" ang natatawang sabi niya sa akin
"Eh ikaw lang naman ang magandang tignan dito eh" ang sabi ko sa kanya
"Echos mo! Ikaw bolero ka na din ha?" ang sabi niya sa akin habang hinahawi sa kanyang tenga ang buhok niyang iyon, at kung hinde ako nagkakamali, that body language means something, natuwa ako bigla and said
"Well di naman kita binobola eh, totoo naman na maganda ka na, cute ka pa"
Napangiwi siya sabay sabing
"What ever! Nagbago ka na ha? Dati di ka naman bolero eh"
"Di naman kita binobola Eusha, you're cute and beautiful and I'm just telling the truth"
"Eh bakit hinde ako ang pinili mo dati?" isang out of the blue question, or maybe, hinde ito out of the blue question, she was really waiting for the right time to ask this question, at putang ina talaga, kakacooldown lang nang linken sphere ko, kaya naman di ko nablock ang bigla niyang pagbato sa akin nang tanong na iyon, yung feeling na akala mo buhay ka pa tapos may Dagon lvl 5 pala yung humahabol sa iyo, yung ganung feeling, yun ang bigla kong naramdaman and this is one question na dapat hinde ako magkamali nang sagot, it's like a chess na kapag nahawakan mo na, ito na ang igagalaw mo, at isang maling galaw lang, mag GGG ako for sure. I saw her looking at me eagerly, putang ina naghihintay talaga siya nang isasagot sa akin, gustong isipin na nagbibiro lang siya sa tanong niyang yun pero hinde eh, she's not smiling though she's not mad or annoyed, poker face, looking blankly at me, yung tipong sa tingin niya sinasabi niya na
"Huy ano na? Sumagot ka aba? Ano maghihintay na lang ba ako dito nang sagot mo? Ano? Dali?!"
I was caught off guard, and without thinking the words na sasabihin ko sa kanya, maaring magtapos ang lahat sa gabing ito, bwisit na yan kasi, sana pala, nung sinabi niyang binobola ko siya, tinanggap ko na lang, makulit din kasi ako eh, eto tuloy, naipit na naman ako sitwasyong hinde ko alam kung ano ang gagawin, honestly, alam ko naman talaga ang dapat sabihin, pero logic na lang siguro, malamang sa hinde na magalit o mainis siya kapag sinabi ko na hinde naman kasi kita mahal noon tulad nang pagmamahal ko kay Charice, na I see you as a friend and a friend I don't want to lose that time. Gustong gusto kong iexplain sa kanya ang bagay na iyon pero mahirap din kasi sabihin iyon dahil siguro naman, kahit sa inyo sabihin ito, mapapaisip ka nang hinde maganda, I was really really pissed at myself that time, pero wala akong magagawa, eto na, di ko na siya pwedeng atrasan, isang bagay na lang ang pumasok sa isip ko, BAHALA NA SI BATMAN! I gather up all my strength, yung tipong para akong si Son Gokou na humingi nang enerhiya sa lahat nang nabubuhay na nilalang sa mundo para mabuo ang lakas nang loob ko na magsalita, I know after throwing these words, either I make it or break everything in it, the hopes of fixing things with her, the opportunity to be with her,nakakapanghina man nang itlog pero sinubukan ko talagang gawin, I closed my eyes kasunod nito ay isang malalim na buntong hininga at nang magsasalita na ako ay
"Oy giirrl!!! Sorry ha? Ngayon lang ako nakabalik! Kasi naman si nanay eh, ang dami pang pinabili!"
Isang babae ang biglang dumating, she looks normal, but the way she dress, gives a sexy impact, magaling siyang magdala nang damit, she looks sexy kahit na hinde man siya ganun kagandahan, aside from that, sadyang iba talaga ang dating nang babae kapag maputi, sa tingin ko nga, kung di siguro to mapute, hinde siya pagtitinginan nang mga lalakeng nandoon sa KTV na iyon. She looked at me and looked at Eusha
"Jow mo?" tanong nito sa kanya, I was waiting for her reply sa babaeng iyon, she did not said anything about what kind of relationship we have, instead she just introduced me
"Si El Nunal nga pala, El, si Danna nga pala kasama ko sa work"
Tumango lang kami sa isa't isa, matapos nito ay may isa pang dumating na babae na halos kasunuran lang din nitong Danna
"Oh sinetch itey?" tanong nito sa dalawa habang nakatingin sa akin
"Cristy si El, El si Cristy" ang pakilala ni Eusha sa babaeng ito, nakipagkamay sa akin ang babaeng iyon at umupo sa tabi ko
"Jowa mo Eusha?" tanong nito, I was waiting for her to reply but to no avail, she just smiled, pero ano pa bang aasahan ko, she was just doing the right thing, masyado akong umaasa sa wala, I just smiled and just resume drinking, masyado ata akong nagaasume na ipapakilala niya ako bilang jowa niya, bilang boyfriend niya, again, this Cristy asked Eusha again, and finally she answered,
"Kaibigan ko"
At yung feeling na bigla mong narinig sa isip mo yung kanta nung singer na Lilet na ang title KAIBIGAN LANG PALA, diyahe, yun ang biglang tumugtog sa isip ko, habang dinadama ang manakanakang kirot sa dibdib ko, it hurts, marinig mong sabihin yun nang taong gusto mo sa iba, kaibigan lang
![](https://img.wattpad.com/cover/207929944-288-k496458.jpg)
BINABASA MO ANG
Book 6 Kung Ako Na Lang Sana By El Nunal
RandomBook 6 Kung Ako Na Lang Sana By El Nunal