Kung Ako Na Lang Sana Part 11

1.3K 7 0
                                    

Part 11

"S-stella, kumusta na?"Ang nangangatal ko pang boses, bukod kasi sa kakagising ko lang, di ko inasahan na tatawagan ako ni Stella nang ganoon kaaga, mag aalasyete pa lang kasi nang umaga, at dahil sa din sa naginom ako nang gabing nagdaan ay masakit ang aking ulo, pero pinilit kong icompose ang aking sarili nang makausap si Stella nang maayos. "Ano sa tingin mo?"Ang sagot niya sa akin, kasunod nun ay tinanong niya ako bigla nang

"El, dapat pa ba nating ituloy tong relasyon natin ngayon? Ano bang nasa isip mo ngayon? I would like to hear what you have thought about us these past few weeks? "Hinde ko alam kung ano ang sasabihin ko, dahil puro katanungan nga lang din ang pumapasok sa isip ko, this is very unexpected question coming from her, or is it? Hinde pa man din ako nakakasagot sa kanya ay mayroon pa siyang sinabi na lubos kong kinagulat"Your answer, for me, will determine about something na gagawin ko in the near future... and before I do that... I wanted to -- "Bago pa niya matapos ang kanyang sasabihin, agad ko na siyang sinabihan na"Pwede bang magkita tayo ngayong araw Stella?"Katahimikan sa magkabilang linya ang sumunod na nangyare, at alam ko naman na hinde ako binabaan ni Stella nang tawag dahil naririnig ko ang malalalim niyang hinga at buntong hiningang pinapakawalan, kasabay ang tila ba pangsinghot nang sipon, at kahit hinde ko siya nakikita, alam ko na umiiyak siya.

"I'll ... I'll call you back later"Ang sabi ni Stella at binaba niya na ang tawag, at shet, ang bigat nang pakiramdam ko, napakapit ako sa aking ulo, tumayo ako't napasindi nang yosi, isa, dalawa, lima, hanggang sa maubos ko na ang isang kaha nang sigarilyo subalit, hinde pa din nawawala ang bigat nang aking nararamdaman, sa pananalita ni Stella, alam ko na aalis siya, at agad kong napagtanto na tila ba may kaparehas na eksena na ito sa aking buhay, para bang nauulit na naman ang nakaraan, subalit malaki ang kaibihan nang storyang ito, dahil, alam ko na sa umpisa pa lang, kahit anong pilit ko, mali na talaga ito, because the feeling isn't mutual at all, napatingin ako sa sa salamin, matapos ay napailing, what's the matter with me, isang tanong ang naitanong ko sa aking sarili't hinde ko talaga alam, kung ano nga ba. Halos ilang oras din ang nagdaan bago muling tumawag si Stella"Punta ka sa bahay mamayang gabi, usap tayo"Ang sabi ni Stella sa akin at hinde pa paman ako nakakasagot sa kanyang sinabi ay agad na niya itong binaba. Agad na akong naghanda upang magtungo kina Stella. Medyo matagal tagal na din akong naghihintay nang masasakyang FX, halos kalahating oras na ang lumipas ay wala pa ding dumadaang FX, kaya naman nang may dumaan nang jeep papuntang Crossing ay agad na akong sumakay dito. Halos dalawang oras din ang biyaheng iyon at sa mga oras na nagdaan, ang tanging iniisip ko lang ay kung ano ba ang sasabihin ko kay Stella. Sa pagiisip ko ay di ko namalayan na nakarating na pala ako sa bababaan ko. Pansamantala muna akong nagtungo sa damuhan sa Green Field, at doon muna nagsigarilyo habang nagiisip nang mga dapat kong sabihin, dahil hinde ko alam kung ano ano ba ang mga isasagot ko kay Stella sa mga itatanong niya sa akin, at habang palakad lakad ako paikot sa lugar na iyon ay mayroon akong di inaasahang tao na makikita, si Bords."Oi! Pre! Musta?"Ang agad na bati niya sa akin, matapos ay nagsindi din siya nang sigarilyo at pansamantalang nanatili doon"Dito ka na ba nakatira?"Ang tanong niya sa akin"Ah hinde doon pa din sa atin bakit?""Eh pangalawang beses na kitang nakikita eh, kala ko dito ka na din nagstay eh""Saan ka ba?"Tanong ko sa kanya"Sa Pasay nga ako nagstay ngayon, may dinaanan lang ako dito""Ay oo nga pala nasabi mo na sa akin yun last time, sorry nalimutan ko""Eh ikaw ba? Ano ba ginagawa mo dito? May hinihintay ka ba?""Wala naman, medyo nagiisip lang""Oh anong problema?"At kinuwento k okay Bords ang iniisip kong problema, matapos ay napangite siya"Pre kung ako sa iyo, hiwalayan mo na lang, kasi sa kwento mo sa akin, ang tingin ko diyan, ginagamit mo lang yung babae eh, paano kung sa iyo gawin yun?"Natahimik ako, muling bumalik kelan ko lang na relasyon sa isang babaeng halos naging panakip butas lang din ako sa mga pagkukulang nang boyfriend niya. Muli akong napasindi nang sigarilyo"Lakas mo manigarilyo ah"Ang puna niya sa akin"Ganito talaga ako pre pag stress, napapayosi nang sobra""Hahahaha ganun ba? Sabagay nakakastress nga yan, pero pre, nasa saiyo lang yan, sinabi ko lang yung iniisip ko, kasi kung ako ikaw, di na ako mangdadamay pa nang ibang tao, di naman pala yung tao gusto mo eh, isa ka na pala sa mga nagpapasama sa pangalan nating mga lalake eh"Ang natatawang sabi sa akin ni Bords pero tama siya, siguro nga, hinde ko talaga mahal si Stella, tinapik ko si Bords sa balikat sabay sabing"Salamat pre, sige pre, una na ako, kausapin ko na muna yung taong yun"Ang paalam ko sa kanya, nagpaalam na din siya sa akin dahil babalik na din daw siya sa trabaho niya, ngunit bago kami maghiwalay nang landas ay kinuha niya sa akin ang number ko at agad na akong sumakay nang taxi patungo kina Stella.Pagdating ko kina Stella, napansin na tila ba may ibang tao doon, at hinde nga ako nagkamali."Oi bhe, may naghahanap sa iyo"Ang sabi nang isang babaeng nakauniform kaparehas nang suot ni Stella sa trabaho na palabas, agad na sumilip si Stella at tinignan lang ako at sumenyas na pumasok ako. Pagpasok ko sa bahay ay nakita ko pa ang ibang tao na nandoon na kasamahan ata ni Stella sa trabaho, dalawang lalake, apat na babae kasama ang lumabas na babae kanina lamang. "Sinecth itey bhe?"Ang tanong nang isang babae na nasa may kusina habang ang iba naman ay shumashot. "Special Friend ko, teka lang guys ha, excuse us"Ang sabi ni Stella sa mga taong nandoon at hinila niya ako papasok nang kwarto"Anong meron?"Agad ko na tanong sa kanya"Wala yan, nagkaayaan lang sila dito. Anyway, ano na?"Ang tanong ni Stella sa akin habang nagpopony tail nang buhok matapos ay umupo siya sa may kama."Ano nang desisyon mo?"Muling tanong niya sa akin, gusto na sanang sabihin na "Stella, sorry, I guess, di talaga kita mahal"Pero sinagot ko din siya nang isang tanong"Ikaw ba? Anong desisyon mo?"Inirapan ako ni Stella sabay buntong hininga"El, ako ang nagtatanong sa iyo. Bakit tanong din ang isasagot mo sa akin?""G-gusto ko kasi malaman.... Ano bang desisyon mo?""Well, to tell you the truth, parang ayaw ko na eh, parang ayaw ko na sumugal pa sa kung ano mang ginagawan atin ngayon, natatakot na ako na lumaban sa isang bagay na hinde ko naman alam kung dapat pa bang ipaglaban, ano bang habol mo sa akin? Sex lang ba? Sa tuwing nasa kama ba tayo eh ako ang iniisip mo o si Tam?"Tanong niya sa akin kasabay nang pagpatak nang luha. Alam ko na gusto niyang sumigaw at magwala pero hinde niya magawa dahil siguro sa mga bisita niya sa labas. Sa nakikita ko ngayon, nahihiya ako sa aking sarili, bukod pa doon, wala akong masabi sa kanya dahil nang sinabi niya na iba ang iniisip ko, sapul na sapul ako sa puso, pero isang bagay ang sigurado akong mali sa kanyang sinabi, dahil hinde lang naman kantot ang gusto ko kung hinde yung taong makakasama, pero, yung taong gusto kong makasama ay hinde ko naman makuha, pero sino ba ang dapat sisihin sa mga bagay na ito, walang iba kung hinde ako. Dumating naman kasi yung panahon na mahal ako nang taong ginugusto ko ngayon pero ako itong ibinigay ang pagmamahal at atensyon sa iba, at diba, parang di naman tama na ngayong magisa na naman ako ay hahabulin ko naman ang taong minsan na akong sinubukang limutin. Nang oras na iyon, tila ba nasa tama ang pwesto ang aking utak, naiisip ko ang mga bagay na dapat naisip ko bago ko pa man pasukin ang relasyon naming na ito ni Stella. Never hunt two deers when you're hunting, for you will lose both of them if you don't focus on one, isa ito sa mga katagang nabasa ko noon sa isang artikulo sa internet, at totoo nga ang mensahe na ito patungkol sa pagibig.

Book 6  Kung Ako Na Lang Sana By El NunalTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon