Kung Ako Na Lang Sana Part 16

1.4K 8 2
                                    

Part 16
Tahimik akong naglalakad papunta sa Tambayan, medyo di pa din ako makaget over sa nangyare kagabe kaya naman gusto ko munang lumaklak, medyo nakakainis na ewan din kasi ang nangyare at di ko alam kung bakit ba parang may mali sa nangyare. Agad akong nakita nang may ari nang Tambayan at agad niya akong nilapitan at inakbayan
"Oh el? Saan galing?" ang tanong sa akin nang may ari nang Tambayan, medyo amoy alak na siya at malamang sa hinde ay mukhang malapit lapit nang malasing ito.
"Kuya, samahan mo nga ako magshot" ang sabi ko sa may ari, at agad naman siyang tumable sa akin
"Oh, mukhang nakainom ka na ah, kaya mo pa ba?" ang tanong niya sa akin
"oo naman kuya kaya pa, si Fae nga pala?"
"Ayun umalis sila nagpunta daw sa kaibigan nang BF niya, kala ko nga kasama ka eh"
"Ay hinde po may sarili akong lakad"
"Di ka na nga daw nagsasama kina Pauline ah?" ang sabi nang asawa nang may ari nang Tambayan
Napangite lang ako at nang iaboy na niya sa amin ang 2 baso na may yelo ay nagsimula kong isalin ang alak dito, habang iniisip ko ang aking ginawa kanina.
"Oh, tulala ka diyan? Nanyare sa iyo?" ang tanong sa akin nang may ari
"Di ko ba alam kuya, kung tama ba yung ginawa ko kanina or ewan" ang sabi ko sa kanya habang napapakamot sa ulo sabay kuha nang yosi sa aking bulsa at sindi nito
"Bakit ano bang ginawa mo?" tanong niya sa akin, napangite ako at sinimulan ko nang ikwento sa kanya ang nangyare
"Ano kaya mo pa ba?" ang tanong sa akin ni Eusha, lumapit ako sa may pintuan matapos ay tinanong ang driver nang taxi
"Magkano po Rosaryo?"
"Rosaryo ka diyan? Doon ka nab a nakatira?" ang tanong bigla sa akin ni Eusha habang natatawa
"Hinde, babayaran ko na yung taxi mo"
"Sira ka! Hinde ako doon nagiistay ngayon, halika na nga sumama ka na, lasing ka na eh" ang sabi pa ni Esuha, pumayag akong sumama sa kanya hinde dahil sa lasing na nga ako, bagkus ay gusto kong malaman kung saan nga ba siya nagiistay ngayon, hinde na pala siya sa rosary nagiistay, kelan pa kaya? Inisip ko tuloy kung saan na ba siya nanunulayan, hinde kaya, nagsasama na sila ni Glenn, pero, kakasabi lang niya kanina sa akin, na kung sila pa din ni Glenn, sana ay hinde siya sisipot sa usapan namin.
"Manong, alam nyo ba yung China Street? Malapit po sa likod nang Sea Oil?" ang sabi niya dito at agad na kaming nagbiyahe papunta doon
"Doon ka na pala nakatira? Akala ko sa Rosaryo ka pa din, medyo malayo ba?"
"Malapit sa work ko ang tinitirhan ko ngayon last week lang ako lumipat doon, nahihirapan din kasi ako sa biyahe ko kapag uwian eh, mga 20 minutes nandoon na tayo, wala naman trapik nang ganitong oras eh"
"Sabagay, mas ok na nga yun, pagod ka na nga sa work, pagod ka pa sa paguwi"
Matapos ay kapwa kaming nanahimik, medyo nakaramdam na kasi ako talaga nang hilo, pero pinipigilan kong mapapikit, kahit na gusto ko nang matulog, pinipilit kong tandaan ang mga dinadaanan naming para kung sakali man na gusto kong puntahan siya ay alam ko na ang mga landmark na magsasabi sa akin na malapit na ako sa kanila. Nadaan ko ang isang gasolinahan at mula doon ay lumiko ang taxi at pumasok sa isang eskinita, matapos ay pinapara ni Eusha ang taxing ito sa harap nang isang tila isang compound nam ay gate. Pagbaba naming ay agad niyang binuksan ang gate at sinundan ko lang siya at mukhang maganda ang pwesto niya dahil umakyat kami sa ikatlong palapag nang building na iyon, malinis at tahimik ang paligid, at dahil gabi, medyo nakakatakot nga kung iisipin, may ilaw man sa hallway ay mahina ang liwanag nito, hanggang sa tumigil kami sa harap nang isang pinto na mayroong nakasabit na snowman at sticker ni Spongebob, ngayon alam ko na kung anong pinto ang dapat kong katukin sa susunod na magpunta ako. Pagpasok naming sa loob nang inuupahan niyang kwarto, agad kong napansin ang magandang style nang pagkakaayos nang mga gamit niya sa loob, fully furnished ito at napaisip ako, lahat ba ito ay gamit ni Eusha or di nga ako nagkakamali na magkasama na sila noon ni Glenn. Gusto man itanong ito sa kanya ay pinigil ko ang aking sarili dahil ayaw kong masaktan sa aking malalaman, besides, if break na sila, it means, hinde na naman dito magpupunta si Glenn.
"Sandali ha, shower lang ako, upo ka lang diyan or kung gusto mo manuod ka na lang muna diyan, nandyan yung remote sa ibabaw nang tv" ang sabi ni Eusha sa akin, ako naman ay naupo lang at tahimik siyang hinintay. Medyo matagal pala siyang magshower, halos kalahating oras na din kasi siyang nasa loob nang banyo, kaya naman naisipan ko na lang muna na lumabas at magyosi. Till now, I can't believe na ito ako, nasa bahay ni Eusha, malayong malayo talaga sa mga expectations ko, luck smiles upon me tonight? Ang pinakabest thing na maari pang mangyare eh yung tipong may mangyayare sa amin today, which at the moment eh hinde ko na muna masyadong inaasahan, hinde ako magpapakahipokrito, gusto ko talaga na may mangyare sa amin tonight just to seal the deal, I want to own her this night, at never nang pakawalan pa, pero, having nagiisip ako nang mga ganitong bagay, suddenly, I realized one thing, una, papayag ba naman siya, until now, I am not certain whether she was inlove me for real, pangalawa, will she do that kind of stuff, knowing her, mukhang hinde, pero naging contra din ang iniisip kong ito sa isang bagay na muntikan ko nang malimutan, she's a changed person, and damn she is really become one hot lady, or pwede din naman na ako lang ang nakakakita, because I like her so much.
"Uy, bat diyan ka pa nagyoyosi sa labas?" tanong ni Eusha sa akin at pagharap ko sa kanya, damn, halos gusto ko siyang lundagin sa kinatatayuan niya matapos kong makita ang fresh look niya, adding sexyness to her look eh yung tipong medyo wet pa ang buhok niya habang nakasuot lamang siya nang bathrobe. Pinapasok niya ako sa loob nang bahay and damn, may trail nang amoy strawberry ang dinadaanan niya, and bigla kong naalala ang ibibigay ko sa kanya, dali dali kong kinuha ang bag ko at agad na itong binigay sa kanya
"E-eusha, nga pala... para sayo" sabay abot nang binili kong strawberry kanina at isang jar nang nutella, ang paborito niyang kainin. I saw her smile at kinuha ito, nagtungo siya sa ref at nilagay ang strawberry na binigay ko sa kanya tapos ay naglabas siya nang isang plastic containing some strawberries as well, matapos ay kumuha siya nang gatas at kumuha nang apat na kutsarang nuttela at minix niya ito sa maliit na bowl bago siya bumalik sa may sala at umupo sa tapat ko.
"Talagang alam mo ang gustong gusto ko ah" ang sab niya sa akin habang dinidib ang strawberry na iyon sa ginawa niyang chocolate sauce
"Di ko pa din naman nalilimutan na yan ang paborito mong kainin eh"
"Echos mo, kape gusto mo? Juice? Sof drink?" tanong niya sa akin habang naglalakad siya patungo muli sa kusina, kinuha niya ang isang litro nang Sprite at isang baso at matapos nito ay nilagyan niya ito nang laman.
"May kasama ka ba dito Eusha? Roommate or ka share dito?"
"Wala naman bakit mo natanong?"
"Ang dami mo lang kasing gamit dito sa bahay"
"Well, perks of being single and besides, most the items naman galing kay Glenn, sinosoli ko na nga sa kanya yung iba like that T.V and that refrigerator pero ayaw naman kunin, bigay na daw niya bakit pa daw niya babawiin"
Tahimik lang ako habang patuloy siyang pagkwekwento tungkol kay Glenn, na para bang binibida niya pa sa akin ang lalaking iyon. Ako naman ay ngiteng aso lang at para ding aso na display na gumagalaw galaw lang ang ulo na tango nang tango sa mga kinukwento niya, and after a long story, she suddenly asked something which caught me off guard
"El, mahal mo ba talaga ako?"
Nabigla ako at hinde nakakakibo sa tanong niyang iyon, I never realized na pwede niya itong itanong sa akin iyon any moment, and the thing I can not understand, bakit hinde ko masabi na OO, napangal bigla ang bibig nang sandaling iyon, gusto kong sabihin na OO Eusha, mahal kita, pero something stopped me, and that is my doubt, not about her, but about myself, like I said and promised to myself, I don't want to fuck up things again, and it should start on the words that I will be saying to her, the things I will be promising her, the words that I will should be backed up with strong descent action, at hinde lang puro dada, and is this myself, my otherself, stoping me to say something stupid, yung feeling na alam mo naman ang gagawin pero bigla ka na lang nablangko, and the more I look at her face na tila ba sinasabing naghihintay siya nang kasagutan mula sa akin ay sadya namang nagdala nang kakaibang bigat sa dibdib ko, at tila ba ang kinakapos ako nang paghinga, at tila ba nanlamig ang pakiramdam ko, yung feeling na pinipigilan mong majebs na may diareah ka, ganung klaseng panlalamig, I wanted to stand up para lumabas but my knees won't stop shaking, this is the first time I felt this kind of thing, am I getting afraid? Marahil, napansin ni Eusha ang nangyayare sa akin and all of a sudden she laughed, agad niyang naagaw ang atensyon ko and she suddenly said
"Let's talk na lang tomorrow regarding this matter, matutulog na ako, ikaw, magpahinga ka na lang din muna, kuha lang ako nang unan sa kwarto"
Hinde ko alam kung anong sasabihin ko, but before she even step even further away sa akin, I hold her hands, agad akong tumayo matapos ay bigla ko siyang niyakap, mahigpit, to the point na ayaw ko na nga sana siyang pakawalan subalit, nang maramdaman ko na tila ba tinutulak niya ako palayo ay agad ko naman kinalas ang pagkakayapos sa kanya, she looked at me and said
"Kung may bayag ka, sagutin mo ang tanong ko, hinde yang yayakap ka lang sa akin at ano? Tapos ano? El, don't be so touchy ok? Wag mong isipin na katulad pa din tayo nang dati, like I said, maguusap pa tayo, papalampasin ko ang ginawa mo ngayon, pero sa susunod na gawin mo pa yan, babayagan ulet kita"
Halos madurog ang puso ko sa sinabi niya, I mean, di ko inakala na magagalit siya sa pagyakap ko na iyon, mukhang masyado akong naging presko at assuming, and again, tinamaan ako nang magaling, I fucked up again. Paglabas niya mula sa kanyang kwarto ay may dala na siyang unan at kumot, inilagay niya ito sa sofa at tahimik lang na pumasok, nang hinde ako tinitignan, and I really feel ashamed of what just happened, putang inang paguutak kasi to, umupo lang ako sandali at nagsindi nang yosi matapos habang iniisip ang ginawa ko kanina lang, what the hell am I thinking, ok na sana yung flow nang gabi eh, tanga tanga moves kasi ang ginawa ko, I checked the time, alas kwatro na, and yet, ang antok na nararamdaman ko kanina nawala, I was really feeling sorry for what I did, mahirap talaga kapag masyado kang nagexpect, iniisip ko ngayon, dapat pa ba ako matulog dito, or should I go home instead, niligpit ko ang ininuman at pinagkainan namin, naisip ko na lang kasi na doon na lang ibaling ang iniisip ko sa nangyare, at habang tahimik lang ako na naghuhugas, I suddenly feel something touching my hips, hanggang sa makaramdam ako nang mainit na pakiramdam mula sa aking likod
"El... wag kang uuwi.... Sorry..." isang malambing at na boses ang narinig ko mula sa akin likuran, it was Eusha, a deep, sad voice from her, ramdam na ramdam ko ang lungkot sa boses niya, I slowly turns around and see her trying to fight the tears roll down her eyes, pinahiran ko ang mata niya at yumakap din sa kanya, and that time, I knew something is off, muntikan nang mawala sa isip ko na madami kaming nainom, and maaring ngayon ay tumama na ang alak sa sistema ni Eusha, and this girl so damn vulnerable sa lahat nang pwede kong gawin sa kanya, deep inside, I know this will be my chance, pwedeng pwede ko nang sibakin ang pussy cat doll niya, but, i guess, mas malakas ang tawag nang puso kesa sa libog ko that moment, I did not do anything, I did not kissed her, nor touch her anyway aside from just hugging her, slowly, I lifted her and carry her like a princess, and hinde nga ako nagkamali, she was drunk. Binuhat ko siya papasok nang kanyang kwarto, at dahan dahan ko siyang inihiga sa kama. I looked at her gentle sleeping body, and putang ina lang talaga, ang mata ko halos lumuwa na finding out that tila nakaunderwear lang ata siya beneath those bathrobe na suot niya, sa totoo lang, at hinde na ako magpapakaimpokrito, that time, the battle between libog and love eh sobrang tinde, I even caressed her soft pouty lips, na tila ba, gusto ko nang halikan, but then, I guess may anghel dela gwardiyang nakabantay sa akin knock me out of my senses, and kinaltukan ko ang aking sarili, what the fuck am I planning to do again, I am starting to think again with my other head, kinuha ko ang kumot sa may uluhan niya at kinumutan siya, pinatay ang ilaw at lumabas na nang kwarto niya. I went to the bathroom and wash my face, again, I almost do something stupid again, somehow, I managed to fight myself, natatakot na kasi ako na baka tuluyan nang lumayo sa akin ang babaeng ito, I know that thing will happen, in the right place, at the right time. Tuluyan nang nawala ang antok ko dahil sa nangyare, nakikita ko na nga sa labas nang bintana na tila ba lumiliwanag na, it's almost 6 am na in the morning kasi. I looked for her keys dahil alam ko ay naipatong lang niya ito kanina sa may isang lagayan at nang makita ko na ito ay agad akong lumabas sandali upang bumili nang inumin sa labas. Wala akong maisip na inumin, ayaw ko naman nang softdrink sa umaga, dahil mamaya sikmurain pa ako, nang mapansin ang isang poster, Kobra Energy Drink, nacurious ako kung ano bang lasa nito so napatanong ako sa tinder kung meron ba sila nito, pagkabili ko ay natuwa naman ako sa lasa, medyo may pagkasoftdrinks ang dating pero mas trip ko ang lasa lalo pa pagsinasabayan ko nang hithit nang yosi. Pabalik na ako nang bahay nila Eusha nang may mapansin akong isang lalaking nakatayo sa gate sa di kalayuan at tila ba may sinisipat ito. Hinde naman ito mukhang akyat bahay o gagawa nang masama, medyo nakaporma kasi at tila ba may lakad pa atang pupuntahan, hinde ko na lang pinansin hanggang sa nang makarating na ako sa gate ay bigla niya akong tinanong
"Kuya, tanong lang po, nandyan daw po si TamTam?"
Nagulat ako dahil iisa lang naman ang TamTam na kilala ko, napaisip ako bigla, manliligaw ba niya to? Aaminin ko na laking gwapo nang kumag na to, maputi, matangkad at mukhang bata pa, di ko alam kung ano ang sasabihin ko, nakatingin lang siya sa akin na tila ba naghihintay nang sagot, hinde ako nakapagsalita agad hanggang sa may makita akong isang babaeng papunta din sa kinakatayuan naming nang binatang ito, sexy ito, mapute, medyo chubby man ang katawan, bawi naman sa kinis at ganda nang mukha
"Ano nandyan daw ba?" ang tanong nito sa binatilyo
"Kuya nandyan po ba si Ate TamTam?" tanong din nang babaeng ito sa akin, di ko na maiwasan na itanong sa kanila na
"Bakit? Sino sila?"
"Ikaw po ba yung boyfriend ni Ate Tam?" tanong muli sa akin nang babae, nakita din ang hawak kong susi na mayroong Winnie the Pooh na key chain, nagkatinginan silang dalawa hanggang sa marinig ko ang isang pamilyar na boses, napatingin ako at nagulat kung sino iyon
"Strawberry ikaw ba yan?"
Tanong ko kaagad dito
"Oi El! I did not know na nandito ka? Aba kung saan saan ka pala napupunta ah?"
"Hinde, may pinuntahan lang ako dito" ang sabi ko sa kanya, napansin ko na tila ba nagpapacute si Strawberry, at malamang, alam ko na kung bakit, like I said, gwapings nga ang binatang iyon, maya maya pa ay may tumawag kay Strawberry na isang babaeng medyo may edad na
"Oi El, text text na lang huh? Later may tatanong ako sa iyo" ang sabi niya sa akin at agad nang sumunod sa babaeng tumawag sa kanya, kinausap ko naman ang dalawang taong iyon at muling tinanong
"Kaano ano nyo si Tam?"
"Pamangkin po, dito po kasi kami naituro ni Ate Jules eh" ang sabi nang binatilyo sa akin at sa di kalayuan ay nakita ko na nga si Jules, and I saw how shocked she is when she saw me, matapos ay salubong ang kilay niyang lumapit sa akin, and without a word said, bigla niya akong sinampal, kinuha ang susi na nakita niyang hawak ko, at nagsalita siya nang lengwaheng hinde ko maintindihan at inabot ni Jules sa dalawa ang susi, at agad na itong nagtungo sa tinutuluyan ni Eusha
"Kapal apog ka din eh noh? What the hell are you doing here?"
Hinde ako nakapagsalita, hinde ko alam kung ano ang sasabihin, kahit na naiinis ako, I suppressed my irritation towards Jules, alam ko naman na may pinanghuhugatan siya nang inis at galit sa akin, she lost a close friend because of me, napabuntong hininga lang ako sabay sabing
"I'll leave, I'll just get my things"
"You mean..." ang sabi ni Jules at alam ko na ang dahilan nang reaksyon nya, di kasi siya makapaniwala na I spent my whole night with Eusha, she points her finger at me and said
"Malaman ko lang na may nangyare sa inyo nang pinsan ko, I swear to God El, manghihiram ka nang mukha sa aso"
She pushed me away at halata sa yabag niya ang inis at galit, I want to talk back, but, I just let it go, iniisip ko kung ano ba ang naiwan kong gamit sa bahay ni Eusha, dala ko naman ang bag ko at cellphone, kaya naman I decide na umalis na lang.
Hinawakan nang may ari nang Tambayan ang aking balikat sabay sabing
"Alam mo, ok naman pala ang ginawa mo, pero di ko rin kasi masasabi eh, lalake tayo diba? So ako, kung ako nasa ganung sitwasyon, mapapaisip din ako, pero mahal mo kasi talaga yung tao El, kaya nanaig ang respeto mo, kaya lang sa kwento mo sa akin doon sa babae na dumating, yung nagalit sa iyo, mukhang mahirap nga yan, pero kung talagang gusto ka din naman nang babae, ipaglalaban ka diyan, di ba nga Hon?" ang sabi nito sa kanyang asawa na nang sandaling iyon ay nagliligpit nang mga gamit.
Nang maubos na naming ang isang mucho ay nagpaalam na ako sa kanya, gusto ko na din kasing matulog, naghanap lang ako nang malalabasan nang sama nang loob sa nangyare, pero alam ko naman sa sarili ko na wala akong karapatan na sumama ang loob, I deserve that slap earlier, hinde pa nga din nagpaparamdam si Eusha sa akin, at puro text lang ni Strawberry ang nakita ko, simula kaninang umaga hinde ko pa ito binubuksan, it's almost 10pm already, hinde din naman siya nagmimiscall, sadyang tinadtad lang ako nang message nang lukaret na ito. I started reading all of her texts, yung iba paulit ulit lang na
"Musta? San ka na? Gawa mo?"
Ang iba naman eh mga quotes at GM (group messages), at natatawa ako sa mga nababasa ko sa dulo nang messages niya, code name at sign ata ang tawag doon, na yung tipong pagkatapos nang message ay may mababasa kang Lil'G_27 minsan naman Single4u_27, hinde ko alam kung ano ba ang significance nang 2 at 7 sa kanya, maaring monthsary nang shota niya sa clan na iyon which is 27, maari din namang birthday niya na ang date is 27, sa dami nang mga messages niya mayroon doon akong napansin
"anong ginagawa mo doon kanina? Nga pala, sino yung kasama mong guy?" at
"May gf ka na ba?"
Pinadalan iya ito kanina pang umaga, hinde ko tuloy alam kung ano ba ang sasabihin ko, napaisip ako bigla nang magandang ireply sa kanya, well oo, wala nga akong GF but, right now, im in the middle of trying to have one, the only one, and ayaw ko nang sumegway pa or magkaroon pa nang mga sideline, I wanted to make things right now, medyo malatelenobela pa ang nireply ko sa message niya, subalit nang isesend ko na to, nagulat ako nang magsending message failed ito, di ko namalayan na may notice na din pala ang network ko na tapos na ang unlitext na sinubscribe ko at 1php na lang ang balanse nang cellphone ko. Binura ko lahat nang messages mula sa kanya, and even till that time, I am waiting for Eusha na magparamdam, gusto ko sana siyang kamustahin, pero, iniisip ko, hinde kaya nagalit siya sa akin dahil nang pinakiusapan niya ako na wag umalis, umalis pa din ako. Pangalawa, kung gusto niya ako talaga makausap, bakit halos buong maghapon wala siyang paramdam? Nagpapakiramdaman lang ba kaming dalawa? Or sadyang ako lang ang nagaassume? Ikatlo, marahil, nagaway na naman silang dalawa ni Jules, lintak na Jules kasi yan pasira nang eksena, pero, siguro, kung ako man, ganun din mararamdaman ko, halimbawang may manarantado sa special friend ko na si Pauline, baka manghiram din sa aso nang mukha ang kumag na iyon, kaya lang, she's the one who's good at playing. Naalala ko siya bigla at naisipan puntahan, at times like this, somehow, she had this magic para mapagaan ang loob ko, I wanted to talk to her pero natigilan ako bigla nang bigla kong marinig ang cellphon ko na nagriring, at halos magsisigaw ako sa tuwa nang makita kong si Eusha ang tumatawag sa akin. Agad ko itong sinagot at kinamusta
"Oi, kumusta na? Ok ka lang ba? Maghapon kang walang paramdam ah?"
"Ok lang... ok lang... kaw ba? Kumusta?"
"Eto... namiss ka"
Narinig ko siyang natawa nang bahagya, matapos nito ay bigla niya akong tinanong
"Nagaway ba kayo ni Jules?"
"Well, she gave me a big slap on the face, ang sakit nga eh, pero, I think I deserve that one, di naman ako maghuhugas kamay at magmamaang maangan sa nangyare"
"Naku, hayaan mo na lang, kinausap ko na din siya kaso, wala din eh"
That time, I feel like I am in cloud nine, heaven ang pakiramdan na right now, I am talking to Eusha, pero, I don't know why, I feel something, parang may mali sa mga nangyayare, I suddenly asked her
"Eusha, seryoso ka ba sa pagbibigay sa akin nang chance na pumasok sa buhay mo? Kasi,sa nangyayare ngayon, it so so surreal... para akong nanalo sa loto bigla"
"Loto talaga agad?" ang natatawang sabi niya sa akin
"El, listen, hinde ko naman sinabi sa iyo na magiging tayo di ba? I did not mention anything that I am ready to have a relationship with you, all I am thinking now is, right now, we can start as friends again, subukan natin na kalimutan yung mga nangyare, we're grown ups now and we need to see things differently, isa pa, aaminin ko sa iyo, oo, may nararamdaman ako sa iyo, pero hinde ko alam kung pagmamahal ba to or I'm just plain missing you, don't get the wrong idea that I am just going to play with you dahil kung ganun ang trip ko, edi sana di ko na hiniwalayan yung Glenn nay un, alam mo El, right now, kita mo naman kung gaano kasama ang tingin sa iyo ni Jules, di ba? Ayaw ko naman na magkaaway pa kami eh"
"Eusha, kung kailangan kita ligawan, kung kailangan kong dumaan sa butas nang karayom, gagawin ko, I wanted to make things right, pasensya na din ulet kagabi"
"Pasensya saan?"
"Sa yung ano... sa pagyakap ko sa iyo bigla... mukhang nagalit ka sa akin eh"
"Ahh... yun ba, gagu ka kasi eh, feeling mo naman kasi, wag ka na lang munang maging touchy, ayaw ko na nang ganun, like I said, di na naman tayo tulad nang dati, alam mo sa totoo lang, parang nagsisisi na nga ako na nakipagkita pa ako sa iyo eh, nahihiya din ako kagabi, gagu kang abusado ka, niyakap mo din ako bandang huli eh"
Ang natatawang sabi niya, natawa lang din ako at matapos nito ay halos di na naputol ang kwentuhan naming dalawa, binalikan naming ang mga call center days namin, and for somereason, we manage to evade lahat nang topic na related sa mga past relationships namin hanggang sa makauwi na ako sa bahay.
"Sige, bukas na lang, ikaw naman tumawag sa akin, pero wag mo ko tatawagan nang umaga or tanghali kasi nasa work ako, magmemessage ako sa iyo paglunch break na kami"
Isang malalim na paghinga ang ginawa ko sabay sabi sa kanyang
"Eusha... I love you..."
"Utut mu! Sige na nga , matulog ka na diyan, matutulog na din ako" ang natatawang sabi niya at tinapos na din niya ang tawag. Hinde pa ako nakuntento at nagmessage pa ako sa kanya nang
"Good night sweet dreams, I love you po"
At kahit na alam kong hinde siya magrereply ay para akong tangang naghihintay sa message niya pero hanggang sa makatulog na ako ay wala pa ding message sa akin si Eusha. Habang nakatingin ako sa kisame, iniimagine ko siya, at inisip bigla, what if, kung inaswang ko kaya siya kagabe, ano kayang nangyare? Iniisip ko na pinakawalan ko ang isang malaking pagkakataon, pero, somehow, ok na din ako, I should not ask for more at the moment, ang mahalaga, after struggling for so long, nagkaayos din kami ni Eusha kahit papaano. Patulog na ako nang biglang may magmessage sa akin, agad kong tinignan kung sino ito at nang mabasa ko ang mensahe niya ay agad ko siyang nereplyan
"anong nangyare?!"

Book 6  Kung Ako Na Lang Sana By El NunalTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon