Kung Ako Na Lang Sana Part 4

1.6K 8 1
                                    

Part 4

lang nang sigarilyo, nabalot nang katahimikan ang sala niya noon at tanging buhos lamang nang malakas na ulan sa kanyang bubong ang maririnig. Mayamaya pa ay sinenyasan niya ako kung gusto ko nang yosi at agad naman akong kumuha at nagsindi. Mayamaya pa ay nagsalita na siya noon at siya mismo ang bumasag nang katahimikan"Ano bang gusto mo sa akin?"Tanong ni Stella noon, seryoso siya at mata sa mata siya kung makipagusap sa akin noon, hinde ko naman pinutol ang pagtitig sa mga mata niya noon at buong tapat na sinabing"Gusto ko kasing makausap sana si Eusha""At ako ang naisip mong gawing tulay ganoon? Umamin ka nga sa akin, may gusto ka ba kay Eusha?"Hinde ako nakasagot noon, hinde ko kasi alam kung ano ba ang isasagot sa kanya, bawat salitang sasabihin ko nang mga sandaling iyon ay may malaking epekto sa kanya, at sa akin na din, kaya naman pinagisipan ko noon ang aking sasabihin, ilang sandali pa, ay isang buntong hininga ang aking ginawa sabay sabing"Hinde ko alam... hinde ko talaga alam Stella""Bullshit na sagot naman yan El Nunal, ako pa gagaguhin mo, yung totoo, mahal mo siya di ba?""Stella... sana maniwala ka... hinde ko talaga alam... kung mahal ko ba siya... dahil mas inisip ko ngayon.. eh ikaw""Titi mo may asin!"Ang natatawang sabi ni Stella sa akin sabay bato nang unan na sinsandayan niya noon"Alam mo, kung mahal mo naman siya, wala naman nang kaso sa akin yun eh, pero ako na mismo ang nagsasabi sa iyo, kalimutan mo na siya, dahil pag si TamTam nagalit at naiinis na sa isang tao, hinde na yan basta basta pa mamansin kaya nga –""Stella hinde naman yan ang pinunta ko dito eh"Ang agad kong sabi sa kanya ng may kalakasan ang tono nang boses na siyang pumigil sa kanya sa pagsasalita"I came here... to apologize, for being such a jerk, at gusto ko sana, na maging tayo""A-ano?"Ang sabi niya noon na tila ba natigilan at napailing"Wait wait wait, please, alam mo, hinde na tatalab sa akin yang mga ganyang chukchakchenes mo, maging tayo, ulul! Kung di pa pala natin nakita si Glen at si Eusha edi mukhang tanga pala ako na magmamahal sa iyo tapos ikaw, si TamTam lang pala ang habol, gagamitin mo pa ako, sorry, mali ka nang taong ginagamit""Stella, hinde naman kita ginagamit eh""Sus! Tumigil ka nga, alam mo, kung gusto mo siya, doon ka na lang sa kanya, wag na sa akin, yung nangyari sa atin, kalimutan mo na ok?"Tumayo siya noon at nakita ko na nangingilid na ang luha sa mata niya at nang mapansin ko na tila ba papasok siya nang kwarto niya ay agad ako tumayo at agad siyang hinabol at niyakap habang nakatalikod, mahigpit habang ang ulo ko noon ay nakadiin sa kanyang batok"Ano ba El... bitwan mo ko...""Stella... sorry... please... forgive me... I did'nt mean to do that... this time... it will just be you and me... pangako""Mukha mo!"Ang naiiyak na sabi ni Stella noon habang pilit na pumipiglas sa pagkakayakap ko sa kanya, subalit hinde ko kinakalas ang pagkakayakap sa kanya, matapos nang ilang minuto ay hinde na siya pumiglas noon at narinig ko na lamang siyang umiyak, dahan dahan ko siyang binitawan at hinarap sa akin at dahan dahan ko ulit siyang niyakap. Naawa ako nang makita ko siyang umiiyak, nanghihina talaga ang loob ko sa tuwing makikita ko ang isang babaeng umiiyak, at nakakakonsensya nang husto lalo pa na ang dahilan nang pagluha nang babaeng iyon ay dahil sa akin"Tahana... Babe... tahana"Ang sabi ko sa kanya, at nagulat ako nang yumakap na din siya noon, mayamaya pa ay dahan dahan niya akong tinulak palayo at nagpunas nang luha mayamaya pa ay nagulat ako nang bigla na lamang niya akong sinapak. Napaatras ako noon at nagulat sa nangyari matapos ay natawa siya"Tang ina ka, pinaiyak mo ko! Wag mo nang uulitin yun ha?! Wag mo nang itetext si TamTam, akin na nga yang cellphone mo!"Agad ko naman binigay sa kanya ang cellphone ko, nagulat ako nang buksan niya ito, kinuha ang simcard matapos ay binali niya ito at tinapon."Bumili ka na lang nang bagong simcard ha? Wag mo nang itetext si TamTam ok? Ayaw ko nang mauulit yun?"Ang sabi ni Stella at tumango ako noon na daig pa ang maamong tuta at umupo sa upuan"Sakit ba?"Ang tanong niya sa akin at napangite lang ako habang hinihimas ang pisnge ko, masakit ang pagkakasapak sa akin ni Stella, para siyang lalake kung manuntok, nawala sa isip ko na nagjujuso nga pala ang babaeng ito at nagbalik sa akin ang ala ala nang una naming pagkikita, nang sinipa niya ako nang sobrang lakas. "Ipagluto mo ko"Ang biglang sabi ni Stella sa akin"H-ha?""Sabi k o ipagluto mo ko""Ano naman lulutuin ko?""Ikaw na bahala, maliligo lang ako"Ang nakangiteng sabi niya noon. Nakahinga na ako nang maluwag noon, pero somehow, parang gusto ko pa ding sabihin sa kanyang sorry, kaya naman muli akong tumayo at hinabol siya at hinawakan ang kamay niya. Napatingin siya sa akin at napangite"Oh?"Tanong niya sa akin noon at tila ba inaantay ang sasabihin ko"Sorry talaga""Unli? Paulet ulet lang? Oo na, pero ayaw ko na mauulit yun ha?"Hinalikan ko ang kamay niya noon at isang matamis na ngite naman ang gumuhit sa kanyang labi. Matapos noon ay nagtungo na siya sa banyo at ako naman ay sa kusina at tinignan ang mga maaring lutuin, meron siya noong repolyo, napansin ko din na may tuna noon sa may shelf nang kusina niya, sibuyas, bawang. May nakita din akong tirang lechong manok noon sa loob nang ref niya, at nakaisip ako nang lulutuin."Bango ah?!"Ang sabi ni Stella noon at sa tono nang boses niya ay tila ba ok na siya at masaya at napatingin ako noon sa kanya at nagulat ako nang makita ko siyang nakatapis lang noon, agad kong binaling muli ang aking pagtingin sa aking niluluto noon"Mukhang masarap ah"Ang sabi niya noon at nagulat ako nang mapansin kong nasa tabi ko na siya noon, kumuha siya nang kutsara sa malapit na lagayan nang mga utensils niya tumikim sa niluto ko"Aba, pwede, sarap ah, buti pala at ikaw ang pinagluto ko""Di ka ba marunong magluto?"Ang tanong ko sa kanya habang ang mata ko noon ay nakabaling sa aking niluluto."Medyo medyo lang, adobo, yan alam ko yan tska prito yun, tska saing, atleast marunong magluto ok nay un, isa pa, kadalasan naman kasi, sa mga fast food o restaurant na ako kumakain, uuwi na lang ako para maligo at matulog"Tatango tango lang ako noon, mayamaya pa ay kinalabit niya ako, paglingon ko ay nagulat ako nang bigla na lamang niya akong I ismack sa labi."Bihis lang ako babe ha"Ang sabi niya sa akin at nagtungo na sa kwarto. Ako naman noon ay napangite na dahil alam ko nang mga sandaling iyon na ok na ulet kami ni Stella. Masaya akong naghain nang pagkain sa hapag kainan noon, maya maya pa ay lumabas na siya nang kwarto niya at halos malaglag ang panga ko noon sa ganda ni Stella, kahit na wala siyang kolorete sa mukha, palong palo na talaga ang ganda niya, at sa suot niyang sando noon na talaga namang medyo fit sa kanya at naeemphasize ang dibdib niya, at nakapajama na siya noon."Aba, talagang ipinaghain na talaga ako ah"Agad akong nagtungo kung saan siya uupo at agad na inusog ang upuan"Parang timang to"Ang natatawang sabi niya sa akin matapos ay umupo na siya. Agad kong kinuha ang kanina at nilagyan siya nang kanin sa plato sunod ay ang ulam na niluto ko."Aba talagang full service pa ah, sige, waiter water na din please"Ang nakangiseng sabi niya at nagkatawanan lang kami. Masaya kaming kumain noon at nagkwentuhan tungkol sa trabaho niya"Alam mo ba, minsan pa nga, eh kahit nakabili na sa amin nang properties yung client naming, binobola bola pa din namin, ayun bumibili pa din naman, ang masaya nito, yung iba kong kasama, magpapaligaw, tapos pag hinde nila sinagot, ayun, gusto ipull out yung investment nila eh kahit na gusto nila, hinde na nila pwedeng irefund yung binayad nila kasi nasa rule yun""Ganun? Edi kumikita pala talaga yang company mo?""Well sabihin na nating parang ganun na nga pero, hinde naman lahat ganoon, yung iba naman eh sineseryoso nila, tulad nung isa kong kasama, next year ikakasal na siya sa German na nakilala niya""Wow naman, buti ikaw hinde ka natutukso sa ganyan?""Naku, wala pa naman ako balak magasawa noh, isa pa, bata pa naman ako, madami pa ako gustong gawin sa buhay, gusto ko pang magabroad, yung aalis ako nang bansa na wala akong inaalalang papadalhan sa Pinas na anak o pamilya""Ahh ganun ba?""Eh ikaw ba? May balak kang magabroad?""Ewan ko lang, wala pa sa isip ko, wala ata""Bakit naman?""Eh nasa ibang bansa naman ang mga kapatid ko, pati mama ko""Pero alam mo, dapat habang bata ka pa or wala ka pang asawa, umalis ka nang bansa""Pinapaalis mo na ba ako?""Aba kung ikakaunlad mo naman yan bakit hinde di ba?""Ganun?"Ang medyo disappointed kong sabi sa kanya noon"Oh, bat napamangot ka?"Ang tanong niya sa akin habang nakangite"Wala lang... naisip ko lang, bakit handa mo akong palayuin sa iyo?""Ay magemot daw ba?""Pero kung sakali man na kasal na tayo?""Wow! Makakasal ka wagas hampasin kaya kita nang baso sa peslak mo?"Ang natatawang sabi ni Stella noon, mayamaya pa ay muli siyang nagsalita"Alam mo, nasa tao naman yan El Nunal, kung lumayo ka man sa taong mahal mo at talagang mahal mo siya, kahit ano pang tuksong dumating sa iyo, kahit ano pang lumbay ang maramdaman mo at pangungulila, hinde mo magagawang hanapin sa iba yan, dahil isasaisip mo na, kaya umalis ang taong mahal mo ay para din naman sa kinabukasan nyo, nasa pagmamahal, tiwala at disiplina lang naman yan eh"Ang sabi niya matapos ay sumubo na siya nang pagkain. Saglit kaming natahimik noon hanggang sa matapos na kaming kumain."Ako na maghuhugas ha?"Ang pagpriprisinta ko noon sa kanya"Naku, sasabihin ko naman talaga na ikaw maghugas eh"Mayamaya pa ay tumayo na siya at nagtungo sa sala at binuksan ang TV, pumasok siya noon nang kuwarto at napansin ko siyang may dalang isang maliit na box."Bilisan mo diyan! Dali! Nuod tayo!"Ang sabi niya noon na excited na parang bata. Ako naman ay agad na minadali ang paghuhugas noon at agad na umupo sa upuan."Dito ka nga sa tabi ko!"Ang sabi niya noon at agad naman akong tumabi sa kanya, matapos ay inabot niya ang remote at plinay ang dvd"Anong palabas yan?"Ang tanong ko sa kanya, at napangite ako nang makita ko kung anong palabas iyon, Forest Gump.Pinause bigla ni Stella ang palabas at tumingin sa akin"Napanuod mo na ba yan?"Ang tanong niya sabay kuha nang throw pillow noon sa kabilang upuan"Di pa, maganda ba yan?"Ang tanong ko sa kanya"Di ko pa natatapos yan, maganda yan eh"Mayamaya pa ay nilagay niya ang kinuha niyang throw pillow sa aking hita si Stella matapos ay doon ito umulo sabay higa."Play na natin wag kang maingay ha?"Tahimik kaming nanunuod noon nang pelikula, isa itong kwento tungkol sa isang lalakeng hinde katulad nang ibang lalake, medyo may diperensya siya, parang may sakit siya, pero hinde naman siya baldado o authistic, pero may pagkaganun yung dating niya, at naaliw at naantig ako noon sa palabas, may halong romance comedy at drama ang pelikulang iyon. Nang matapos naming ang pelikula, nagkatinginan kami at nagkatawanan"Kalalakeng tao umiiyak sa drama?!"Ang sabi niya noon, medyo nangilid kasi ang luha ko sa ending kung saan yung bida eh umiiyak sa harapan nang puntod nang pinakamamahal niyang babae. Sa eksenang iyon, naalala ko bigla si Amanda, the reason why, I couldn't help myself to cry that time. Dahan dahan siyang umupo noon at pinunasan ang luha ko"Para ka pa ngang babae"Matapos noon ay nagulat na lamang ako nang biglang...

Book 6  Kung Ako Na Lang Sana By El NunalTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon