Part 13
"Kim, what happened? Bakit ka umiiyak?"Tanong ko sa kanya, hinde ko talaga inakala na makikita ko siya nang araw na iyon, hinde ko nga inasahan na pupuntahan pa niya ako, ang balita ko nga kasi sa kanya eh kasal na siya sa boyfriend niya. Nagtungo kami sa may malapit na kainan, umorder ako nang kape para sa akin at para sa kanya at doon kami nagusap"What happened at umiiyak ka?"Hinde siya nagsasalita, nagsindi lang siya nang sigarilyo, matapos ay umiling siya"Kumusta ka na ba?"Ang tanong niya sa akin"Ah... ano... ok lang naman, kahit papaano?""Meron ka na bang gf?"Ang natatawang tanong niya sa akin. Ngumite lang ako at umiling, sabay sabing"Meron kelan lang kaso nakipaghiwalay din siya sa akin, or ako, di ko alam eh""Ganun? Ayus ah, bakit naman kayo naghiwalay?""Medyo kumplikado eh"Natahimik ako at napaisip, kumplikado nga ba, binawi ko ang una kong sinabi sa kanya"Actually, hinde siya kumplikado, ako ang may kasalanan"Kita ko sa mukha ni Kim ang pagkagulat, pinaliwanag ko sa kanya ang nangyare, at sa bawat kwento ko, lalo na sa part kung saan sinabi ko sa kanya na mas mahal ko si Eusha pero pinasok ko ang pakikipagrelasyon kay Stella ay hinahampas niya ako"Ang bad bad mo naman El! Grabe ka""I know, kaya nga tinapos ko na din kung anong meron kami eh, though, alam ko na nasaktan ko siya""Sabagay, mas ok na din yang ginawa mo"Ngumite ako at tinanong si Kim"Ikaw naman ba, ano bang problema mo?"Isang malalim na buntong hininga ang ginawa niya matapos ay nagsimula na siyang magkwento."Kasi, nagaway kami ng asawa ko, last week pa siya nangyari actually, may nabasa kasi ako sa FB niya, may kalandian na naman na ibang babae, tapos huling huli ko na siya, siya pa galet, tapos ngayon, sinasabihan niya pa ako na masyado na daw akong mapaghinala, eh paanong hinde, sa ginagawa niya, ni hinde niya nga pinapahawak sa akin yung phone niya eh, tapos lagi pang may katext""Baka naman kasi OA ka lang magisip Kim, baka naman kaibigan lang niya yun, ikaw lang nagaasume""El, alam ko naman kung kaibigan lang yun at kung kalandian niya eh, alam ko naman kasi na kung hinde ako nabuntis, hinde niya naman ako papakasalan"Nagulat ako at tinignan ang tiyan niya, hinde naman ganoon kalakihan ang tiyan niya at natawa"Mukhang hinde ka naman buntis eh""Adik! Siyempre two months pa lang naman akong buntis noh!"Nang sinabi niya yun ay agad ko nang inagaw sa kanya ang hawak niyang sigarilyo"Tamo to! Buntis ka nap ala, nagyoyosi ka pa, gusto mo bang magkaproblema yang bata?""Gusto ko na nga sanang hinde ituloy to eh"Piningot ko siya sa ilong nang may kalakasan"Aray! Ang sakit ha!'Ang sabi niya sa akin at gumanti nang kurot sa ilong"Adik ka kasi! Ano bang iniisip mo? Bakit mo naman balak na hinde ituloy yan? Gusto mo bang magkamortal sin? Tska ano naman kinalaman nang bata diyan sa problema mo? Adik ka din eh""Eh paano kung hinde naman pala kami dapat ikasal? Paano kung iwanan niya ako habang buntis ako? Edi kawawa din yung bata paglake""Bakit mo naman kasi iniisip yan agad? At isa pa, nasigurado mo na ba na kalandian niya talaga yang babae na yan? I mean, sure na sure ka na ba na hinde niya yan kasama sa work or kabatch mate?"Hinde nakasagot agad si Kim at napabuntong hininga lamang"Kausapin mo muna kasi yung asawa mo ngayon, mamaya nagagalit ka sa isang bagay na hinde naman pala dapat ikagalit, mamaya ikaw na lang pala yung gumagawan ang problema eh, isipin mo kayang mabuti yun"Nakita ko siya na naluluha na naman"Oh, wag ka ang umiyak, iiyak ka na naman eh""Kasi... natatakot lang naman ako nab aka kasi niloloko na naman niya ako, na baka kaya lang niya ako pinakasalan kasi nabuntis niya ako""Nung time ba na inaaya ka niya na magpakasal kayo, sino ba yung nagaya, siya o ikaw?""S-siya... actually, tuwang tuwa pa nga siya nung sinabi ko sa kanya na magkakababy na kami""So bakit mo naiisip na ganun ang gagawin niya? Na iiwan ka niya?"Natatawang naiiyak niyang sinabing"Di ko alam"Natawa lang ako sa kanya at pinagpapalo niya ako habang naiiyak at natatawa nang sabay. "Gago ka kasi eh, nakakainis ka""Oh bakit naman ako? Nasaan na ba yung asawa mo?""Nasa mga mama niya, linayasan ako sa bahay namin, nagaway nga kasi kami di ba?""Edi puntahan mo na, minsan kasi kain din nang pride, hinde naman kasi nakakamatay yan bakit hirap na hirap kayong lununin"Natatawa lang si Kim habang nagpapahid nang luha, matapos ay nagpaalam na siya sa akin at ako naman ay nagtungo na pabalik nang bahay. I was still thinking bakit sa akin pa pumunta si Kim, but somehow, nakaramdam ako nang konting tuwa kasi kahit papaano, nakatulong ako sa kanya, sana. Pagdating ko sa bahay, nagtaka ako dahil bukas ang ilaw at tila ba may tao na nakatayo sa may tapat nang aking bahay, hinde ko siya kilala kaya naman agad na akong lumapit"Oy pre"Bati sa akin nang lalaking iyon, tumango lang ako at pagpasok ko ay nakita doon ang BF ni Fae"Oi pre kain"Ang aya niya sa akin, tumango lang ako, samantalang si Maja naman ay gising din pero nakaupo sa isang upuan malapit sa kusina, at mukhang iritado siya sa isang lalaking kumakausap sa kanya. Magalang naman akong tumangi sa kanya, matapos ay nagaya na ang lalaking iyon na umalis na habang ako naman ay nasa labas nagyoyosi, at nang umalis na sila ay pumasok na ako sa bahay."Ito talaga, tinatarayan na naman yun, ang bait bait nun eh"Ang natatawang pangaasar ni Fae sa kaibigan"Ih! Naku ayaw ko nang feeling na ganun no! Pagsabihan mo nga yung kaibigan mo"Ang iritadong sabi ni Maja sa bf ni Fae. Natatawa lang akong nanunuod sa eksenang iyon, tumingin sa akin si Fae sabay sabing"El pwede ba makitulog dito bf ko?"Tumango lang ako at nahiga na silang tatlo sa kutson na iyon at ako naman ay nahiga nang muli sa sofa at nagpaantok, medyo natatanaw ko na din kasi na medyo maliwanag na ang paligid sa labas kaya naman malamang sa hinde ay mag aalas kwatro o alasingko na nang madaling araw. "El, El"Ang mahinang boses na naririnig ko habang dahan dahan kong minumulat ang mga mata ko"May naghahanap sa iyo sa labas"Ang sabi sa akin ni Fae, napansin ko na wala na si Maja at ang BF niya. "Sino daw?"Ang tanong ko sa kanya habang nagiinat at dahang dahang umuupo. Narinig ko ang katok sa pintuan nang aking bahay kaya naman agad ko nang pinuntahan iyon at nakita ko kung sino ito"Sino yang mga yan na pitutulog mo diyan?"Ang tanong sa akin nang asawa nang aking kuya, medyo nainis na agad ako dahil sa tono nang pananalita niya ay tila ba sermon na naman ang aabutin ko, ok lang sana kasi kung sa mga kapatid o sa magulang ko ako makakatangap nito pero kung galing lang sa kanya ay sadyang nakakainis lang, hinde ko naman siya kamaganak o kung ano man, hinde naman ako libreng patira at nagbabayad naman ako nang renta nang bahay kuryenta at tubig. "Mga kaibigan ko lang bakit?""Ikaw talaga, lagi na lang madumi yang bahay tapos lagi pang iba iba ang tao diyan, ano ba ginagawa nyo diyan? Amoy alak pa sa loob, ano yan beer house?"Ang sermon niya sa akin at napakadami pang sermon na mula sa kaliwa ay labas din sa kanan kong tenga ang mga sinasabi niya. Matapos nito ay humiram siya nang pera sa akin, nagsabi na naman daw siya sa aking mama at sa aking kapatid, alam kung hinde totoo yun, o sadyang asar lang talaga ako sa kanya nang sandaling iyon kaya naman hinde ko pinapaniwalaan, pero kahit papaano ay pinahiram ko pa din siya nang pera. Pagalis nang babaeng yun ay bad trip akong muling umupo sa sofa"Uy... El... ok ka lang?"Ang tanong ni Fae sa akin, ngumite lang ako at umiling"Naku wag mo nang pansinin yun, di ko naman pinapansin yung tao na yun, si Maja nawala? Umuwi na?""Oo kanina pa, gigisingin ka nga sana kaso sarap pa nang tulog mo, kala ko ba aalis ka ngayon?""Oo nga bakit anong oras na ba?""Alas tres"Nabigla ako dahil hinde ko inasahan na alas tres na pala nang hapon"May nagtext nga sa akin, para iyo yata to"Binigay sa akin ni Fae ang cellphone niya at agad kong binasa ito"Sige pre, tawagan mo ko pagnandoon ka na"Agad na akong naligo at naghanda sa pagalis. Habang nasa banyo ako ay may narinig akong motor na tila tumigil sa harapan nang aking bahay at matapos nito ay narinig kong kumatok si Fae sa pintuan nang aking bahay "El, una na ako ha, salamat nga pala"Ang sigaw ni Fae "SIge sige! Ingat!"Ang sabi ko sa kanya matapos ay narinig ko na sinara na niya ang pinto. Pinagpatuloy ko ang aking pagligo matapos ay agad na din akong nagbihis. Habang nagaayos ako nang aking buhok ay may tumawag sa aking cellphone, tinignan ko kung sino iyon pero hinde ito number na nakarehistro sa aking cellphone, may mga tao agad akong naisip na maaring tumatawag sa akin, si Stella, na maaring nagpalit nang numero, pero sa tingin ko naman ay gagamitin niya pa din ang numero niyang iyon dahil sa pagkakaalam ko ay business number niya iyon, si Eusha, maaring nagpalit siya nang number at ito ang ginamit niya sa pagtawag sa akin, si Roma, pero medyo matagal na din siyang hinde nagpaparamdam, may posibilidad na nagpalit siya nang number, maari ding isa sa mga barkada ko, si Pauline na mahilig magpalit nang sim, si Lyn na nakikitawag sa tito o tita o kapatid niya, si Mike na madals magpalit nang sim card dahil sa madalas siyang maexpiran nang simcard. Sinagot ko ito at natawa ako, bakit hinde ko naisip na tatawag sa akin ang tao na iyon"Taena mo JanJan, hahaha langya ka kala ko kung sino, himala may cellphone ka na?""Don't me pre! Don't me! Hahahaha, may number ka ba nila Mike?""Di ko lang alam kung gumagana pa eh, si Lyn ang tanungin mo, siya kasi may number nang lahat ng tropa eh""Ah sige sige, tara punta ka dito sa shop""May lakad kasi ako eh""Aadig ka naman? Walangya""Gagu! May pupuntahan lang ako""Wooooo! Aadig ka na naman! Alam ko nay an! Woooo!"Natawa lang ako sa sinabi niya at binaba na niya ang tawag. That was unexpected talaga, sa lahat kasi nang taong iniisip ko na tatawag sa akin, malabo siya dahil kilala ko si JanJan, hinde naman siya mahilig magtext o magload, mas gusto pa niyang gumala, uminom at magdota kesa magaksaya daw siya nang oras sa pakikipagtext. Marahil, dahil siguro iyon sa babaeng nalilink sa kanya na kakilala nang pinapasukan niya na computer shop. Napailing na lang ako at nagpatuloy na sa aking pagaayos at agad na ding sumakay nang FX patungo sa Mega. Medyo nakakatuwa dahil hinde trapik, mabilis ang takbo nang FX at wala pa atang 45 minutes ay nakarating na ako sa MegaMall. Naghanap agad ako nang maloloadang tindahan, naalala ko kasi bigla na wala nga pala ako load at agad ko na ding tinawagan si Bords pero hinde niya sinasagot ang tawag, iniisip ko, baka may inaasikaso pa siya na bisita sa bahay niya, or nasa trabaho pa siya, or baka naman nakasilent ang phone niya, kaya naman sumakay na lang ako nang MRT patungo sa Pasay para mas mabilis ang biyahe, magaalasais na din kasi nang gabi yun kaya naman pinili ko nang sumakay dito, isa pa, first time ko mararating ang hangganan nang mrt na ito, patungong North, kasi, before, sa Ayala lang ako bumababa, kaya hinde ko alam kung ano ba ang itsura nang lugar na iyon. Nang natigil ito sa Ayala station, medyo nakaramdam ako nang bahagyang lungkot at tuwa, naalala ko pa kasi yung mga nangyayari sa akin sa lugar na ito, lalo na sa station na ito, si Eusha, at si Charice. Hinde ko mapigilan na mapailing dahil may nakita akong isang babaeng nakasuot nang grey turtle neck, nakasuot nang bonet, at may salamin, ganun kasi ang itsura noon ni Eusha nung magkita kami noon nang hinde sa sadya sa station na iyon, it's been a while since that happened, but suddenly, it felt it just happened yesterday. Nilabas ko ang cellphone ko, hinanap ang number ni Eusha, at naisipan ko na lang na imiscall siya, hinde ko alam kung nagring ba ito, o nageexist pa ba ang number niya na iyon, hinde ko naman kasi pinakinggan, pinindut ko lang ang call and after that, pinatay ko na din agad. Ilang sandali pa ang nagdaan at nakarating na din ako sa dulo nang MRT na iyon, at nagulat ako, ang daming tao, sabagay, rush hour na din kasi iyon, oras na nang uwian nang mga estudyante at trabahador, amoy mandirigma pa nga yung iba na nakasabay ko kanina, at agad ko nang sinipat ang lugar. Hinde ako pamilyar dito, pero hinde ako nagpahalata na bago lang ako sa lugar na ito, mahirap na, mamaya ay may makaspot sa akin na holdaper o snatcher at gawan pa ako nang hinde maganda. Nakisabay lang ako sa lakad nang mga tao, at nakapasok ako sa loob nang isang mall, hinde ko alam kung saan ito, o anong mall ito, ang alam ko lang, madaming pagkain, at medyo nagutom ako kaya naman naglibot muna ako dito para kumain. Naghahanap ako nang makakainan pero halos lahat ata nang kainan doon puno, napakamot na lang ako sa ulo at hinanap ang exit, at lumabas na lang sa mall na iyon at nagulat ako dahil sa labas ay tila ba extention patungo sa isa pang sakayan na tren, ito marahil ang LRT. Ngayon alam ko na ang sinasabi ni Bords na pagkikitaan naming na Jolibee, dahil natanaw ko mula roon ang Jolibee na kainan. Agad akong nagtungo doon kahit medyo may kalayuan, nagyoyosi habang naglalakad, at matapos ang mahaba habang lakaran ay narating ko din iyon. Matapos nito ay agad na akong tumawag muli kay Bords, medyo madilim na kasi, ala syete pasado na, subalit hinde pa din niya sinasagot ito. Medyo nagtaka na ako, ang usapan nga namin eh alasais, pero bakit kaya hinde niya ako sinasagot kanina at kahit ngayon na tinatawagan ko siya. Iniisip ko na baka hinde ako masusundo ni Bords, medyo malakas na ang tawag nang sikmura ko kaya naman umorder na din ako nang makakain habang naghihintay, kung may hihintayin man. Habang nasa pila ako, panay ang ikot nang aking paningin, at sipat sa labas, sa mga taong dumadaan, baka kasi parating na si Bords, at habang nababawasan ang tao sa pila papalapit sa cashier, medyo nawawalan na ako nang pagasa na susulpot si Bords, ok lang na medyo malate muna siya, nagugutom na kasi talaga ako, at isang tao na lang, ako na ang susunod na oorder, pero sadyang salbahe nga naman ang pagkakataon dahil nang ako na ang oorder, nakita ko bigla si Bords na pumasok sa sa loob, at nang makita ako ay sinenyasan na ako na sumama na sa kanya. Medyo nainis ako na natuwa, agad akong nagtungo papunta sa labas "Pasensya na pre ha, may inasikaso lang kasi ako sa trabaho, medyo nagkaroon nang problema eh"Ang sabi niya sa akin"Walang hiya ka talaga, ako na oorder sumulpot ka pa bigla""Doon ka na lang sa bahay kumain, nasa bahay lang ako kanina eh, hinihintay nga kita na tumawag kaso bigla akong tinawagan nang amo ko at pinabalik ako sandali sa trabaho"Agad na kaming sumakay nang jeep, hinde ko alam kung saan iyon papunta, hindek o kasi nabasa yung sign board nang jeep. "Sa bahay ka na matulog ha?"Ang sabi sa akin ni Bords at tumango lang ako. Medyo nanahimik muna ako sandali kasi nagugutom na talaga ako. "Uy, ok ka lang?"Tanong ni Bords sa akin, tumango lang ako, hinde kasi ko kasi masabi sa kanya na "Bwisit ka kase pre eh, sana kumain pala muna ako"Kasi di ko inakala na aabutin kami nang kalahating oras sa biyahe, marahil, dala na din ito nang trapik kaya ganun katagal ang biyahe. Hanggang sa may madaanan kaming gasulinahan at nakita ko ang isang building na may nakalagay na "Filamabuhay", hinde ko alam kung bakit ako napalinga sa building na iyon, matapos ay lumiko ang jeep at makalipas siguro ang ilan pang minuto ay pumara na si Bords. "Tara pre" Ang aya niya sa akin, at pagbaba naming doon ay naglakad kami sa isang eskinita, nilibot ko ang paningin ko upang tandaan ang mga pwede ko gawing clue o mga lugar na pwede kong gawing land mark kung sakali man na muli kong maisipan na pumunta doon, gate na pula malapit sa maliit na tindahan, o yung estatwa nang kung sino mang tao iyon na hinde ko kilala, o malapit na simbahan, pero isa lang ang natatandaan ko, nang bumaba kami bago pumasok sa kanto ay napansin ko na ang malapit na computer shop, kasunod nito ay isang siomayan. Natandaan ko din ang eskinita na iyon, may nadaan kasi akong bahay na may multi colored na pintura nang pinto, sumunod sa di kalayuan ay ang tila bukas na kanal na may mga nakasulat na simbolo nang isang gang, bago lumiko ay may nakita din akong tindahan nang sigarilyo at tinandaan ko din si manang na nagtitinda doon, matapos ay nakakarinig na ako nang mga nagvivideoke."Oh nandito na pala si birthday boy eh! Wooo!"Ang sabi nang isang babae sa mikropono, maganda siya, di man kaputian pero kita sa kutis niya ang kakinisan nang balat, mahaba ang buhok na may mga highlights ang ibang bahagi nang buhok, at sexy na tignan dahil sa suot na din niya na sobrang ikling shorts na maong, ang halos namumutok na niyang dibdib sa masikip na suot niyang sphaghetti dress na kulay dilaw. Napansin ko din na ang iba sa mga kababaihan doon, o halos ata lahat nang bisita niya ay babae, tila ata siyam ang babae na nandoon at 3 lang ang mga lalake, lima, kasama ako at si Bords, at isa pa tatlo eh mukhang binabae dahil tila may make up pa ito, ang dalawa naman ay mukhang mga rakista, sa pananmit kasi nila, kitang kita na astigin ang datingan nila, napansin ko din ang drumset at ilang gitara sa may sala sa loob nang bahay na tinitirhan ni Bords."Ano to pre? Inuupahan mo lang?""Oo pre, pero tatlo kaming nakaupa dito"Sabi niya sa akin at pinakilala niya ako sa mga bisita niya. Gusto ko na muna sanang kumain nang may isang babae ang nagabot sa akin nang shot glass na may lamang alak"Kuya shot ka muna"Sabi niya sa akin, agad ko naman itong shinot at agad na akong inaya ni Bords na kumain."Nasaan yung kasama mo?"Tanong ko sa kanya"Ahh mga kasama ko din sa trabaho pre, eh mamaya pa sila uuw""Magkano upa niyo dito?"Tanong ko sa kanya. Bago pa man niya ako masagot ay lumapit na sa kanya ang babaeng nakita ko kanina na may hawak nang mike at pinalibot ang kamay kay Bords"Sino siya bhe?"Tanong nito sa kanya"Kaibigan ko si El Nunal, kaibigan ko yan simula nung elementary at highschool kaso nagkahiwalay din kami nang pinapasukan nung elementary eh"Ang sabi nito sa babae, sabay tuka nang babae sa labi niya at kumaway sa akin ang babae. Matapos ay bumalik na ito sa mga sala at kami naman ay nagpatuloy sa pagkain"GF mo pre?"Tanong ko sa kanya"Hinde, chixs ko lang"Natawa ako bigla sa kanya"Oo nga, pre, wala akong gf ngayon, pero may mga chicks ako, kaso yan lang yung nakapunta ngayon kasi medyo busy pa yung iba""Edi pagaawayan ka nang mga yan"Ang natatawa kong sabi sa kanya. Kung sabagay, bukod kasi may itsura naman si Bords ay mukhang nagbabanda pa siya, bartender din siya sa aking pagkakaalam at marahil, sa trabaho niya ito mga nakilala. "Uy! Shot kayo doon ha?!"Ang sabi nang isang babaeng nakasuot nang itim na tube, maganda din siya, may kaputian kaya lang ay medyo namumula na ang mukha dahil siguro sa alak."Oo, kain lang kami"Paglabas nang babaeng yun sa banyo ay muli siyang nagtanong sa amin"Kuya bords, taga saan siya?"Tanong niya kay Bords habang nakatingin sa akin"Taga saamin, sa Rizal, ay pre, si Strawberry nga pala"Nakipagkamay sa akin ang babae at natawa bigla"Kuya hinde ako naghugas nang kamay kaya baka may amoy ha?"Ang sabi niya sa akin sabay tawa, natawa lang ako din ako dahil galing siya sa banyo noon"Joke lang"Bawi nito, at nagtungo na din sa sala"Mukhang type ka pre ah!"Ang sabi sa akin ni Bords"Adik! Nakipag kamay lang trip na agad?""Ano ka ba, kilala ko yun noh! Pag type nun lalake tinatanong kung sino siya at ano pangalan"Natawa lang sa kanyang sinabi. Habang kumakain ako ay nakita ko na tila ba umiilaw ang aking shorts, medyo nagsimula na kasi sila muling magkantahan kaya naman di ko napansin at narinig na may tumatawag na pala sa akin. Sasagutin ko na sana ito pero tumigil na ito sa pagring. Tinignan ko kung sino iyon at isa na naman hinde rehistradong numero, tatawagan ko sana ito nang may kumalabit sa akin, si Strawberry na may dalang shot glass"Uy kuya shot ka muna oh"Ang sabi niya sa akin napangite ako nang asarin siya bigla ni Bords"Ayiiieeehh!!! Ikaw Strawberry milkshake ha! Ayiieeh!!!"At natawa ako nang sabunutan nang bahagya nito si Bords, at agad na din itong bumalik na siya agad sa sala."Ano pre tara na?"Ang sabi ni Bords sa akin, kumuha siya nang isang malaking plato at sumandok siya nang ilang ulam pa na nandoon, menudo, afritada, dinuguan at tinadtad na lechon, at magkasabay na kaming pumunta sa sala. "Uy kuya dito ka! Bords dito mo paupin yan si kuya nunal!"Ang sabi ni Straberry at natawa lang ako, at kahit na medyo nahihiya ako ay tumabi ako sa kanya. "Talagang di halata ha?"Ang pangaasar ni Bords kay Strawberry"Nasaan nga pala si Ana?"Ang kasunod na sabi nito sa dalaga"Ayun nasa labas may kausap lang sandali sa phone"Napansin ko na tila ba inaabot sa akin nang mukhang badin na lalake ang mike"Kuya, kantahan mo naman si birthday boy!"Ang sabi nito sa akin"Oo nga!"Ang sabi pa nang iba"Kakanta na yan!"Ang pangbubuyo sa akin nang mga bisita doon at maging si Bords ay nakikisigaw din, natawa ako nang makita ko ang aking kakantahin.
BINABASA MO ANG
Book 6 Kung Ako Na Lang Sana By El Nunal
AcakBook 6 Kung Ako Na Lang Sana By El Nunal