Kung Ako Na Lang Sana Part 20

1.3K 7 0
                                    

Part 20

Around 7:30pm ako nakarating sa Mega, and agad akong nagtungo sa supermarket para bilhin ang dalawang bagay na alam kong makakapagpangite sa kanya, hinde naman ako natagalan sa paghahanap at matapos kong mabili iyon ay nilagay ko na ito agad sa loob nang aking bag at nagtungo nga sa Eastwood Libis, kung saan kami magkikita.
I feel so nostalgic while walking, habang panay ang ikot nang aking mga mata sa paligid, hinde pa din nagbabago ang nakakatuwang ambiance nang lugar na ito, at hinde talaga magugutom ang mga mata mo sa magagandang chicks na naglalakad lakad, sa totoo lang, nasa 70% ang magaganda talaga at the rest eh magkahalong pilit na nagmamaganda, magandang hinde, at yung kung tawagin nang iba ay hipon. Nakakabilib pa din ang ganda nang mga bar na makikita dito, napaisip talaga ako, kelan ba ang huling beses na nagpunta ako sa ganito na nageenjoy ako, it's been a while na din kasi na yung tipong pupunta ka sa isang lugar na wala kang ibang ibang nararamdaman kung hinde saya at hinde yung sa tuwing lilingon sa paligid ay may makikita kang magpapaalala sa iyo nang isang bagay sa nakaraan, this place really holds a lot of memory for me, lalo pa ang lugar na iyon, I looked at my phone and check kung anong oras na ba at kung may message na ba sa akin si Eusha, but wala pa siyang paramdam, kaya naman nagtungo na lang muna ako sa may fountain sa lugar na ito. Di parin nababago ang ambiance, malamig, tahimik, romantic, may mangilan ngilan akong napansin na magkasintahan na naglalambingan, and deep inside, naiingit ako sa kanila, pero, if ever, and hopefully, na maging ok kami ni Eusha, hinde ko na kakaingitan ang mga taong ito. Nagsindi muna ako nang yosi habang nakaupo sa bangkanteng bench , at habang pinagmamasdan ko ang maaliwalas na kalangitan, napansin ko ang magandang liwanag nang buwan nang gabing iyon, all of a sudden, I started to ask
"Pinagmamasdan mo ba ako? Kung naririnig mo ko, tulungan mo naman ako oh, help me to makes things right"
Isang malalim na buntong hininga bigla ang aking ginawa, pampawala nang kaba, pangamba at pampatikas na din nang loob, dahil nang kunin ko ang aking cellphon sa aking bag ay nakita ko na may mensahe na si Eusha
"I'm here, in front of El Pirata, ikaw nasaan ka na?"
Dali dali akong nagpunta sa sinabi niyang pwesto but all of a sudden, bigla akong napaisip, if siya lang ba magisa, or si Eusha nga ba talaga ang makikipagkita sa akin, kaya naman bigla akong naghinay hinay nang paglalakad at nakikiblend sa mga nakakasabay kong naglalakad, hanggang sa makita ko na nga si Eusha, and damn she's so damn cute sa suot niyang damit na pang office na medyo pencil cut ang dating at nakafit pa siya na slacks, and those lips, talagang namumula dahil sa nilagay niyang lipstick, at hinde ko inasahan na maikli na ang buhok niya subalit binagayan naman ito nang cute niyang mukha, and after a minute or two of observing ay dahan dahan na akong lumapit sa kanya.
"Uy..." ang tanging nasabi ko, pinagmasdan niya sa mata, hinde siya ngumite or kung ano pa man, hinde din naman siya mukhang galit, o malungkot, poker face, yan ang masasabi kong itsura niya nang makita niya ako, she did not said a word for a while, we're just standing there, while the both of us are smoking, hinde ko alam kung bakit ba nahihiya akong magsalita, or rather nahihiyang natatakot dahil alam ko na ang mangyayare ngayong gabi ay nakadepende sa mga salitang bibitawan ko sa kanya.Hinde ko talaga alam ang gagawin sa sitwasyon na iyon, hinde ko alam ang mga tamang words na sasabihin ko, I am so afraid to speak up because I might fuck things up again, pakiramdam ko ay may kung anong mabigat na bagay akong biglang pinasan, and I was really puffing deep sa niyoyosi ko, malamig ang gabi na iyon pero pinagpapawisan ako ako, gusto kong sapakin ang sarili ko dahil ang tagal tagal tagal tagal tagal kong hinihintay to, and now biglang nawala ang bayag ko para magsalita, napaisip nga din ako bigla na sa ginagawa ko, I think, I am fucking things up again, napapunas ako nang pawis dahil sa sobrang kabang nararamdaman ko, I even noticed my hand that holds my cigarette shaking, yung akala mo eh pasmado ang kamay, I looked at her and she was staring at the crowd sa may harapan namin dahil parang mayroon atang naghahanda for live concert, good thing at di niya ako napapansin na ganito, pero, hanggang kailangan, is that a good thing na di niya ako napapansin? Halos sumabog na ang utak ko, ang puso ko sa sobrang pagaalala hanggang marinig ko na lang siya na magtanong
"Tatayo na lang ba tayo dito o ano?" napatingin ako sa kanya at di ko alam kung bakit ako biglang natawa nang bahagya
"May nakakatawa ba sinabi ko? Pinagtritripan mo ko ha?" ang sabi ni Eusha sa akin at di ko alam kung bakit ba nang magsalita na siya, tila ba nawala ang pressure na pumatong sa akin kanina, that's because I saw those sweet smiles again, those smiles that I missed and I used to see sa kanya a long time ago
"Sorry, di naman sa ganun, medyo kinakabahan lang" ang paliwanag ko sa kanya
"Sipain kaya kita diyan, tara, shot tayo, gusto ko maginom at magrelax ngayong gabi" ang sabi niya sa akin, something I did not expected, nasa isip ko kasi, yung tipong maguusap pa kami nang masinsinan, na may halong drama at aksyon na may sampalan sumbatan sabunutan, something like that but, what the hell, habang sumusunod nga ako sa kanya ay kinukutot kurot ko ang aking balat, and yep, I am completely awake, this is not a dream, nor just my dillusion. Nang makahanap na kami nang pwestong uupuan ay agad siyang umorder nang isang bucket nang San Mig Light at isang sisig, at habang naghihintay kami, nakatingin pa din siya sa may mga nagaayos nang mga drums
"Tingin mo, sino kaya ang singer nila this week diyan?" tanong niya sa akin habang nagsisindi nang yosi
"Di ko lang alam, di ko nga inasahan na may banda pala ngayon eh"
"Ano ka ba? Last week kaya nandyan yung PNE"
"Anong PNE?"
"Parokya ni Edgar tangek, di mo alam yun, grabe huh"
Natawa lang ako sa sinabi niya at tahimik lang na pinagmamasdan siya, napansin niya ako at napangite sabay bato sa akin nang kaha nang sigarilyo niya
"Para kang timang diyan, may dumi ba ako sa mukha?" ang tanong niya sa akin
"W-wala naman, it's just... ewan ko ba"
"It's just ano?" ang tanong niya sa akin
"I hate to make this awkward Eusha, pero may tatanong sana ako, break na ba kayo ni Glenn?"
Humithit siya nang yosi at matapos niyang ibuga ito ay tumingin siya sa akin
"I won't be here kung hinde naman diba? And besides, I don't want to talk anything for today, I just want to have fun and relax, bukas ko na lang iisipin ang mga bagay bagay na gusto kong sabihin, but for now, be a friend to me will you?"
Ang cool nang pagkakasabi ni Eusha sa salitang iyon, natawa pa nga ako sa aking sarili dahil tila ba gusto ko pang sirain ang magandang mood niya, I did not see in her eyes na malungkot siya or galit, or even in despair, it's just normal.
"Si Jules nga pala nasaan?" ang tanong ko sa kanya
"Nasa bahay, may pasok pa daw siya bukas kaya di na sumama, ikaw ba kumusta ka na?"
"Eto, medyo ok naman kahit papaano"
"May work ka ba now? Nagcacall center ka pa din ba?"
"Sa ngayon, medyo nagrerelax relax lang ako, wala pa ako sa mood magtrabaho eh"
"Sosyal ikaw na talaga mister nunal, so ano ginagawa mo ngayon? Tambay lang?"
"Parang ganun na din nga"
"Sarap buhay ka pala ngayon huh, sabagay si mama mo nga pala nasa ibang bansa noh?"
"Oo"
"Di pa din ba siya uuwi dito? Dapat may magbantay sa iyo eh para magtino kang gago ka"
Napangite ako sabay sabing
"Kung gusto mo, ikaw na lang magbantay sa akin?"
Natawa siya bigla at sinabunutan ako
"Pumipick up lines ka na ha? Gagu! "
Somehow, I feel relieved, ang layo talaga nang expectations ko sa mangyayare ngayong gabi, para bang, wala lang nangyare, napaisip nga ako kung, nagpapanggap lang ba si Eusha? Is she just acting cool? Or talagang, she's really changed and grows up to be mature, sbai nga nang mga mature na magisip, di na dapat binibigyan nang sobrang atensyon yang love love na yan dahil wala din naman yang maitutulong sa iyo sa huli, puro lang sakit sa isip puso at bulsa, which somehow, eh naranasan ko na nga,and now thinking that, I feel down dahil ako pala eh di pa naggrogrow up, looking at her, nakaramdam ako bigla nang hiya sa sarili.
Makalipas ang halos bente minutos ay dumating na din ang inorder niyang alak at sisig, at nagsimula na kaming maginom, nang may dumaan ulet na waiter ay tinawag ito ni Eusha at tila ba may tinanong, di ko narinig iyon dahil mahina ang pagkakatanong niya sa waiter, kaya hinde ko alam kung bakit bigla siyang napangite. Pagbalik niya sa upuan ay bigla na lang niyang sinabing
"Kamikazee band pala ang magpeperform! Kilala mo ba sila?"
Napangite ako bigla dahil kahit hinde ko naman talaga kilala ang kamikaze, alam ko ang iba nilang kanta dahil sa mga nakaka LSS nilang kanta nung highschool ako
"Alam mo, idol ko na idol ko yung Jhay nay un, grabe, ang galing kumanta, naku, putcha talaga, maghahanap ako nang lalakeng rakista"
Di ko alam kung sinasabi niya iyon para saktan ako, o talagang ito na talaga ang nasa isip niya, and hearing those words makes my heart hurt, napangiteng aso na nga lang ako nang sinabi niya iyon sabay pinilit na lagukin ang alak na iniinom ko sabay sinde nang yosi.
Maya maya pa ay narinig ko bigla na may mga nagtilian, at narinig ko bigla na may nagsalita sa sa mikropono, and hinde ako maaring magkamali, it is Jhay of Kamikazee, at napansin ko na abot tenga ang ngiti at nakakaaliw talaga yung hayup na vocalist na iyon, makulet, astig, at talagang catchy ang mga kinanta nila, (which will be the title of my next book) and I can understand why girl's panties fuck down seeing them perform, kahit na mukhang adik adik si Jhay, may datingan na angas at astig ito, hinde dugyutin na rakista na karaniwan kong nakikita noon sa mga T.V at magazines. Matapos ang tatlong kanta nila ay nagpaalam na ang mga ito at napalitan na nang music ang aming naririnig
"Ang astig talaga nang mga yun, sayang PNE di ko inabutan last time, hay!!" ang sabi ni Eusha habang shumashot, matapos niyang ibaba ang bote nang alak na iniinom niya ay bigla niyang inalis ang suot niyang uniporme at halos lumuwa ang mata ko nang makita ko ang makinis na balikat niya at kahit di man kalakihan ang kanyang hinaharap, ay ang sexy niyang tignan sa suot niyang itim na sando sa ilalim nang unipormeng iyon. Sa totoo lang, I was really turned on that time, pero ayawk o naman ipahalata na tinamaan ako nang L bigla sa kanya, this is not the time for that, si Manoy lang talaga pasaway dahil nagagalit nang sobra, bute nalang at may dala akong bag para matakpan ang pangangalit nito. We continued talking about random things, things na talagang hinde related sa mga bagay na iniisip ko na magiging topic naming sa oras na magkita kami, but I am ok with that, atleast, nakita ko siya, nakausap, nakainuman, at grabe, halos nakaapat na bucket kaming dalawa, kahit na light ito, sa dami nang boteng nainom ko ay tila ba tinablan na ako nang bahagya, at busog na busog ako kahit na wala akong pinupulutan, panay nga ang aya niya sa akin at sinubuan pa ako which really makes me smile and kilig to the bones. Laki na talaga ang pinagbago ni Eusha, kahit sa inuman, dati rati, madali siyang tamaan, pero ngayon, para bang tubig lang ang san mig light sa kanya, wala akong maaring irason na kung ano man, kung hinde di lang talaga ako nakakain nang hapunan, I was looking at her and tila ba may kakaiba siyang radiance, kakaibang dating, ang kilala kong cute and innocent looking na Eusha is now a sizzling hot girl, at putcha, di ko alam kung libog na lang ba ito o sadyang ang ganda niya talaga nang gabing iyon o nakainom lang ako dahil ultimong simpleng paginom niya nang alak ay gandang ganda ako, hinde ko napansin na nakatingin na siya sa akin at sinabunutan ang bangs ko, napangite ako bigla dahil, ganun niya ako dati batiin, that feeling of nostalgia again, ganito kami back in the old days, way before I messed up everything, way before I decided to choose someone else over her, pero sadyang ganun lang talaga, you will realize someone's worth when they are already gone on your life, I am really happy that night, I think that the both of us are really having a good time, nagkukulitan na nga kami like we used to, and of course, lots of booze to follow, dumating na ang ikaanim na bucket, dumating na din yung inutusan niyang waiter doon na bumili nang yosi and when she looked at me, she smiled and slowly approached me sabay sabing
"Hooy nunal! Ok ka lang ba? Wag mong sabihin na tinamaan ka na sa iniinum natin?" di ko alam kung bakit niya nasabi iyon, namumula ba ako? O mukhang lasing na ba talaga? Kung sabagay, wala pa akong kain nang hapunan, kaya siguro parang namumula na ako
"Di naman, sorry ha, mukha ba akong lasing?" tanong ko sa kanya
"Oo kaya, huy! Ihahatid mo ko ha?! Baka ikaw pa ihatid ko niyan?!" ang natatawang sabi niya sa akin
"Joke lang, kaya ko naman umuwi magisa mamaya noh, ikaw ba kaya mo?" ang dugtong niya bigla, medyo nalungkot na naman ako, akala ko kasi, magpapahatid talaga siya. Napabuntong hininga ako nang bahagya sabay sindi nang yosi, paglingon ko sa kanya ay di ko inaasahan na nakatitig siya sa akin, nakapangalumbaba, at mukhang sumisipa na ang alak sa sistema niya dahil sa pamumungay nang kanyang mga mata
"El, bat ang gago mo?" ang natatawang tanong niya sa akin, di ko alam kung biro ba iyon o dinadaan lang niya sa biro ang tanong or nagbibiro nga ba siya sa tanong na iyon
"Huy, sagutin mo nga ako, bakit gago ka?" ang muli niyang tanong, at sa totoo lang, di ko alam kung ano nga ba ang isasagot, bakit nga ba ako gago? Di ko alam kung alin sa mga panggagago ba ang sinasabi niya, or in general na ba ang tanong niya na iyon, isa lang ang naisip kong sabihin sa kanya, and that is
"Because I'm stupid, I guess" sabay tunga nang iniinom naming alak
"Yeah, I guess you are stupid, stupid stupid stupid stupid, pero alam mo ang mas nakakagago dito?"
Ang tanong niya sa akin, tinignan ko siya at bigla siyang ngumite
"Magpapapagago na din ata ako sa iyo, alam kong kagaguhan na lang lahat to eh, pero gago ka kasi, ewan ko ba El, di ko alam kung bakit ba... bakit ang gago mo"
Ang natatawang sabi niya, and that point, I determined na mukhang tinamaan na din si Eusha, gusto ko sana siyang pigilan pero, right now, she is saying things na gusto niyang sabihin sa akin, mga hinanakit at saloobin niya, she's still continuing to drink, hinde ko naman kailangan makipagsabayan nang lasingan sa kanya kaya naman kunwari na lang akong tumutunga nang alak while she, on the other hand, keeps on drinking.
"Oi! Ang daya mo talagang gago ka, bakit di ata nababawasan yang iniinom mo?" ang sita bigla sa akin ni Eusha, and I was surprised that she noticed that I am cheating sa inuman
"Kala mo lasing na ako no? Gaguuuu di pa ako lasing, I'm just tipsy, anong oras na ba?" tanong niya sa akin, kinuha niya ang cellphone niya at muling tinago ito sa dala niyang shoulder bag.
"Oi Nunal, ubusin mo na yang dalawang bote, tapos, uwi na ako"
Ang sabi niya sa akin, sumenyas ako sa waiter para sa bill namin at medyo masakit sa bulsa ang nabayaran ko, pero ok lang dahil it's worth spending naman, at nang maubos ko na ang huling tatlong bote ay kapwa na kaming tumayo, medyo nahihilo ako subalit pinilit kong magpakatatag dahil nakita ko si Eusha na susuray suray na ding maglakad. Nang marating na naming ang sakayan nang taxi, bigla niyang sinabi na
"Wag mo na ako ihatid ha? Kaya ko naman magisa, di pa naman ako lasing, ikaw ba kaya mo pang umuwi?" habang inaayos niya kanyang buhok
"Eusha, ok ka lang ba?" tanong ko sa kanya
"I'm fine, like I said kanina, hinde naman ako lasing, tipsy lang"
"That's not what I meant, I mean, ikaw... ok ka lang ba na – "
"Shhh shhh shh!" ang biglang sabi ni Eusha habang tinatakpan ang bibig ko
"Don't end my day bad, manahimik ka lang, and bukas tayo magusap sa mga bagay bagay ok?"
Natutuwang ewan ang pakiramdam ko nang sandaling iyon, ang kulet niya kasi, and the fact na, talagang iniiwasan niyang pagusapan namin ang gusto kong pagusapan namin ngayong araw, but I guess, she's right, she do have a good day, so ayaw ko namang maging pasira nang araw niya, himala na nga lang talaga na hinde sira ang araw niya na kasama niya ako, and those words she just said earlier, does she really mean it? Even though, on my side, medyo masakit dahil imbes na salitang mahalin ang gamitin niya ay gaguhin. I guess it's up to me now, to prove, that she's wrong if she thinks na manggagago lang ako, I wanted to show her na nagbalik ako sa buhay niya para subukang ayusin ang mga maling nagawa kong desisyon sa nakaraan, but for now, I will just let the night end like this, na nakita ko siyang nakangite at masaya. Matapos ang ilang minutong pagaabang nang taxi ay may dumating din, tumingin ako sa kanya habang siya ay pumasok na sa loob nang taxi, sumilip siya sa bintana at muling nagtanong
"Ano kaya mo ba talaga?"
Nagisip ako kung ano nga ba ang gagawin ko, I looked at the time and it was almost 2 in the morning, chineck ko ang aking bag matapos ay lumapit na ako sa pintuan nang taxi.

Book 6  Kung Ako Na Lang Sana By El NunalTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon