Kung Ako Na Lang Sana Part 17

1.4K 7 0
                                    

Part 17
Hinintay ko na dumating si Fae sa bahay, it was already 2am nang dumating siya, at sa itsura niya, halatang umiyak siya
"Men, bili ka nga nang alak oh"
Inabutan niya ako nang pera at hinanap ko kung sino ang makakainuman naming
"Nasaan si boyfie mo?"
"Ayun nagpapachupa sa bakla ang putang ina na yun gago siya! Tang ina talaga, men, dali bili ka nang alak, shot tayo" ang sabi niya sa akin, habang kitang kita ko kung paano niya halos madurog na ang lente nang cellphone niya sa diin nang pagkakapindut niya dito. Agad naman akong nagtungo sa bukas pang tindahan na alam ko at agad na bumili nang 1 litrong gin blue, matapos ay bumili na din ako nang chaser at medyo nakaramdam ako nang gutom kaya naman bumili na din ako nang pulutan, hotdog, itlog, pancit canton. Pagdating ko sa bahay ay nakita ko si Fae na tulala, nang makita niya ako ay agad niyang kinuha ang bote nang alak at tinunga ito.
"Men, ako na lang uubos nito"
Ang sabi niya sa akin, nagulat ako at natawa sa sinabi niya
"Basta men putang ina talaga, kailangan ko maglasing at makalimot, tang ina niyang hayop siyang gago siya" ang inis na inis na sabi ni Fae habang panay ang tunga nag alak. Sa totoo lang, noong una, akala ko ay nagbibiro siya, pero napapamura na ako sa sarili ko nang makita kong halos kalahati nang litro ang natunga niya, wala pang chaser.
"El, di ba nakakawalang respeto lang? Yung tipong, binibigay mo na nga lahat sa kanya, tapos putang ina pa, mambabae na, namamakla pa ang putang ina"
Sa totoo lang, hinde ko alam kung ano ang sasabihin ko, wala akong ideya kung paano pagagaanin ang loob niya, halatang inis na inis at galit na galit siya, sabagay, eto na si Fae na nagsakripisyo para lang makasama ang lalake na iyon pero tila ba nagkamali siya nang sinamahang lalake, pero wala akong karapatan this time to judge, I am just there observing, at dinadamayan lang siya. Habang patuloy siyang nagsasabog nang sama nang loob sa akin about sa BF niya ay may narinig akong motor na tumigil sa harapan nang aming bahay, maya maya pa ay may kumatok na at nang pagbuksan ko ay kaibigan ito nang bf ni Fae
"Si Fae nandyan ba?" ang tanong niya sa akin
"Oo tara pasok, si ano?"
"Iuuwi lang daw yung motor niya" ang sabi niya sa akin matapos ay agad na siyang pumasok at kinausap ang nagpapakalaseng na si Fae, hinde ko na pinakinggan pa ang pinaguusapan nila, bagkus ay lumabas na lang ako at nagyosi, naawa lang din kasi ako na makita si Fae na nagkakaganun but, I know this is part of loving someone, especially if that someone is a womanizer, but that's the choice she made, and all I can do is watch, medyo nakakaawa man siya tignan but that's the choice she made, besides, siguro karma is a bitch nga talaga, bago kasi talaga maging sila nang Bf niya ay may karelasyon na ito at iniwan nang lalakeng iyon ang GF niya na iyon para kay Fae.
"Pre, si Fae?" isang boses ang bigla kong narinig mula sa aking gilid, ang kasintahan ni Fae, di ko namalayan na nandoon na pala siya, nginuso ko na nasa loob lang siya at matapos nito ay pumasok na siya habang ako naman ay tahimik lang na nagyoyosi. Naririnig ko na galit na galit si Fae sa lalakeng ito at marahil mga kalabog at sampal ang naririnig kong iyon, hinde na din kasi ako nakiosyoso, ayaw kong makialam sa kanila, bahala sila sa buhay nila, basta ako, masaya ang araw ko. Naglakad lakad muna ako sa labas nang aking bahay at habang nagmumuni muni ako ay biglang nagring ang aking cellphone, tumatawag si Strawberry, hinde ko alam kung sasagutin ko ba ito o hinde, medyo wala din kasi ako sa mood makipagkwentuhan pero naisip ko nab aka emergency ang rason nang pagtawag niya this time of the day kaya naman sinagot ko na din ito
"Yow Straw waszup? Napatawag ka?"
"Wala lang" ang sabi niya sa akin, medyo napangite na ako nang sinabi niya yun
"Ganun? Wala lang pala eh, edi bababa ko na tong tawag mo"
"Ganun? Ang sama mo naman, gusto ko lang naman na may makausap eh, ikaw pa nga"
"Wala pa ba si Bords diyan? Or kahit sino na kabarkada mo?"
"Di pa nabalik dito si Kuya Bords eh, tska umuwi na din ako kasi galing kasi kami ni Mama sa auntie ko ulet, doon sa kahapon, ano nga pala ginagawa mo doon? Tska sino yung guy na cute tska yung chubby na magandang babae?"
"Di ko rin sila kilala, natanong lang sila kung kilala ko daw ba yung may ari nang apartment tska kung may bakante daw"
"Ahh... so ano ginagawa mo doon?"
"Well.... Ano nga ba? Siguro, trying to set things right"
"Wow nose bleed naman ako sa iyo huh!"
"Ofcourse don't me" nagkatawanan kaming dalawa at muli niya akong kinulit sa tanong na
"Ano ba kasi ginagawa mo doon? Siguro may dinalaw ka doon no?"
"Parang ganun na nga, naalala mo ba yung kinuwento ko sa iyo na girl?"
"Teka, yung Aisha girl ba?"
"Eusha, Aisha ka diyan"
" Oh anong meron? You mean doon ka galing sa kanila? So doon pala siya nakatira?"
"Oo, kakalipat lang daw nga niya eh, inalam ko lang yung address niya"
"Ahhh... ok"
Medyo nagkaroon kami nang ilang segundong dead – air sa paguusap naming sa telepono, like I said, wala din naman kasi akong ganang makipagkwentuhan that time and the fact na hinde naman pala emergency ang tawag nya eh lala akong nakaramdam nang katamaran. Hanggang sa marinig ko siyang maghikab at nagkaroon ako bigla nang magiging topic naming
"inaantok ka na pala eh, nahikab ka na oh"
"Di naman, ikaw ba? Di ka pa ba inaantok? Anong oras na oh, di ka pa tulog?"
"May bwisita kasi ako sa bahay"
"Ano?" ang natatawang tanong niya sa akin, medyo natawa din ako at kinuwento sa kanya ang nangyare
"Grabe naman, bat di mo paalisin, disoras na nang gabi, madaling araw na nga eh, tapos sa inyo pa nila natripang magaway?"
"Well hayaan mo na, wala eh, alangan naman paalisin ko yung naghahanap nang matatambayan sandali di ba? Besides BH eh hayaan mo na"
"Parang ako lang pala noh?"
"Anong parang ikaw?" narinig ko sa kabilang linya na napabuntong hininga siya sabay sabing
"Wala po! Sige na, matulog na ako huh? May lakad pa kasi ako bukas"
"Saan punta?"
"Sa puso mo!" ang sabi niya sa akin at natawa kaming dalawa matapos ay tinapos na niya ang tawag.
Ako naman ay napakibit balikat na lang at nagpatuloy sa pagliliwaliy sa daan habang nagyoyosi hanggang sa makabalik ako sa amin. Tahimik na ang paligid at tila ba kalmado na ang bagyo, kaya naman naisipan kong pumasok nang bahay, at nakita ko na nakayapos na ang lasing na si Fae habang ang bf naman niya ay may tinetext na kung sino, ang kaibigan naman nila ay nakahilata na sa sofa na hihigaan ko sana, magaalas kwatro y medya na kaya naman medyo tinablan na din ako nang antok, may espasyo pa sa bandang paahan nang magkasintahan at wala na akong kaabog abog na humiga sa may paahan nila.
"Uy pre, pasensya na sa istorbo ha?" ang sabi sa akin nang bf ni Fae
"Naku pre wala yun, ano ok na ba kayo?" ang tanong ko sa kanya, hinde siya sumagot, hinde ko din naman inaantay na sumagot siya at natulog na lang din ako.
"Anooo baaa?" isang boses nang babae ang bigla kong narinig, na tila ba nakikipaglambutsingan sa kung kanina, wala sana akong pake pero una, hinde ko kilala ang boses nito, pangalawa, pakiramdam ko ay tila ba napakalapit lang nang pinanggagalingan nang boses niyang iyon, sana ba kung mahina kaso tila ba, sa tabi ko lang ito nakikipaglambutsingan, at nang minulat ko ang mata ko, nagulat ako, isang magandang binibini ang katabi nang kaibigan nang bf ni Fae. Di ko alam kung nagcutting class ba ito o maaga pa lang talaga, subalit napansin ko ang orasan, ala una na, at alam ko ang school na pinapasukan niya.
"Hala, nagising si kuya ang ingay mo kasi" ang pangaasar nang lalakeng iyon sa dalaga. Maganda ito, sexy, medyo may kalusugan ang hinaharap sa buhay, at higit sa lahat, cute siyang ngumite.
"Kuya sorry ha? Ito kasi eh" ang sabi niya sa akin at napatango na lang ako. Napansin ko na wala si Fae at ang BF niya, narinig kong may tila ba naliligo sa banyo, hinde ko alam kung sino iyon
"Men! Pagluto mo kami! Padating na si Mahal ko" ang sigaw ni Fae mula sa banyo, sumilip pa siya sa may siwang nang pintuan at tinuro ang isang plastic na nakalagay sa aking lamesa.
"Hoy bakla! Di ka ba nahihiya kay Kuya ano? Inuutusan mo pang magluto kayo na nga dapat nagluluto eh!" ang sabi nang babaeng iyon, natawa lang ako dahil medyo may punto siya, pero wala naman sa akin iyon, dahil nasa mood naman ako magluto, basta para kay Fae, medyo shinashare ko lang kasi ang talent ko sa pagluluto sa babaeng ito.
"Kuya anong name mo?" tanong nang babaeng iyon sa akin
"El nunal"
"Sampaguita" ang sabi niya sa akin sabay abot nang kamay, gusto kong matawa sa pangalan niya, though this is a common name para sa ating mga pinoy, pero di ko alam why I found it funny at di ko naiwasang matawa, ngumuso siya at sabay sabing
"Fae oh si kuya iniinis ako!" ang sumbong nito, gumatong din ang di ko malaman kung boyfriend niya ba o manliligaw pa lang niya na
"Eh kahit naman ako dati natawa sa name mo eh, nakakatawa naman kasi kaya?"
Tatawa tawa akong nagtungo sa kusina nang aking bahay at nagluto habang napansin ko na nilalambutsing na naman nang lalakeng iyon si Sampaguita. Naingit ako at sabay sabi sa aking sarili
"Balang araw, kami din ni Eusha maggaganyanan, tiwala lang El, tiwala lang"
Paglabas ni Fae nang banyo ay nabigla ako nang marinig ko na inaasar niya ang dalawa nang
"Asus! Pabespren bespren pa kayong nalalaman na rason sa akin, may bespren bang nagtutukaan?"
Natawa ako bigla nang marinig ko iyon, at iniisip ko pa lang na maaring may BF or GF ang isa sa kanila nang sabihin ni Sampaguita na
"Eto lang naman kasi ang may sabit eh, ok naman ako eh, sabi niya maghihiwalay na sila eh"
"Hay nako, ikaw kaibigan ka talaga nung gago na yun!" ang sabi ni Fae sa kaibigan nang Bf niya, napailing na lang ako, ito kasi minsan ang nakakatawa, alam na naman nating may karelasyon ang isang tao, talagang tayo pa ang sumisingit, at minsan, wala tayong pake na may matapakan man tayong tao hanggat alam natin na kaya naman natin kunin at paibigan ang taong gusto natin, on that scenario, tila ba napatigil ako sa pagtawa at pagngiti at napaisip, wala talaga akong karapatan na magsalita na sa kung ano mang kalokohan ang nagaganap, hinde ako magmamalinis at halos ganun din ang ginawa ko kina Glenn at Eusha, eto ako, biglang dumating at nanggulo. Marahil ay napansin ni Fae ang pagiging seryoso nang aking mukha at binati niya ako
"Uy, naiinis ka ba sa amin men?"
"Ha? Hinde hinde, may iniisip lang ako, medyo wala pa din kasi ang kaluluwa ko sa katawang lupa na to eh, pero iba na talaga ang lumalaklak nang isang litro magisa" ang pangaasar ko at kitang kita sa mukha ng bisita nilang babae ang pagkagulat
"Di nga? Sinolo mo lang?"
"Oo tinungga ko, walang chaser chaser, gago kasi yang kaibigan niyan eh!" ang naiinis na sabi ni Fae
Bilib pa din ako sa ginawa ni Fae na iyon, pero, siguro, sadyang masama ang loob niya kaya nagkaroon siya nang lakas para gawin ang bagay na iyon. Agad ko nang inihain ang kakainin nila, matapos ay naligo na ako
"Oh El, saan ka pupunta?" tanong ni Fae sa akin
"Sa computer shop na tinatambayan ko, may ichecheck lang ako, kaw ba di ka ba hinahanap nila kuya sa Tambayan?"
"Hinanahanap nga ako kakain daw kami, sabi ko lang na nandito ako sa bahay niyo, nakakahiya naman kasi kung doon kami magaaway di ba? Nakakahiya sa kanila, babalik ako doon mamaya, tulungan ko sila na magayos doon, medyo magulo sa eh, hintayin ko na lang si gago na dumating, iwan mo na lang sa akin susi ako na lang maglolock"
Ang sabi niya sa akin, matapos kong magasikaso, makapagligpit ay umalis na ako sa aking bahay at iniwan ang susi kay Fae. Pagdating ko tinatambayan kong computer shop ay agad akong sinalubong nang mga players na naglalaro sa shop na iyon
"Uy, pre, Sali ka naman sa amin need naming nang kakampi at may kapustahan kami ngayon, di kasi dumating isa naming kasama eh"
Nagulat ako sa alok sa akin, wala ako sa mood maglaro kaya gusto ko sanang tumangi, pero dahil na din sa pangungulet nito ay napapayag na din ako, at nagsimula na muna kami magpractice, medyo nakakatuwa nga sila dahil talagang seryoso sila, which really makes me motivated para makipaglaro na din sa kanila, and after an hour, dumating na din ang mga makakalaban namin, at halos di ako makapaniwala dahil 2 sa player na iyon ay kilala ko, at isa lang ang masasabi ko, GG ata kami, dahil kilala ang dalawang iyon na talagang Pro player, isama pa ang napapagusapang best player daw nang kanilang barangay, hinde naman sa minamaliit ko ang mga kakampi ko, pero mukhang wala talaga kaming palag lalo pa sa mga hero pick na gusto nilang gamitin, pero hinde pa din naman naming malalaman hanggat di pa naming sinusubukan. Halos magsigawan na ang mga nanunuod sa amin dahil sa magandang laban na nagaganap, medyo nakakapalag kasi kami, at nakakahiya man, ako pa ang naging feeder sa grupo namin, pero ayos lang naman dahil apat ang nagdala nang laro at di naglaon ay natapos din ang laro at nanalo kami, sadyang may mga bagay talaga na hinde mo malalaman ang resulta, hanggat hinde mo sinusubukan, kahit na minsan, alam na natin kung ano ang kakaharapin natin. Medyo nahiya pa nga ako sa mga player na ito dahil sa totoo lang, I doubted na mananalo kami, pero eto, panalo, at tila ba ako ang naging saling pusa sa laro nila, pero wala naman silang sinabi kung hinde
"Idol salamat ha? Kung ka siguro lumaro di kami mananalo, dapat kasi lahat nang support tulad mo di takot mamatay, tska bute ikaw ang pinaginitan nang mga yun"
Ang natatawang sabi niya sa akin, napangite lang ako at matapos ay lumabas na muna at nagyosi.
"Ayun pala si El oh!" ang biglang sabi ni James sa akin kasama si Mike
"Oi tara"
Aya sa akin ni Mike
"Saan?" tanong ko sa kanila
"Kina MikMik, shot daw tayo"
"Sama ka ba?" ang tanong ni James sa akin
"Sige sunod na lang ako siguro"
"Bakit siguro?" ang tanong ni James sa akin
"Nake aadig na naman si gago, ganyan ka nga, di ka na sumasama sa amin, sabi ni Pauline sa amin, madalas daw sa inyo yung Manila girl na yun ah?"
Napangite lang ako at napaface palm naman si James sabay sabing
"Naku talaga El gagoo magkakaaids ka niyan!"
Natawa lang ako sa sinabi nila, hinde ko alam kung paano ko ba ipapaliwanag sa kanila na hinde naman ganun ang nangyayare, at wala naman mangyayareng ganun, pero siguro, sadyang ganun lang ang tingin nila sa akin, na palakangkang na lalake, sabagay, di ko sila masisi because HS and college days, medyo makwento ako sa mga ganun, pero alam ko naman na minsan, di sila naniniwala, lalo na si James na ang motto ay "Pics or it never happen" which is meron namang basis, paano nga naman kung kwentong barbers ako, paano kung di naman totoo mga sinasabi ko about this and that, mas ok nang may proof.
"Si Niko nasaan?" tanong ko sa kanila
"Pupunta din yun doon nandoon si Pauline eh, langya ikaw at si JanJan, di na nagsasama sa amin ah, may sarili na kayong barkada ha?"
Ang nagtatampong sabi ni Mike sa akin
"Gagu di naman, si JanJan naman siguro alam nyo na naman dahilan diba?"
"Eh masama nga nyan eh, naku ewan ko, bahala kayo sa buhay nyo!" ang natatawang sabi ni James sa akin
"Sunod na lang ako doon" ang sabi ko sa dalawa at nauna na sila, napaisip ako, kumusta na kaya si Nikko? Recently kasi, hinde ko siya napagkikita, napalingon ako sa may kanto at nakita ko si JanJan na papunta na shop na tinatambayan ko
"Oh, kanina ka pa?" tanong niya sa akin
"Oo pre, kakatapos lang naming maglaro eh, wala ka kasi sana ikaw naglaro, ang saya pa naman"
"Kakagising ko lang sakit nang ulo ko, naginom kami kagabi eh, siya nga pala may inom daw kayo kina MikMik ah? Bat di ka sumama?"
Tanong sa akin ni JanJan
"Di ko alam kung iinom ako or hinde eh, ikaw ba sunod ka?"
"Gagu!" ang natatawang sabi ni JanJan sa akin at pumasok na siya nang computer shop, ako naman ay nagtungo na lang muna sa may bakery at bumili nang yosi at softdrinks, pagbalik ko sa shop ay agad naman inagaw ni JanJan ang iniinom kong softdrinks
"Oi may nabalitaan ako ah" ang sabi ni JanJan sa akin
"Oh ano yun?" ang tanong ko sa kanya, ngumite lang siya habang nakatingin sa akin, ako naman ay walang ideya kung ano ba ang gustong iparating nang mokong na to sa akin, ngumite lang ako at pinagsusuntok ko siya nang pabiro pagkatapos
"ano naman yang isyu na yan?" tanong ko sa kanya
"Wala! Gagu guilty ampota hahahaha, pero sa inyo daw madalas si manila girl?"
Natawa lang din ako sa sinabi niya at napailing
"Oo, madalas nga, eh paano, wala naman wenta boypren"
"Eh doon na daw ata matira yan kina kuya sa Tambayan ah?"
"Oo nga, doon na nga daw muna siya titira, ewan ko ba, kaawa na nga eh"
"Bat di mo na lang agawin sa shota niya?" ang natatawang sabi ni JanJan sa akin
"Gagu! As if naman na papatol sa akin yun at isa pre, hayaan mo sila, magulo sila eh"
"Kunwari ka pa! Eh sabi sa akin doon 1st time mo daw makita yun, inabutan mo nang chocolate wooo El! Don't me pre!" ang pangaasar sa akin ni JanJan. Sa totoo lang, totoong malabo pa sa sabaw nang posit ako patulan nang babaeng iyon, alam ko na ang mga trip niya, at alam ko naman kung saan ko ilelevel ang sarili ko, and besides, now that I have a shot kay Eusha, no worry na para maingit pa sa kanila and speaking of Eusha, nagtaka ako kung bakit wala atang paramdam si Eusha sa akin that day, ang di ko alam, tinamaan nang magaling dahil nakasilent pala ang phone ko, hinde ko alam kung kelan ko sinilent ito, at nang makita ko ang messages eh halos mula lahat kay Eusha
Message1: Break time ko now, tawag ka ba?
Message 2: Kumain ka na ba? Bat di ka nasagot?
Message 3: Nasaan ka ba? Last 15 minutes papasok na ulet ako
Message 4: Ay, nakikipagusap ata ako sa statwa, nakakainis na ha?
Message 5: ...
Magkahalong inis at taka ang naglalaro sa aking isipin habang binabasa ang mensahe na iyon ni Eusha, nainis ako dahil alam ko na hinde ko naman sinilent ang phone ko kanina bago ako matulog, iniisip ko na marahil isa sa mga bwisita ko ang nakialam nang cellphone ko, mayroon pang isang mensahe si Eusha na siya naman halos naging dahilan nang panlalamig nang buo kong katawan
Message 6: Wag mo kong tatawagan buong maghapon ok? Wag ka na din magparamdam! Bye!
Agad ko siyang tinawagan subalit ang tanging naririnig ko lang ay
"Sorry the number you dialed is either unattended or out of coverage area, please try again later"
Pero hinde ako sumuko sa kakatawag pero hinde ko talaga siya matawagan. Matapos ay nagmessage ako sa kanya nang sunod sunod pero kahit na madami na akong naipadala sa kanya ay wala pa din siyang reply sa akin, kaya naman iisa lang ang naisip kong gawin, tinawagan ko si Fae upang alamin kung nasaan siya
"Oi Men, napatawag ka?"
"Fae saan ka?"
"Dito pa din sa bahay mo bakit?'
"Wag ka muna aalis uuwi ako saglit may pupuntahan ako"
"Men pasalubong ha?"
"Ano ba gusto mo?"
"Kahit anong makakain, nagugutom na ako eh"
"Sige sige"
Pagkababa ko nang tawag ay napaisip ako, matakaw lang ba talaga si Fae or sadyang hinde pa din siya kumakain nang tanghalian, nagtungo muna ako sa isang malapit na burgeran at bumili dito matapos ay agad na akong nagtungo sa bahay. Sa biyahe, sinubukan ko pa din na tawagan si Eusha subalit wala pa din talagang nangyayare at hinde pa din ako makakonek sa kanya. Muli ay nagpadala ako nang messages sa kanya
"Sorry, punta ako diyan ngayon sa inyo ha?"
Hinde ko alam kung nababasa niya iyon, pero kahit papaano ay pinapaalam ko na sa kanya na magpupunta ako sa kanya upang magsorry nang personal, gusto ko kasi na maniwala siya sa akin at hinde lang niya isipin na nagdadahilan ako, nabwibwisit din ako sa tuwing maalala ko kung sino ba ang nagsilent nang cellphone ko. Pagdating ko sa bahay ay inabot ko agad ang burger na binili k okay Fae at habang nagbibihis ako ay tinanong ko siya
"Fae, sinong nagsilent nang phone ko? Nagalit tuloy sa akin yung nililigawan ko"
"Ay yung kaibigan ni Mahal ko, pero di naman niya sadyang nasilent kasi kinakalkal niya yan kanina"
Nakaramdam ako nang inis sa narinig ko, bwisita na nga pakielamero pa, ayaw ko na lang muna magreact nang mga sandaling iyon sa nangyare, tahimik lang ako na nagbihis at agad na ding umalis sa bahay. Habang nagaabang nang FX ay biglang tumawag sa akin si Fae
"Uy, mukhang bad trip ka ah? Naiinis ka bas a akin?"
"Hinde hinde, nainis lang ako kasi may nakielam nang cp ko nang hinde ko alam, ayan tuloy may nagalit kasi hinde ko narinig o nareplyan agad messages niya"
"Aba, may nililigawan o GF na?"
"Nililigawan pa lang"
"Eh bakit ka naman ganyan makareact? Adik ka men ha?"
"Kasi mahal ko kaya ganun"
"Sus! Mukha mo! Eh paano si Pauline?"
"Anong paano si Pauline?"
"Wooo! Kunwari ka pa men, alam ko din naman na gusto mo si Pauline eh"
"Men, alam mo, kaibigan ko na lang yung babae na yun, she's like a young sister na for me ok?"
"Sabagay, sige na lo bat na ako, ingat ka saan ka man pupunta"
Medyo nainis ako sa pagkakatanong ni Fae sa akin nang ganun, inis na nga ako sa kaibigan nang bf niya, nakaramdam pa ako ngayon nang inis sa kanya, pero I just brushed it off dahil mas inaalala ko that time eh paano ako makakabawi kay Eusha nito, inakupo naman talaga, 2nd day pa lang, eto na nangyare, nakakainis talaga kapag need mong magpagood shot sa tao, halos gusto ko na ngang paliparin ang sinasakyan kong FX papunta kina Eusha pero mahaba haba ang biyahe ko nito, mula sa amin papuntang Crossing is 1hr , nation pang nagtrapik kaya eto inabot ako nang isang oras at kalahati sa biyahe, matapos ay muli akong sumakay nang taxi, inalala ko ang address na binigay ni Eusha sa driver nang taxi na nasakyan ko and oh my fucking God, hinde ko inasahan na malaki laki pala ang bayad kapag ganun ang biyahe ko, di ko alam kung tinaga ba ako sa presyo nang pamasahe or sadyang ganun lang talaga ang presyo papunta sa bahay na yun ni Eusha, pero hinde ko na lang pinansin din yun, all that matters is nandito na ako sa kanila, napaisip ako bigla kung ano ba ang sasabihin ko, ano bang ipapaliwanag ko sa kanya, ala sais y medya na ako nakarating dito sa pero mukhang, mamaya pa ata ang uwi ni Eusha, naisip ko, sinabi niya noon sa akin na malapit lang naman ang bahay niya sa work niya, so does it mean na walking distance lang siya? Nagtanong tanong ako sa mga tao sa paligid kung alam ba nila kung saan branch nang bangko na iyon, at tama nga ang hinala ko, walking distance lang siya, 20 minutes mararating ko na iyon nang palakad, kaya naman agad na akong nagtungo doon. Pagdating ko sa may kabilang kanto ay natanaw ko na nga ang pinapasukan ni Eusha, nakakita din ako nang malapit na karinderya dito at doon na lang muna ako tumambay. Napansin ko din ang isang 7 11 store na malapit, saglit akong nagtungo doon upang bumili nang pabango, isang tobleron, at isang kaha na din nang yosi.
Pagbalik ko sa may karindirya ay bumili ako nang softdrinks para naman hinde ako itaboy nang tinderang nandoon. Inaliw ko ang aking sarili sa pagmamasid sa mga taong naglalakad lakad, mga sasakyang dumdaan, at sa pagsisigarilyo, pero ang akala kong isang oras na paghihintay eh halos kinse minutos pa lang pala ang lumipas, nakakainis talagang maghintay, lalo pa kung hinde ka sigurado sa hinihintay mo, gusto ko sanang pumasok sa bangko, magpanggap na kunwari magiinquire ako, pero baka mainis lang sa akin si Eusha sa gagawin ko na iyon, kaya naman steady na lang ako na naghihintay sa karinderyang iyon. Bandang ala syete y medya ay nakita ko nang may mga naglalabasan nang tao sa loob nang bangko, mga empleyado at nakita ko na si Eusha doon, gusto ko na sana siyang puntahan nang mapansin ko na may lalakeng lumapit sa kanya at kinausap siya, matapos nita ay di ko inasahan na may makikita akong hinde kaaya aya
To be continued....

Book 6  Kung Ako Na Lang Sana By El NunalTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon