One Shot - Call You Mine

478 13 0
                                    

"Habulin mo ako" makulit na sabi ko

"Hinahamon mo ba ako Camila?" sabi niya habang may nalolokong ngiti

Tumakbo ako ng mabilis para hindi niya ako mahabol. I went to the park at tumago doon. Tumatawa lang ako dito. Nandun siya. Sa gitna ng park, hinahanap ako.

"Camila!!! Nasaan ka??? Humanda ka sakin!" sabi niya

Tumakbo ako papunta sa kaniya at tinakip ang mata niya.

Pilit niyang kunin ang kamay ko pero malakas ako.

Tumawa lang ako.

"Oh ano? Hindi mo pala ako kaya" sabi ko

Tinanggal ko na yung pagkatakip ng kamay ko sa mata niya. Tumingin siya sakin at ngumiti.

"You think hindi kita kaya?" sabi niya

Binuhat niya ako ng pabridal style.

"Fabio!!!! Ibaba mo akoooo" sigaw ko

"Hindi pala kaya ha?" nanghahamon na sabi niya.

Kinikiliti niya ako. At ako? Tumatawa lang.

"Ano ba!!!! Kinikiliti ako" sabi ko

Hindi talaga siya tumigil. Pagkatapos ng ilang minuto ay huminto siya at dinala niya ako sa isang bench. Nakaupo ako sa lap niya.

Nakatingin ako sa kaniya. Hinihingal. Ngumiti lang ako.

"Ayun. Pagod ba yung bebe ko" sabi ko

Kumuha ako ng panyo at pinahid yung pawis niya.

Tiningnan niya lang ako. Ngumingiti siya. Tumitig siya sa mata ko at sumesenyas. Naghihingi ng kiss yung jowa ko.

Tinulak ko lang siya.

"Humihingi ka ng kiss? Nye nye" sabi ko

Nagpout lang siya. Ang cute cute lang.

"Sige na. Pagod na ako" sabi niya

"Sige na nga" sabi ko

Hinalikan ko siya sa pisngi. Kita ko namang dismayado siya.

Nakakunot lang yung noo niya.

"Ano?" inosenteng tanong ko

"Kiss? Yun ang kiss para sayo?" naiinis na sabi niya

"O bakit ba? Oo yun ang kiss para sakin problema mo?" nang aasar na sambit ko

Nagpout na naman siya. Nagpapacute 'to iee.

Hinawakan ko yung mukha at hinalikan siya. Smack lang. Kita ko namang ngumiti siya.

"Ano? Happy na po?" sabi ko

"Sobra" sabi niya at hinalikan ako sa noo

"Kukuha lang muna ako ng tubig" pagpapaalam niya

"Sama ako" sabi ko

"Wag na. Ayokong mapagod ang prinsesa ko" sabi niya

Nagpapakilig ba to????

Tumayo siya at kumuha ng tubig. Ang swerte ko talaga sa kaniya.

4 years. 4 years na kami. Araw araw hindi ako magsasawang sabihing ang swerte ko.

Nagkakilala kami sa college. Ayoko sanang magkaroon ng jowa pero hindi siya tumigil sa pangungulit kaya ayun. Nahulog din ako.

I went back to reality when I heard music. Perfect. By Ed Sheeran. Favorite ko 'to. Nakita ko siya nag-gigitara. Hindi ko na pala namalayan na nandito ang pamilya namin.

Tumayo ako. Unti unti ng tumutulo ang luha ko. Ito na ba yun?

Pagkatapos niyang kumanta, lumapit siya sakin.

"Camila, from the day that I met you, sabi ko sa sarili ko na, ikaw na yun, I want you to be mine. Kahit ayaw mo, kinukulit parin kita. Then one day, unexpectedly, you said yes. Girlfriend na kita. Sobrang saya ko nun. Dun na nagsimula ang lahat. Maraming mga tampuhan pero kinaya natin lahat ng yun. I am so lucky that I met you. Kaya..."

Lumuhod siya sa harapan ko. Nakikita ko na ang mga pamilya namin na kinikilig.

"Will you marry me?" sabi niya habang nakalahad ang isang maliit na box na may singsing

Sasagot na sana ako pero pinigilan niya ako

"Bago ka munang sumagot, may tatlo akong dahilan kung bakit um-oo ka." sabi niya

Tumawa lang ako.

"O sige nga, ano?" tanong ko

"Una, nagpaalam na ako sa mga magulang mo, botong boto sila para sakin. Pangalawa, may lechon na sa bahay, baka ma sayang yun pag humindi ka"

Tumawa ako ng lakas, pati ang mga pamilya namin.

"At panghuli, mahal na mahal na mahal na mahal kita Ms. Camila Dela Torre. Will you marry me?" tanong niya

Ngumiti ako.

"Yes, Mr. Fabio Serrano, Yes, I will marry you" masayang sabi ko

Kitang kita ko ang malawak na ngiti niya. Sinuot niya ang singsing sa daliri ko. Niyakap niya ako. Pagkatapos nun, naglapat yung noo namin.

"I can't wait 'til I call you mine" sabi niya

"Hindi ba ako sayo?" tanong ko

"Oo naman, sakin ka, pero mas malalaman natin kung sakin ka kung palitan na natin ang last name mo" sabi niya

"Camila Dela Torre Serrano, I like that sound of that" sabi ko

Hinalikan niya yung ilong ko.

"I love you"

"I love you too"

One Shots - CamBio 💕🖤Where stories live. Discover now