One Shot - Sana

358 14 0
                                    

Nandito ako ngayon sa harap ng bahay niya. Nagdadalawang isip kung papasok ba ako o hindi. It's been 1 year. Galit parin ba siya?

"Bro! Ano ka ba? Kala ko nakamoveon kana?" tanong ni Vito

"Oo naman" saad ko

"Eh bakit ayaw mong pumasok?" sabi niya habang nakasmirk

Sinamaan ko siya ng tingin. Umirap nalang siya.
Pumasok na kami sa bahay niya. Ang ganda. Ang sophisticated ng mga designs niya.

Maraming bisita ang nasa loob. Birthday kasi ng anak niya. May anak na siya. She's living her dream.

Nakita ko naman siyang bumaba sa hagdan. Nagtama yung mga mata namin. Siya yung unang nagiwas ng tingin. Bumuntong hininga lang ako.

"Sa lagay mong yan Fabio, di ka parin naka move on" umiiling na sabi niya

Tumingin lang ako sa kanya. Tama namam siya. Ang hirap magmove on

"Di naman kita masisisi. Ang ganda kaya ni Lyanna. Mabait pa. Kasalanan mo kasi. Masyado kang makulit" dagdag pa niya

"Alam mo pag di ka tatahimik lalagyan ko ng scotch tape yang bunganga mo, ingay! Nakamove on na ako, that's final" sabi ko

"Okayy sabi mo ha" pang aasar niya

Umalis nalang ako doon at pumunta sa kitchen para kumuha ng drinks. At dun ko nakita siya. Nakita din niya ako. Lumapit siya sakin.

"So, tinuloy mo pa talagang pumunta dito" sabi niya

"Tsk. Pinilit lang ako ni Vito" sabi ko

Ngumiti lang siya. Miss ko na siya

"I have to go, aasikasuhin ko pa yung mga bisita" sabi niya

Tumango lang ako. Kumuha lang ako ng drinks tapos bumalik dun. Nung papunta nako sa labas, nabangga ko ang isang babae na naging dahil sa pagtapon ng drink ko sa shirt ko.

"Nakuuu, I am so sorry, di ko tinitingnan ang dinadaan ko, sorry talaga" sabi niya at pinupunasan ang shirt ko

Pinigilan ko siya at tiningnan at ngumiti.

"Ms. It's ok, kasalanan ko din naman" sabi ko

"Kahit na, halika magpalit ka, I'm sure may extra shirts dito si Bes" sabi niya

Kumunot naman ang noo ko. Bago pa naman ako makatanong, hinila niya ako papunta sa guest room sa taas. Pagpasok namin sa room ay sinira niya ka agad ang pinto.

Pumunta siya sa closet at naghanap ng damit. Gulong gulo ako.

"So, kaano ano mo si Lyanna?" tanong ko

Tumingin naman siya sakin ng saglit at bumalik sa paghanap.

"Uhmmm...asawa ng bestfriend ko na si Xavier, ayoko sa Lyanna na yun, masyadong ma attitude" sabi niya

Wow...ma attitude? Talaga lang? Well, sa bagay totoo naman ang sinasabi niya

"Ikaw?" tanong niya

"Huh? Anong ako?" takang tanong ko

"Ka ano ano mo si Lyanna?" nakatingin na siya sakin ngayon

"Ex ko" simpleng sabi ko

"Wow, paano mo nakayanan ang makita ang ex mo na may asawa't anak na?" sabi niya

"Ewan" sagot ko

Patuloy parin siyang naghahanap ng damit. Tinitigan ko lang siya. Maganda siya ah. Mahaba ang buhok. May dimple. Ang cute niya lang.

One Shots - CamBio 💕🖤Where stories live. Discover now