One Shot - I Love You

371 8 0
                                    

Camila

"Emma, nasan yung papa mo?" tanong ko kay Emma

"Nasa kwarto po" sabi niya

Tumango lang ako. Binaba ko ang bag ko sa table at pumunta sa taas.

"Ma! May sasabihin sana ako sayo" sabi ni Emma

"Ano yun?" tanong ko

"Uhmm..." panimula niya

I just crossed my arms. May tinatago 'to.

"Anak, sabihin mo na" pagpipilit ko

"Can I go out mamaya?" tanong niya

"At sino na naman ang kasama mo?" nakataas kilay na sabi ko

"Yung barkada ko lang po, sina Luna, Mildred, Tsoknat, Intoy at Elias po" sabi niya

"Pag-iisipan ko" sabi ko

"Ma naman eh, mamaya na"

"Tatanungin ko muna papa mo ok?"

"Eh pumayag na siya eh, please" may pa puppy eyes pang nalalaman

"Eh pumayag na papa mo eh, so go nalang" wala akong choice

Lumiwanag ang mukha niya. Alam ko namang gusto niyang lumabas. Go out with her friends.

"Thanks Ma!" sabi niya at hinalikan ako sa pisngi

"Magpakabait ka dun, ha? No boys" bilin ko

"Yes po" sabi niya

Lumakad naman ako papuntang kwarto. Napagod ako. Gusto kong magpahinga.

Pagpasok ko sa kwarto, nakita kong natutulog si Fabio. Ba't tulog 'to? Gisingin ko nga. Kaya nga ako pumunta dito eh, para maglambing.

"Fabio..." sabi ko sabay tapik sa balikat niya

"Huy...gising naaaa"

Gumalaw siya ng slight pero natulog parin. Kiniliti ko siya para magising.

"Ahh...ayaw mo ha"

Kiniliti ko talaga siya hanggang nagising na ang sleeping fabeauty ko hahahaha. Hinawakan niya yung kamay ko para hindi ko na siya makiliti

"Oh...gising na, gising na" sabi niya

Bumitaw naman ako sa paghawak niya at yinakap siya. Siniksik ko talaga ang sarili ko sa kaniya. Miss ko na siya eh

"Oh, ang clingy mo ngayon, bakit?" tanong niya

"Ayaw mo bang lambingin kita? Miss kaya kita" sabi ko using my "malambing" voice haha

Hinalikan niya noo ko.

"Hindi naman, pero ba't aga mo? Wala na bang problema sa casino?" sabi niya

"Actually, marami pa, kaso may nagtutukso kanina sa telepono eh kaya umuwi ako" sabi ko

"Tumutukso? Sino kaya yun?" inosenteng tanong niya

Umirap naman ako at tumingin sa kaniya. Nakatingin din siya sakin pero nakangiti.

"Oo nga noh? Sino kaya yung taong nanunukso sakin na hindi na daw niya ako mahal kung hindi ako uuwi dahil the next 3 days mawawala siya kaya mamimiss niya ako?" sabi ko

Nagkibit balikat lang siya. Ughhh...tumayo ako at dumiretsyo sa CR. Nakakainis! Umuwi nga ako para sa kaniya tapos ngayon ganito siya?

The next 3 days kasi, pupunta siya sa US. May aasikasuhin siya dun na mga papeles para sa casino namin. Mamimiss ko na naman siya.

One Shots - CamBio 💕🖤Where stories live. Discover now