One Shot - Family

554 14 1
                                    

Another day. Another day of love and happiness. Nandito ako ngayon sa backyard namin. Watching my son enjoying the heat of the sun.

Who would have thought na dadating ang araw na magkakaroon na ako ng isang tunay na pamilya?

Akala ko hanggang partnership lang kami? It turns out hindi pala.

"Huy! Love! Kinakausap ka eh" sabi ng magandang dalaga na nasa tabi ko ngayon.

"Ha? I'm sorry, may iniisip lang" sabi ko

"At sino na naman ang iniisip mo?" nakakunot noong tanong niya

"Wala lang po" sabi ko at yumakap sa kaniya

"Baka may iba ka na? Hindi mo na ako love?" naka pout na sabi niya

Naku. Naku. Nanglalambing yung love ko

"Syempre love na love kita. Ikaw love mo ba ako?" tanong ko

Hinalikan niya ako sa noo at ngumiti.

"Love na love. I love you love ko" sabi niya

Hinalikan ko siya. Smack lang.

"I love you too love ko" sabi ko.

Pinatong niya ang ulo niya sa balikat ko. I intertwined our hands.

"Seryoso. Ano yung iniisip mo kanina?" tanong niya

"I just thought that this was my dream. At ngayon. Natupad na. Ang swerte ko sayo Camila" sabi ko

"Fabio, ako ang swerte sayo. Hindi mo ako sinukuan. Kahit dati, binabalewala lang kita pero hindi mo ako sinukuan" sabi niya

"Hinding hindi kita susukuan. Para sa anak natin, si Emma, hindi ko inakalang mabubuo talaga tayo" sabi ko

"Ano ang ibig mong sabihin?" tanong niya

"Akala ko, hanggang partnership lang tayo, dahil dun sa alam mo na..."

Pinisil niya yung ilong ko.

"Nako nako yung love ko nagseselos na naman. Wag mo na siyang isipin, may pamilya na yun, at may pamilya na din ako" sabi niya

Ngumiti lang ako

"Nagulat nga ako eh, isang araw, mahal mo na rin ako" sabi ko

"Love ko, mahal na mahal kita, hinding hindi ako magsasawang sabihin yan" sabi niya

Niyakap ko siya. Sana ganito nalang palagi.

"Ay sus, yung mga magulang ko naglalambingan na naman" sabi ng isang boses sa likod namin

Napatingin kami ni Camila.

"Anak. San kayo galing?" tanong ko

"Naglakad lakad lang po Tito" sagot ni Elias

"At bakit hindi ko alam yan?" tanong ko

"Love, nagpaalam naman sila sakin eh. Pabayaan mo na yan" sabi ni Camila

"Wow, look who's talking, baka nakalimutan mo na dati, ikaw nga yung tumututol sa relasyon nilang dalawa" sabi ko

"Dati yun, nung hindi pa naging tayo, bitter ko pa kasi nun, pero ngayon di na, kasi nandito ka na" sabi niya

Ayun. Kinikilig na naman ako.

"Luh...si papa kinikilig hahahaha" pang aasar ni Emma

"Kilig na kilig Tito?" tanong ni Elias

"Eto kasing love ko nagpapakilig" sabi ko

Napatingin ako kay Camila. Pulang pula hahahaha

"I wish our relationship will be like yours" sabi ni Emma

"Kaya niyo yan. Basta tiwala lang at respeto sa isa't isa" sabi ko

"Nasaan pala si Emman pa?" tanong ni Emma

Oo nga, nasaan na yun.

"Emman! Anak dito ka muna!" tawag ni Camila sa bunso namin

Tumakbo naman si Emman papunta sa amin.

"Bakit po ma?" sabi niya habang hinihingal

"Naku naku kang bata ka ang dumi mo na" reklamo ni Camila

"Lika ka nga dito" sabi ko

Binuhat ko siya at kiniliti.

"Papa! Ibaba mo ako!" sigaw niya

"Hahahaha, maligo ka na nga ang baho mo na" sabi ko

"Lika na baby, kami ang bahala sayo" sabi ni Emma

"Ate!!!" sabi ni Emman

Pumunta siya kay Emma at yumakap. Close talaga yung dalawang to.

"Hi din po Kuya Elias" sabi niya

"Hii Emman, tara na, ligo na tayo? Unahan papunta sa loob?" paghahamon ni Elias

"Oy oy oy sama ako" sabi ni Emma

"One, Two, Three" pagbilang ni Elias

Nagracing yung tatlo. Na unang pumasok si Elias.

Hay...wala na akong hihilingin pa

"Sunod na din tayo" sabi ni Camila

Tatayo na sana siya pero pinigilan ko siya.

"Dito muna tayo, love time muna" sabi ko

Ngumiti siya. Ang ganda talaga niya eh.

"Naglalambing ka ba?" sabi niya

"Obvious ba?" sabi ko

Nagyakapan lang kami. Ang lakas ng hangin. Ang swerte swerte ko talaga ko talaga.

"Love" sabi ko

"Hmm...?" sabi niya

"Sundan na kaya natin si Emman?" pabirong sabi ko

Alam ko naman na ayaw niya. Gusto niya lang ng dalawang anak.

Tinulak lang niya ako.

"Baliw! Sapat na si Emma at Emman, bakit gusto mo ba?" tanong niya

"Ikaw, gusto mo ba?" malolokong sabi ko

"Bahala ka dyan" sabi niya at umirap

"Di, wala na akong hihilingin pa, ikaw, si Emma at Emman ay sapat na, I love you" sambit ko

"Love you too" sagot niya

Hinding hindi ko hahayaan na mayroong sisira sa PAMILYA NAMIN. Mahal na mahal ko sila.

One Shots - CamBio 💕🖤Where stories live. Discover now