One Shot - Saved Her

370 10 0
                                    

𝙵𝚊𝚋𝚒𝚘

"Fabio! Fabio nawawala si Emma!" sigaw ni Camila

"Ano? Paano nangyari yun? May mga guards naman ah" sabi ko

"I don't know! Ughhh...yung batang yun kasi eh" nagaalalang sabi ni Camila

Kanina pa siyang pabalik balik na umupo tas tumayo ulit. Nahihilo na nga ako eh.

"Camila, please umupo ka na, ako ang nahihilo sa ginagawa mo eh" sabi ko

"Paano ako kakalma? Nawawala si Emma! Anong gagawin ko?" sabi niya

Biglang tumunog yung phone niya. Tiningnan ko kung sino yung tumatawag.

Unknown number? Nagdadalawang isip si Camila kung sasagutin ba niya ito o hindi.






Hello?

Hinahanap mo ba si Emma?


Nasaan si Emma? Anong ginawa mo kay Emma?

Relax, wala naman akong gagawin kay Emma, ay meron pala, may regalo ako para sa kanya, bomba, na nasa harap niya mismo


Wag na wag mong saktan si Emma! Nasaan siya

Hmm...In 10 minutes, sasabog ang bomba, puntahan mo siya dito sa abandoned church
the time is ticking

Subukan mong saktan si Emma, papatayin kita!

But wait, there's more, si Luna, may bomba din sa harap niya, pero nandun siya sa abandoned building, sabay sasabog ang bomba, tingnan natin kung sino ang ililigtas mo, si Emma o si Vida Hahahahaha Tik Tok Tik Tok







Yan ang narinig ko sa usapan nila. Umiiyak na ngayon si Camila.

"Fabio, kailangan natin silang iligtas parehas" naiiyak na sabi ni Camila

Pinunasan ko ang mga luha niya.

"Maliligtas natin sila ok? Patulong tayo sa police" sabi ko

Tumango lang siya. Nagmamadali kaming pumunta sa police station para ireport kay Chief Dela Cuesta ang mangyayari

"Chief si Emma at si Luna nawawala! May dalawang bomba na sasabog! Kailangan nating ilagtas ang dalawa" sabi ni Camila

"Alam po namin kung nasaan sila pero magkaiba ng lugar, sa kapilya si Emma sa building si Luna" sabi ko

"Sige, ipapahanap ko silang dalawa" sabi ni chief

"Fabio, tara, puntahan natin si Emma" sabi ni Camila

"Tutulong ako" sabi ng lalaki na nasa likod namin

Lumingon ako. Nanggigil ako. Sino pa naman? Eh yung epal na Vito na yan.

"Vito, dun ka kay Luna, dapat ligtas silang pareha" sabi ni Camila

Kita ko namang hinawakan ni Vito ang kamay ni Camila. Dahilan para mas mainis ako.

"Maliligtas natin silang dalawa ok? Tiwala lang" sabi niya

Tumango naman si Camila. We went our seperate ways. Kami ni Camila sa kapilya, si Vito at mga pulis sa building.

Nagmamadali akong magdrive dahil nagaalala na din ako. Pero hindi ako kumibo. Nagseselos parin ako. I know na wrong timing ito kaya tumahimik nalang ako.










...
Camila

Habang papunta dun, napansin ko na ang tahimik ni Fabio. Baka nagaalala na din siya. Ayokong mawala si Emma. Ayokong mawala siya sa buhay namin.

Pero ang tahimik lang talaga ni Fabio eh. Hindi ako sanay. Mamaya ko na 'to kakausapin, ang importante, si Emma

Pagdating namin dun, diretsyo kong binuksan ang pintuan at hinanap si Emma. Nakita ko siya dun, nakatali sa isang upuan at may bomba sa harapan niya.

"Camila!!! Camila tulungan mo ako!" sigaw ni Emma

Lumapit ako sa kaniya at tinanggal ang tali sa kanyang kamay at paa.

Nakita ko ang bomba, 2 minutes nalang. My gahd...

Nakita kong pumasok si Fabio.

"Fabio! Fabio yung bomba!" sabi ko

Lumapit siya sa bomba at dinefuse ito. Mabuti nalang at marunong si Fabio na magdefuse ng bomba.

Hindi na sumabog yung bomba at nakawala na si Emma. Umupo muna kami dun sa gilid at pinahinga si Emma.

"Emma, anong nangyari? Sino ang may gawa sayo nito?" sunod sunod na tanong ni Fabio

"S-si Ms. A-alic-e p-po" nanghihina na sagot niya

"Ano? Bakit? Paano?" gulat na tanong ko

"Sumama ako sa kaniya, pero bigla niya akong dinakip, nagising lang ako at nandito na ako" sabi niya

Niyakap ko lang siya. Humanda lang ang Alice na yun. Narinig namin ang tunog ng police. Pumasok sina Chief Dela Cuesta, Vito at Luna sa loob.

"Hindi sumabog ang bomba ni Luna" sabi ni Chief

"Emma, kamusta ka?" tanong ni Vito

"O-ok lang po" sabi ni Emma

"Chief, puntahan niyo kaagad si Alice, siya ang may pakana ng lahat ng ito" sabi ko

"Masusunod Ms. Dela Torre" sagot ni chief at umalis

Lumapit samin si Vito at kinausap si Emma. Sumali naman si Luna sa usapan nila. Umalis ako saglit mula sa kanila at hinanap si Fabio.

San na ba kasi yun? Dun, nakita ko siya sa gilid, nakaupo. Tinabihan ko siya.

"Ano pong problema?" tanong ko

"Wala" sabi niya

Hinawakan ko ang kamay niya.

"Fabio, ano nga? Sabihin mo na" pagpipilit ko

"Hay...wala lang, ang epal lang kasi ng Vito na yun eh" sabi niya

Ngumiti lang ako. Ay sus. Napakaseloso ng my loves ko (ay char si Alice nga pala to at si Luciano sori hahaha)

Hinawakan ko ang dalawang pisngi niya at pinaharap sakin.

"Ikaw ang mahalaga sakin ngayon, ikaw ang ngayon ko, si Vito? Wala na siya sa buhay ko, nakaraan ko na siya, kayo at si Emma lang ang pamilya ko ok? Kaya wag ka nang magselos" sabi ko

Hinawakan niya ang kamay ko at tumango.

"Di bagay sayo" pang aasar ko

Binatukan niya lang ako

"Sira!" sabi niya

"Aray! Mapanakit ka ah, ang sakit nun" reklamo ko

"Sakit ba baby? Lika nga kiss ko nga" sabi niya

"Dito oh" sabi ko sabay turo sa pisngi ko

"Dyan, o sige dali" sabi niya

Lumapit siya sakin para halikan ang pisngi ko pero bago paman dumikit ang labi niya sa pinsgi ko lumingon ako sa kaniya. Dahilan para maglapat ang mga labi namin.

Bumitaw siya sa halik at namumula. Hahaha. Naisahan ko din siya. Sumandal lang ako sa dibdib niya.

"Promise me na hindi ka na magseselos" sabi ko

Naramdaman ko naman na humalik siya sa noo ko

"I promise" sabi niya

Tiningnan ko lang sila Emma...tumatawa na siya kasama ni Luna. At least bati na silang dalawa. Another day. Another day that he saved her. Lagi nalang niya nililigtas si Emma. At dahil dun, utang ko ang buhay ko kay Fabio.










Di ko na upload kahapon 🤷‍♀️🤦‍♀️

One Shots - CamBio 💕🖤Where stories live. Discover now