One Shot - Dream (Part 2)

327 10 1
                                    

"Camila’s P.O.V”

“Panaginip?” takang tanong ko

“Paulit ulit po?” sabi niya

Hinawakan ko nalang ang ulo ko

“Sabihin mo sa kaniya na mag-aayos lang ako at papunta na rin ako” sabi ko

Tumango naman siya. Nakita ko naman na lumabas na siya ng kwarto. Hinawakan ko ulit ang ulo ko. Bakit ko ba siya pinapaniginipan?

Tumingin ako sa bed side table ko. Ngumiti ako. Family picture namin. Ako, si Fabio at si Emma.

It’s been 2 years. 2 years mula nung umalis siya sa bahay na ito. Kasalanan ko naman kasi. Inaway ko siya, hindi kami nagkabati, kaya ayun, umalis.

Sinisisi nga ako ni Emma kung  bakit umalis ang papa niya eh. Ako din, sinisisi ko na din ang sarili ko.

I badly miss him. I miss his hugs and kisses.

Tumayo ako at nagtoothbrush, naligo, nagbihis at nagayos. Nandito na naman si Vito. Ilang araw ko nang sinasabi sa kaniya na tantanan na ako pero ang tigas parin ng ulo niya.

Pagkatapos kong magayos, lumabas na ako. nakita kong nakaupo si Vito sa sala. Bumuntong hininga nalang ako.

“Vito! Anong ginagawa mo dito?” tanong ko

“Binibisita ka, tara, kain tayo, may dala akong pagkain, gusto ko ding bisitahin si Emma” sabi niya

Binigay niya sakin ang dala niyang pagkain. Binigay ko din ito sa maid namin.

“Emma, may pagkain na dito, kumain ka na, punta ka dito, gusto kang makausap ng daddy mo” sigaw ko para marinig ako ni Emma

“I’m not hungry! And I don’t want to talk to Sir Vito” sigaw niya pabalik

Hindi ko na siya inabala pa. Alam kong galit siya sakin. At alam ko din na ayaw niya kay Vito. Until now, hindi pa niya ako pinapatawad.

“Halika na” pagaya ko kay Vito

“Hindi mo siya pipilitin? I want to talk to her” tanong niya

Umiling ako. Hindi na siya nagsalita pa dahil alam na niya kung bakit.
Kumain na kami ng breakfast. Wala kaming kibuan. Wala ako sa mood na kausapin siya dahil sa panaginip ko kanina.

“Uhmm...Vito, thank you dito, pagkatapos nito, pwede ka nang umalis” sabi ko

“Bakit??? May lakad ka ba? Gusto mo bang samahan kita?” tanong niya

“Kasi ayokong makita ang pagmumukha mo. Please, umalis ka na” prangkang sabi ko

“Camila, when will you give me a chance?” sabi niya

Hindi ko masagot ang tanong niya.

“It’s still him, isn’t it?” tanong niya

Unti-unti akong tumango. Bumuntong hininga siya.

“Bakit hanggang ngayon siya parin??? Ha? Camila, let’s face it, 2 years na siyang umalis, 2 years ka na niyang iniwan at hindi na siya babalik! Hindi ka na niya mahal! Bakit hindi mo ako makita? Ako ang nandito, siya ang nawala, siya ang nangiwan!” sabi niya

“I’m sorry Vito pero mahal ko parin siya. Hinding hindi mo siya kayang palitan. Kasi to be honest, mas mahal niya ako. Mas mabait. Mas gwapo. Mas maalaga. Mahal niya si Emma. At siya ang pinakamamahal ko kaya wag mo siyang pagsalitaan ng kung ano-ano dahil hindi mo siya kayang pantayan!” sigaw ko

Napahinto siya. Nagulat siya sa sinabi ko.

“Now please, leave” sabi ko

“Camila”

“LEAVE! AT WAG NA WAG KA NANG BUMALIK” sigaw ko ulit sa kaniya

Wala na siyang choice kaya umalis na siya. Naiwan ako dito magisa. Sana makinig na yun sakin. Sana hindi na siya babalik dito.

Pumunta naman ako sa kwarto ko dahil may lakad pala ako ngayon. Bibisita ako sa casino. Nagbihis na ako at lumabas ulit.
Paglabas ko, nakita ko si Emma.

“Emma, aalis muna ako, pupunta ako sa casino, kumain ka na din” sabi ko

Tumango lang siya. For 2 years, halos wala kaming kibuan dito sa bahay. May gap sa aming dalawa.

Bumaba naman ako at sinabihan ang driver ko na ihanda ang sasakyan. May kumatok naman sa pinto.

Si Elias.

“Uh...Tita, pupuntahan ko lang si Emma” paalam niya

“Ok, wala naman ako dito eh, alagaan mo siya Elias” bilin ko

“I will po” sagot niya

Umalis na ako at sumakay sa sasakyan.

“Kuya, sa casino” sabi ko

Tumango naman ang driver. Sumandal lang ako sa upuan ko. Umidlip ako saglit. Pero pagipipikit ko ang mga mata ko, siya parin ang nakikita ko.

“Mam, nandito na tayo” sabi ng driver

Lumabas na ako at pumunta sa loob. Bumabati sakin ang mga employees ko. Dumiretsyo ako sa mini bar ng casino at humingi ng drink.

“Kamusta naman dito?” tanong ko kay Ponce

“Ok lang po Mam, nothing to worry” sabi niya

Tumango lang ako. Umiinom lang ako dito nag may pumasok sa casino. Tiningnan ko kung sino. Nagulat ako. Binaba ko ang baso.

He’s back. He’s here. Nandito siya. Yung taong pinakamamahal ko. Si Fabio. Bakit parang mas gumwapo siya?

“Si sir Fabio ba yan?” tanong ni Ponce

“Uhuh...” sabi ko

Naisipan kong lumapit sa kaniya. Hindi ko inaasahan na makikita niya ako. Ngumiti siya. Lumakad din siya palapit sakin.

Sobrang kabado ko ngayon, ano kaya ang sasabihin ko? Sorry? Hi? Ughh...bahala na ang tadhana.

Huminto kaming dalawa. Ang lapit lapit namin sa isa’t isa. Ang bango niya.

“Hi” panimula ko

“Hey” sabi niya

“Kamusta?” tanong ko

“Ok naman, ikaw?” tanong niya pabalik

“Ok din” sabi ko

“May gagawin ka ba?” sabi niya

“Huh? Wala naman, bakit?” sabi ko

Nilahad niya ang kamay niya.

“Tara, sama ka sakin” sabi niya

“San tayo pupunta?” tanong ko

“Bastaaa” sabi niya

Hinawakan ko ang kamay niya. Ang lambot. Hinila niya ako palabas. Ano bang trip nito? San ba niya ako dadalhin?

“Uyyy...san tayo pupunta?” tanong ko ulit
“Malapit na tayo” sabi niya

Naglakad lakad pa kami hanggang huminto siya. Tumingin ako sa paligid. Ngumiti ako. Dito kami unang nagdate. Nagpicnic kami nun. Ayoko sanang lumabas nun pero pinilit niya ako

“I missed you” sabi niya

Tumingin ako sa kaniya. Nakatingin siya sakin ngayon.

“Sorry, sorry kung umalis ako ng walang pasabi. Sorry, nawala ako for 2 years” saad niya

“Fabio, ako dapat ang mag sorry sayo. Sorry kung inaway kita nung araw na yun, dahilan para masaktan ka. Hindi ko sinasadya” sabi ko

Niyakap niya ako. Yumakap ako pabalik. Hindi ko namalayan na tumutulo na pala ang luha ko. Bumitaw siya sa yakap at pinunasan ang mga luha ko.

“Wag ka nang umiyak, nandito na ako oh, and I promise you, hinding hindi na kita iiwan” sabi niya

“Promise?” sabi ko

Hinalikan niya ako sa noo.

“I promise” sabi niya

Nagkatitigan muna kami bago ngumiti. Hinalikan niya ako sa ilong dahilan para mamula ako dahil sa kilig.

“I love you” sabi niya bago hinalikan ako sa labi

“I love you too” sabi ko

Napag-isipan naming bumalik sa bahay para malaman ni Emma na nakabalik na si Fabio

“Namiss ko na anak natin, kamusta na siya?” tanong niya

Napangiti naman ako nung sinabi niya ang “anak natin”. Kahit hindi niya totoong anak si Emma, mahal na mahal parin niya.

“Ok lang, ayun, galit parin sakin, laging binibisita ni Vito, pero wag kang magalala, hindi na yun babalik dun, nagawa ko na ng paraan” sabi ko

Ngumiti lang siya. Maya- maya ay nakarating na kami sa bahay. Umuna akong bumaba. Sumunod naman si Fabio. Pumasok naman kami sa bahay.

“Emma! I’m back. Bumaba ka dito, may surprise ako para sayo” sigaw ko

“I’m too old for surprises Camila, never mind” narinig kong sabi niya

“Sige na, mabilis lang ‘to” sigaw ko ulit

Narinig ko naman ang pagbukas ng pinto. Tiningnan niya ako galing sa taas. Nagulat siya. Parang hindi siya makakapaniwala.

“Papa?” tanong niya

“Kamusta anak?” sabi ni Fabio

Binilisan naman ni Emma ang pagbaba niya dito at yinakap niya kaagad si Fabio.

“I missed you Papa” sabi ni Emma

“Miss na din kita anak” sagot ni Fabio

Ngumiti ako. Ang saya saya ko ngayon. It’s been 2 years, at ngayon, we’re complete.

“If this is a dream, I don’t want to wake up” sabi ko

Tumingin naman si Fabio sakin.

“Come here” sabi niya

Lumapit ako sa kanila at nagyakapan kami. I wish these moments would forever. Hindi ko kayang mawala sila sakin. ♥























SORRY SA MGA TYPOS

MY LOVES

HAHAHAHA

BUKAS KO NA 'TO

IPOPOST SA TWITTER

LUV YU ALL

DOWN TO THE LAST 2 NIGHTS 😭

THE KILLER FINALE NA BUKAS

THE KILLER STORY DIN BA? 🤔

One Shots - CamBio 💕🖤Where stories live. Discover now