One Shot - Anniversary (Pt.2)

287 10 0
                                    

Camila

Matapos ko sorpresahin si Fabio at makita ko na nagustuhan niya. Napakasaya ng araw na to. Naka upo kami at mag kahawak ang aming mga kamay.

"Camila, wag mo na ako ulit pag aalalahin ha? Talaga ka kunchaba mo pa si Emma ah." Nag pout siya.

"Wag kana mag pout ang cute mo eh. Sorry na po. Dina ma uulit hihi" sabi ko.

Pinasok na yung pagkain namin at nag simula na kami kumain.

"I love you" sabi ko.

Ngumiti naman siya "I love you too" sabay flying kiss niya.

Kumain nalang kami habang may music na tumutugtog. Nang matapos na kami kumain.

"May isa pa akong regalo sayo" I smiled.

"Ano nanaman yan? Sumosobra kana sa pag papa kilig mo ah." Sabi naman niya.

Tumayo siya at hinawakan kamay ko.

"Can we dance muna? The song is too romantic to waste." Syempre ako kinilig.

Tumayo ako at pinalupot sa leeg niya ang mga braso ko. Ang mga kamay naman niya ay nasa bewang ko.

Sumayaw lang kami, lumapit pako at sinandal ang ulo ko sa dibdib niya at patuloy na nag sayaw.

"Fabio may sasabihin ako" sabi ko habang nag sasayaw.

"Ano yun Camila?" Seryosong tanong niya.

Lumapit ako sa tenga niya at sinabi ko na

"Magkakababy na uli tayo"

Masaya ako at nasabi kona sakaniya.












Fabio

Totoo ba to? Mag kaka baby na kami ni Camila? Natulala ako for a while.

"Dika ba happy?" Tanong ni Camila habang naka pout.

Aba nag pa cute pa eh. Nang mag sink in na talaga sakin.

"Sobrang saya ko Camila!" Niyakap ko siya ng mahigpit. This is the best gift ever!

"Eto pa yung isa kong regalo sayo" nag smile si Camila. Ang saya saya sa pakiramdam.

Magiging ate na si Emma. Hinalikan ko si Camila sa noo

"oh doble ingat ka Camila ah" sabi ko sakaniya.

Diko ma explain kung gano ako kasaya ngayon.

"Opo, masususnod po" yumakap din si Camila sakin.

"Dipa ba tayo uuwi? Si Emma baka nag hihintay yon at para makapag pahinga kana din." Sabi ko.

"Hi baby si Papa to oh" sinabi ko sa tiyan ni Camila at hinimas to.

Natawa naman si Camila.

"Dika pa maririnig niyan. Osige uwi na tayo, late na rin eh."

"Naririnig nako niyan ni baby hahaha. Osige tara na" bumaba na kami ng building at pumunta sa parking lot.

Inalalayan ko si Camila sa pag pasok sa kotse. Nakita ko yung gift ko sa likod ng kotse,kinuha ko muna.

"Oh eto naman ang regalo ko for you" I smiled widely habang inabot ang isang small box.






Camila

Anong jewelry naman kaya to. Pagopen ko necklace pala. Ang ganda, I smiled at him.

"Thank you hubby." Niyakap ko siya.

"Ang ganda nito" sabi ko

"Pero mas maganda ka" niyakap din niya ako.

"Akin na ako mag suot sayo."

Heart yung pendant tapos na oopen and may picture si Emma at kaming dalawa. Lalo ako natuwa nung nakita ko yun.

Nilagay naman niya sakin.

"Bagay ba? Hahaha" tanong ko

"Bakit ano bang di bagay sayo? Ako nga bagay sayo yan pa kaya? Hahahaha" sabi niya.

"Aba! Daming baon ah hahah"

I love him so much. Diko kaya mawala sila ni Emma sa buhay ko. So ayun umuwi na kami.

Pagdating sa bahay nandun na si Emma, may kasama siya. Si Elias pala

Nung sinalubong niya kami

" Mama! Papa! Did you enjoy?" Sabay yumakap samin.

"Yes we did, thank you" sabi ko at humalik sa noo niya.

"Ay wala yun ma, basta para sainyo ni papa" nag wink naman siya. Ang cute talaga netong bata na to.

"May sasabihin pala kami Emma." Seryosong sabi ni Fabio.

"Ano po yun pa? May sasabihin din po ako" sabi ni Emma

"Pagaralan mona mag alaga ng bata Emma." Sabi ni Fabio kay Emma

"Why papa? Mag kaka baby na tayooo??????" Halatang excited tong isa na to eh.

Nag smile lang ako at tumango.

"Yes Emma magiging ate kana"

Niyakap niya uli kami ng mahigpit

"OMG! I really need to know how to take care of our baby. I'm so excited!!! May tatawag na sakin ng atee!" She can't hide kung gano siya ka excited.

"Congrats po Tito and Tita" sabi ni Elias.

"Salamat, Elias" sabi ko.

"Uhm, ako po yung may sasabihin sainyo." Sabi niya uli

"Ano naman yun?" Sabi ni Fabio.

"Gusto ko pong pormal na magpaalam kung pwede ho bang ligawan ang panganay niyo?" Nakita naman namin na kinikilig tong si Emma sa gilid. Kaya pala may flowers

"Eto nga po pala bulaklak din para sainyo" binigyan ako ng bulaklak ni Elias.

"Paborito ko tong bulaklak na to Elias, salamat uli" sabi ko.

Binulungan ko si Fabio

"Papayagan naman natin si Emma no?"

"Pero kailangan muna rin natin kilalanin tong si Elias" bulong din niya.

Etong si Emma siguradong kinakabahan at alam ko naman na gusto din niya si Elias.

"Ako, payag ako sige. Pero Elias, eto tandaan mo ah, wag na wag mo sasaktan si Emma. Please lang wag Elias. Love her fully." Sabi ko kay Elias at niyakap ko siya.

Natuwa naman si Elias," Thank you po tita"

"Ako pag isipan ko muna" sabi ni Fabio.

"Papa naman eh!" Sabi ni Emma.

"Ayieee, gusto mo din si Elias eh hahaha. Osige na nga. Basta Elias alam mo na ah." Sabi naman ni Fabio.

"Thank you po ng sobra tito at tita,diko po sasayangin ang pagkakataon at ang tiwala na binigay niyo sakin. Diko ho sasaktan si Emma, pangako ko po yan" sabi ni Elias

Si Emma na nangangamatis ang mga pisngi sa kilig.

Inakbayan ako ni Fabio at tinignan kung pano mag ngitian ang dalawa.

"Uy yung isa kinikilig" pang aasar ni Fabio.

Asaran lang talaga bonding namin at ngayon may dalawang na dagdag sa aming pamilya. Nakakataba ng puso na makita ang mga minamahal ko ay masaya

One Shots - CamBio 💕🖤Where stories live. Discover now