One Shot - Emma

397 12 0
                                    

𝓕 𝓪𝓫𝓲𝓸 𝓢 𝓮𝓻𝓻𝓪𝓷𝓸

"Pa? San na kayo? Malapit ng magsimula ang party" tanong ni Emma

"Eto na, papunta na, si Camila kasi ang tagal" reklamo ko

Tumingin lang siya sakin ng masama.

"Ok,ok, I know Elias will understand, sige na" sabi niya

Binaba ko yung tawag at kinuha ang bag ko. Ganun din namam ang ginawa niya. Bago pa man kami lumabas, umimik muna siya.

"Wow Fabio, ako matagal? Sigurado ka ba?" nakataas pa yung kilay niya habang sinasabi niya ito

"Oh sino pa ba ang nagpapaganda? 1 hour ka na dun sa kwarto mo kakamake up. Ba't di mo nalang tanggapin na maganda ka na? Di mo kailangan mag make up, kaya nga nahulog ako sayo eh" sabi ko

Umirap lang siya. Umuna siyang sumakay sa front seat at sumunod nalang ako. Eto na naman kami. Lagi nalang nagaaway. Ok lang naman, sanay na ako.

Nang naka alis na kami sa bahay, tahimik lang siya sa gilid. Nag cellphone lang siya. Sigurado akong ka text niya yung Vito na yun.

Pagdating namin sa party, madami ng tao doon. Parang kami nalang ang hinihintay. Sinalubong kami ni Emma at Elias.

"Happy Birthday Elias" bati ko

"Salamat po Tito" sabi niya

"Pasensiya ka na ha, si Camila kasi eh ang tagal, nagpapaganda kahit alam naman natin na wala na siyang pagasa gumanda hahaha" pangaasar ko

Tumawa lang kaming lahat maliban kay Camila.

"Si Tito talaga oh, ok lang yun, tingnan mo si Tita oh, galit na sayo" saad niya

Tumingin ako sa kaniya at ngumiti. Alam kong kumukulo na ang dugo niya dahil sakin.

"Joke lang yun, maganda ka yung mahal ko, di na kailangan ng make up"

Umiling lang si Emma. Hinila niya ako sa gilid at naiwan naman si Elias at Camila dun.

"Pa, alam mo namang galit si Mama sayo eh" sabi niya

"Alam ko naman yun, gusto ko lang siyang asarin, alam mo namang ang hirap suyuin nun" sabi ko

"Tulungan mo ako anak please" dagdag ko

Tumingin lang siya sa akin at tila nagiisip kung paano. Kailangan ko ang tulong niya para magbati na kami ni Camila. May nagawa kasi akong kasalanan sa kaniya eh.

So ganito yun, umalis ako ng bahay para makipagmeet ng isang childhood friend. Sabi kasi niya na may sasabihin siyang importante. Kaso nakalimutan ko kasing magpaalam sa kaniya kaya ayun, nagalit.

"Alam ko na!" natauhan ako nung sumigaw si Emma

"Ano yun?" nakakunot noong tanong ko

Nagsmirk lang siya at umalis. Ano na naman kaya ang plano ng anak ko?


...

𝒞𝒶𝓂𝒾𝓁𝒶 𝒹ℯ𝓁𝒶 𝒯ℴ𝓇𝓇ℯ

"Uhmm...Tita dun muna ako ha, sasalubungin ko muna si Ninong Vito" sabi ni Elias

"Sige" sabi ko habang ngumingiti

Mabait na bata si Elias kaya boto ako sa kaniya para kay Emma. Umupo lang ako sa gilid at nagorder ng drinks. Nilibot ko ang paningin ko.

Nasaan na ba si Emma at Fabio?

Speaking of Fabio, nagtatampo ako dun. Akalain mo, di nagpaalam sakin. Bahala siya don.

One Shots - CamBio 💕🖤Where stories live. Discover now