Special Chapter (Camila's letter to Fabio)

209 5 2
                                    

"Camila's P.O.V"

08.29.20

Naalala ko pa ang unang araw tayong nagkita

Ikaw si Fabio Serrano at ako naman si Camila

Hindi pa kita binigyan ng pansin nung una

Ikaw na pala ang babago sa buhay ko, magsimula sa umpisa

Binago mo ang buhay ko Fabio

Binigyan mo ako ng pagkakataong ayusin ang mundo ko

Tinuruan mo akong maging matapang, malakas

Sinabi mo na hindi dapat ako mahina, dapat marahas

Biglang dumating si Emma

Ang naging ilaw nating dalawa

Ngumiti ako nung tinawag ka niyang papa

Alam ko mula noon bumuo na tayo ng pamilya

Patawad kung nagsinungaling ako sayo

Sinama ko si Emma sa Las Espadas para maghanap ng sagot sa mga tanong ko

Alam kong malalaman mo kaya nangamba ako

Sigurado akong magagalit ka sa ginawa ko

Hindi ko inaasahan na tutulong ka

Pero hindi para sa akin kundi para kay Emma

Tinulungan mo akong maghanap ng ebidensiya

Sa kung sino man ang may dahilan sa aking pagdusa

Dumating ang araw kung saan nagalit ako

Dahilan sa paglapit ng ating mga mukha sa pulang sofa

Unti unting nagdikit ang ating mga labi

Pero napagtanto ko na mali ito

Kaya't naudlot ang ating halik

Nagdaan ang mga araw, hindi ka pa rin huminto

Sa pag tulong sa akin sa paghanap ng totoo

Niligtas mo na naman ako

Hindi mo hinayaang mawala ako sa inyo

Salamat sa pagligtas sa akin

Salamat sa lahat

Sa pagmamahal, pag-asa, pag-alaga, saya at pamilya

Binigyan mo ako ng oras para maramdaman ulit ang tunay na ligaya

Sana malaman mo kung gaano ka kaimportante sa buhay ko

Huli na ba? Pwede pa ba?

Sana alam mo na mahal kita

Hindi ko masabi sa harap mo pero mahal kita Fabio Serrano

Patawad, Pasensiya, Salamat sa lahat

Nagmamahal,

Camila Dela Torre







One Shots - CamBio 💕🖤Where stories live. Discover now