One Shot - First Sight

372 14 2
                                    

"Besh! Tara na, balita ko may gwapo daw dun, yung galing sa ibang section" pagpipilit ng bestfriend ko

"No! For the nth time, no! Alam mo naman na ayaw ko sa mga ganyan diba?" sabi ko

Gusto niya kasi na sumama ako sa paparty ng school namin. Eh ayaw ko naman. I don't like parties. Ang ingay pa. And I don't want boys.

"Sige na, tagal mo nang hindi nagparty, after nung nangyari sa inyo ni--"

"Fine! Sasama ako" pagputol ko sa sabi niya

"Sus, ayaw mo lang banggitin yung pangalan niya eh" sabi niya

"Akala ko nakamove on ka na?" dagdag niya

"Of course" tipid sa kaniya

"Eh bakit parang ang bitter mo parin?" tanong niya

"Ang dami mong tanong, tara na nga, malapit na magsimula" pagiiba ko sa topic

Hindi naman ako bitter. Ayoko lang masaktan ulit. Ayoko nang maiwan. Kaya maingat na ako sa mga lalaki. Lalaking papaasahin ka lang.

It all happened two years ago. I was inlove with this boy in our school. Campus crush siya. First love ko siya.

Vito Dela Cuesta. Yan ang pangalan niya. He got the charms, the intellegence, kindness, everything. Kaya na hulog ako.

Knowing me, THE Camila Dela Torre, ayokong maghabol. Gusto ko, ako yung hinahàbol.

One day, bigla nalang siyang lumapit sakin at nangligaw. Syempre, I said yes. After a few weeks, naging kami. Everyone said we were a perfect couple. Swerte ko raw.

Everything was going smooth until one day. One day, may transferee sa school namin. Tessa. She's also beautiful but of course, I am more.

After a few days, I noticed Vito and Tessa always meet behind the school gym. I decided to follow them one day. Then I overheard their conversation.

Turns out niloloko lang ako ni Vito. Pinagsabay niya lang kami. I broke up with him. That quick. Sobra akong nasaktan nun kaya pinapangako kong ayoko nang magmahal ulit.

Nandito na kami sa party. Ang daming tao. Ang ingay. I forgot what a party looks like. Si Agnes? Ayun sumasayaw na sa gitna. Tsk. The wild party girl.

"Come on Cam! Loosen up!" sabi niya

Umirap lang ako.

"Dun lang ako sa bar, kukuha ako ng drinks" sabi ko

Tumango lang siya. I went directly to the bar.

"Tequila please" sabi ko

Binigyan din ako ng waiter. Hay...why did I agree to this? Ayaw ko naman.

I sighed.

"Ang lalim naman nun" sabi ng katabi ko

Napatingin ako sa kaniya. Sino ba 'to? Tumitig ako sa mukha niya. Ang gwapo niya. Yung mga mata niya na ang sarap titigan. Yung labi niya na parang ang sarap hali---. Ano? Camila! Wake up!

Actually parang familiar siya. Parang taga-ibang section

"I guess you don't like parties" sabi niya

"Yup. I was just forced" sagot ko

"Ok ka lang?" tanong niya

"Of course. Hey, parang kilala kita, you're so familiar, who are you?" tanong ko

He smiled. Mas lalo siyang gumwapo.

"Ms. Dela Torre, hi I'm Fa--"

"Bro! Tara na tawag na tayo dun sa stage" pagsingit ng kasama niya

One Shots - CamBio 💕🖤Where stories live. Discover now