One Shot - Selos

344 10 0
                                    

"Fabio's P.O.V"

"Bakit ka ba nagagalit? Ito yung plano diba, partner?" tanong ko

Bumuntong hininga muna siya bago tumingin sakin.

"Oo" simpleng sabi niya

"Dapat magpasalamat ka nga sakin eh, dahil ginagawa ko ang mga bagay na pinagdadalawang isipan ko" sabi ko

Sasagot pa sana siya ng biglang tumunog yung phone ko. Tiningnan ko kung sino yung tumatawag. Si Doña Antonia. Tumingin muna ako kay Camila. Nakita niya kung sino ang tumatawag at kumunot yung noo niya.

Umiling lang ako at lumabas. Sinagot ko ang tawag ni Mam Antonia.

"Mam Antonia?"

"Yes po"

"Sige po"

"Malapit na po ako dyan"

"Bye po"

Hayyy...back to being Edmundo. Kailangan daw ni Mam Antonia ng ride papunta sa pakad niya kasama ang mga friendships niya.

Sumakay ako sa sasakyan at dumiretsiyo sa bahay ng mga Dela Cuesta. Pagdating ko dun, nakita kong bago pa dumating sina Vito at Tessa

"Sir" bati ko

Tumango lang sila. Pumasok ako sa bahay nila at hinintay si Mam Antonia. Pagkatapos ng ilang minuto, bumaba na siya.

"Edmundo, tara na" sabi niya

Inalayan ko siya palabas at sa front seat ng sasakyan. Sumakay na din ako at nagsimula ng magdrive.

"Edmundo, curious lang ako, may jowa ka na ba?" biglaang tanong ni Antonia

Napaisip ako saglit. Jowa? HAHAHAHA malamang wala. Hindi naman niya ako mahal diba? Kasi nga, ako lang ang nagmamahal.

"Naku Mam, ba't bigla mong tinanong yan?" sabi ko

"Sagutin mo nalang kasi" sabi niya

"Wala po" sagot ko

Kita ko naman na parang gulat siya. Maya-maya ay ngumiti siya. Ano ba 'to? Praning ba 'to?

"Talaga? Sa gwapo mong yan, wala kang jowa?" tanong niya ulit

"Wala po talaga Mam" sabi ko

"Mamatay?" sabi niya

"Edi makiramay" pagbibiro ko

Napuno naman ng tawa ang sasakyan. Ang sarap pala sa pakiramdam pag meron kang kasamang tumawa

"Soooo, walang magagalit kung palagi tayong magkasama?" tanong niya

"Yes Mam" sagot ko

"Good" saad niya

Ilang minuto na ang nagdaan at sa wakas, nakarating na din kami. Tinulungan kong bumaba si Antonia sa sasakyan. Aalis na sana ako kaya lang tinawag niya ako.

"Edmundo, wag ka munang umalis, ipapakilala kita sa mga kaibigan ko" sabi niya

"Naku Mam, wag na po, nakakahiya" pagtanggi ko

"Halika na" pagpipilit niya

"Sige na nga po" sabi ko

Hinila niya ako papasok sa restaurant at pinakilala sa mga kaibigan niya.












"3rd Person's P.O.V"

Nasa loob na si Fabio este Edmundo at si Antonia sa restaurant. Pinakilala ni Antonia si Edmundo sa mga kaibigan niya.

One Shots - CamBio 💕🖤Where stories live. Discover now