One Shot - You Can't Be Gone

343 8 2
                                    

Alice

"Finally, nakuha din kita, sa tingin mo na hahayaan kitang mabuhay? Pwes, hindi" sabi ko

Tiningnan ko lang ang unconcious na katawan ni Fabio. Ano kaya ang pwedeng gamitin para patayin siya?

"Ano kaya My Loves?" tanong ko kay Luciano

"Ito?" tanong ko sabay hawak ng kutsilyo

"Hmmm...magbibihis muna ako, this nurse outfit is not fit for this situation" sabi ko

"Wait for me Fabio hahahaha" sabi ko

Umalis ako at nagbihis. I can't wait to torture him hahaha.






Camila

"Mam Camila, si Sir Fabio nawawala" sabi ng isang guard sakin

Napatigil ako. Ano?!?

"ANO?!? PAANO?" galit na tanong ko

Dumiretsyo ako sa hospital. Tumakbo ako papunta sa kwarto niya. Dun nakita ko sila Chief Dela Cuesta at Vito.

"Nasaan si Fabio? Di pwedeng mawala si Fabio" sabi ko

"Camila, nireport ng guard mo na may nagpanggap na nurse para kunin si Fabio" sabi ni Chief

"Sino? ALAM NIYO NA BA KUNG SINO?" sigaw ko sa kanila

Naramdaman ko naman na hinawakan ni Vito ang balikat ko.

"Camila, calm down, hinahanap pa namin" sabi niya

"Paano ako kakalma Vito? Nawawala si Fabio! Nawawala ang taong mahal ko!" sabi ko

Napabuntong hininga siya. Nagulat naman ako. Nasabi ko ba talaga yun? Yung taong mahal ko? My gahd I'm stressed.

"Chief pwede ko bang makita ang cctv footage?" tanong ko

"Masusu---"

"ANONG NANGYARI? NASAAN SI PAPA?" sigaw ng babaeng nasa likod namin

Napatingin ako. Si Emma. Nagaalala na yung mukha niya.

"Camila, nasan si Papa?" tanong niya

"H-hindi k-ko alam, pero hinahanap na namin" hindi ko talaga alam kung ano ang sasabihin kay Emma

Hinawakan niya yung kamay ko. Nanginginig na siya.

"Camila, you have to find him, kung gusto mo, tutulungan ko kayo, you just have to find him" sabi niya

Tumango lang ako. Tumungo na kami sa cctv footage room ng hospital. Dun nakita namin kung saan patungo ang killer groom na yun.

"Posibleng kasabwat yan ni Aurora at Agnes, yan si Killer Groom" sabi ko

"Tara na, what are we waiting for? Hindi natin alam kung ano na ang nangyayari sa kaniya!" sabi ni Emma

"Let's go" sabi ko

"Dito kayo sakin sumabay" sabi ni Vito

Ayoko sana pero nagmamadali kami kaya no choice, sumama kami. Epal din minsan eh

Pagsakay namin sa sasakyan ay dumiretsyo lang kami sa daan na nakita naming pinuntahan ng killer groom

Napahawak ako sa dibdib ko. Who knows kung ano na ang nangyayari kay Fabio. Di siya pwedeng mawala.

"Camila, mabubuhay pa ba si Papa?" tanong ni Emma

"Of course, palaban ang Papa mo Emma, kaya niya yun, let's hope for the best" pagpagaan ko sa loob niya

"Bilisan mo pa Vito, baka hindi na natin siya maabutan" sabi ko

"Gabi na Camila, hayaan nalang natin si Alejandro maghanap kay Fabio" sabi niya

One Shots - CamBio 💕🖤Where stories live. Discover now