One Shot - The Unexpected

351 10 3
                                    

"Fabio's P.O.V"

"Ano na naman yan papa?" tanong sa akin ni Emma. Napatingin naman ako sa kaniya. "Ah ano lang anak, simple gift para sa mama mo." sagot ko sa tanong niya. Napakunot naman ang noo niya. "Huh? Anong meron? It's not her birthday, it's not a holiday, so what is it for?" tanong niya ulit.

Sinira ko muna ang box kung saan nakalagay ang simpleng regalo ko para kay Camila bago tumingin kay Emma. "This day is something special between us Emma." nakangiting sabi ko sa kaniya. Bumuntong hininga naman siya. "Bakit?" tanong ko sa kaniya.

Lumapit naman siya sa akin. "I still don't get it papa. Whatever you do, hindi ka pa din papansinin ni Camila but here you are, still trying. Hindi ka po ba napapagod? It's clear naman na wala kang pag-asa sa kaniya papa." saad niya. Tiningnan ko naman siya ng masama.

"Alam mo, napakasama mo sa akin. Baka nakalimutan mo na papa mo ako ha? Umalis ka nga dito, umiinit ang ulo ko dahil sayo. Sige na." naiinis na sabi ko. Tumawa naman siya. Hinalikan niya muna ang pisngi ko bago umalis. "Bye papa! Goodluck HAHAHA." sigaw niya galing labas.

Napailing nalang ako. Ang batang yun. Tsk. Napakakulit. Napansin ko naman na bumukas ang pinto sa front door. Ibig sabihin nandito na si Camila. Ibibigay ko na ang regalo ko sa kaniya.

Tinago ko muna ang regalo ko at pumunta sa front door. Napangiti naman ako ng makita kong sinesermonan ni Camila si Emma.

"Saan ka naman pupunta?" nakataas kilay na tanong ni Camila kay Emma. "Uhm, may bibilhin lang po ako sa labas. Promise, it won't take long." sagot ni Emma. Napacross arms naman si Camila. "Emma what did I tell you about leaving this house?" sabi ni Camila.

Napayuko naman si Emma. Lumapit ako kay Camila at inakbayan siya. Alam ko na nagulat siya sa ginawa ko pero bahala na. "Camila, pabayaan mo na ang bata. Nagpaalam na yan sa akin kanina. Payagan mo na." sabi ko sa kaniya.

Tumingin siya sakin bago tinanggal ang kamay ko na nakaakbay sa balikat niya. Ouch. That kinda hurts. "Fine. Be back in an hour Emma." sabi niya. Lumiwanag naman ang mukha ni Emma.

"Really Camila???" tanong ni Emma. "Ayaw mo?" saad ni Camila. Tumingin naman si Emma sa akin. Kumindat ako sa kaniya. "Thank you Camila!" sabi niya kay Camila bago lumabas ng pinto.

"Pabayaan mo na ang bata Camila. Let her live a normal life." sabi ko sa kaniya. "So ano, hindi pa ba 'to normal na buhay Fabio?" tanong niya sa akin. Hay naku. Eto na naman siya. Araw araw nalang galit na galit.

"What I mean is, let her live her teenage life. Yung hindi nakakulong dito sa mansyon." saad ko. Bumuntong hininga siya. "Fine. Whatever." pasukong sabi niya. Maswerte ka Camila, kahit masungit ka, mahal parin kita.

Dumiretsyo naman siya sa taas para magpahinga. Naghahanap pa ako ng timing para ibigay ang regalo ko. Today is our anniversary. Hindi yung parang mag asawa or mag jowa. Anniversary ng unang araw na nagkita kami.

Alam ko naman na ayaw niya ng mga regalo pero hindi ako magsasawang suyuin siya. Magiging akin ka Camila. At the right time. You'll be mine and I'll be yours.

Pupunta na sana ako sa itaas pero may nagdoorbell sa pinto. Bubuksan na sana ito ng katulong namin pero pinigilan ko siya. "Ako nalang ang bubukas." nakangiting saad ko sa kaniya. Tumango lamang siya at umalis.

Pagbukas ko sa pinto, nagulat ako sa nakita ko. "Lei??? Ikaw ba yan???" gulat kong tanong. Ngumiti naman siya sa akin. "The one and only." sabi niya bago kumindat. Yumakap naman ako sa kaniya. "It's been a while ah. Anong ginagawa mo dito sa Manila???" sabi ko pagkalas sa yakap.

"Well, may business sana ako dito pero napagisipan kong dumaan sayo. Free ka ba? Tara? Coffee tayo. Magkwentuhan naman tayo Fabs. Namiss kaya kita." sabi niya sakin. Tumingin muna ako sa may hagdan specifically sa pinto ng kwarto ni Camila.

One Shots - CamBio 💕🖤Where stories live. Discover now