𝒞𝒶𝓂𝒾𝓁𝒶 𝒹ℯ𝓁𝒶 𝒯ℴ𝓇𝓇ℯ
"Camila....Camila...wake up na" paggising sakin ni Emma
I just realized na nakatulog pala ako sa tabi na Fabio. Tulog parin siya ng mahimbing. Kinusot ko ang mga mata ko.
"Tara, kain tayo" saad niya
Tumango lang ako. Umupo ako sa tabi niya. Habang kumakain, magkwentuhan lang kami.
"Uhmm...Camila, alis muna ako, are you sure ok ka lang dito?" tanong niya
"At sino yan?" nakataas kilay kong tanong
"Huh? Wala, may pupuntahan lang ako" sabi niya
Umiiling lang ako. Alam ko namang pupuntahan niya yung Elias na yun.
"O sige na, pasama ka sa bodyguards mo, tsaka magingat ka, baka makita kayo ni Luna" sabi ko
Lumaki lang ang mata niya at namula. Lumabas naman siya. Tumingin naman ako kay Fabio. Lumapit ako sa kaniya at hinawakan ang kamay niya. Di ko na napansin ang mga luha ko.
"Gising na please, I need you" sabi ko
4 months ng nakacoma si Fabio. May bumaril sa kaniya. Hanggang ngayon, wala pa rin kaming makitang lead. Swerte nga daw kasi the bullet didn't penetrate his skull.
"I'm sorry, kung ngayon ko lang napagtanto" panimula ko
"Nasanay ako sa laging pagsuporta mo sakin, nasanay ako na mahal mo ako kaya gagawin mo ang lahat para sakin, kaya ngayon, I want to return the favor" sabi ko
I kissed his hand and held it tight. Then my phone rang. I saw the caller's I.D. Nagdadalawang isip ako but sinagot ko parin.
"Hello? Napatawag ka?" sabi ko
"May nakuha na akong lead kung sino ang killer groom na yun" sabi niya
Bumilis naman ang tibok ng puso ko.
"Ok, Vito, papunta na ako dyan" sabi ko
Tumingin muna ako kay Fabio at hinalikan ang noo niya. Kinuha ko ang bag ko at umalis. Kailangan kongmahanap ang killer groom. Para matapos na to.
...
𝒜𝓁𝓁𝒾𝒸ℯ 𝒹ℯ𝓁𝒶 𝒯ℴ𝓇𝓇ℯ
Nandito ako ngayon sa hospital. It's not like may na ospital samin pero may gagawin ako. Nakasuot ako ng nurse uniform at mask para walang makakilala sakin. May pa vital signs tray pako dito.
Naglakad lakad ako at sa wakas, nakita ko na ang kwarto niya. Pagpasok ko, walang tao. Siya lang. Nakahiga dun. Mabuti nalang at wala si Camila.
Binababa ko ang tray na dala ko sa side table at tinanggal ang mask ko.
Camila took Luciano from me, let me take Fabio from her. Mamaya na si Emma. Next week na.
I was just humming a random song. Lumapit ako sa kanya at tiningnan siya.
"Kawawa ka naman, mahal mo siya pero di ka niya mahal kaya mabuti pang mawala ka na dito sa mundo"
Tatanggalin ko na sana ang life support niya ng may narinig akong gustong pumasok. Dali dali kong sinuot ang mask at nagpanggap na kuhain ang vital signs niya.
"Ma, I just don't get it, kailangan pa ba nating bisitahin ang Edmundo na yan?" reklamo ng isa
Teka, kilala ko ang boses na yun ah. Tiningnan ko sila. Si Tessa at Antonia? Anong ginagawa nila dito?
Hindi lang nila ako pinansin at tuluyang pumasok. And me pretending to be a nurse.
"I just want to Tessa, kawawa naman si Edmundo" sabi ni Antonia
YOU ARE READING
One Shots - CamBio 💕🖤
Fanfictionone shots stories of camila and fabio <3 (completed)