One Shot - In Another Life

295 11 1
                                    

"3rd Person's P.O.V"

"Emma! Nandito na ang Dad mo!" sigaw ni Camila

"But I don't want to go!" sigaw pabalik ni Emma

Bumuntong hininga si Camila at pumunta sa kwarto ni Emma. Pagpasok niya, nakita niya si Emma sa gilid, nagbabasa ng libro.
Umupo siya sa tabi ni Emma

"Emma, your Dad wants to spend this whole day with you. Pagbigyan mo na" sabi ni Camila sa bata

Sinara ni Emma ang libro at tumingin kay Camila.

"But what about Papa? He will be sad if sasama ako kay Dad" sabi ni Emma

"Your Papa is ok with it naman. Siya mismo ang nagsabi sakin" sabi ni Camila

Aalis kasi si Emma kasama si Vito, ang totoo niyang ama. Ngayon lang nalaman ni Emma na ampon siya ni Camila at Fabio. Ngayon niya din nalaman na si Camila ang totoo niyang ina.

"Fine" sabi ng bata

Tumayo silang dalawa at bumaba. Doon, naghihintay si Vito. Pagkita ni Vito sa dalawa ay ngumiti siya.

"Hi Emma, are you ready?" tanong ni Vito

"Yes po, I guess?" sagot ni Emma

"Ikaw na ang bahala sa kaniya Vito" bilin ni Camila

"Yes, iuuwi ko siya before 9" sabi ni Vito

Tumango naman si Camila. Hinawakan ni Vito ang kamay ni Emma at lumabas na silang dalawa. Naiwan si Camila na mag-isa.

"Ano kaya ang magandang gawin? Hmmm" isip ni Camila

Napag-isipan niyang pumunta sa Casino. Gusto niyang makita kung ano na ang nangyayari doon.

Kinuha niya ang bag at susi ng kotse niya at umalis.

Pagdating niya doon, hinanap ng mga mata niya si Fabio.

Pero wala. Wala siya dun.

"Uhmm, nandyan ba Sir Fabio niyo?" tanong ni Camila sa empleyado niya

"Umalis po siya kanina lang po" sagot ng empleyado

Tumango lang si Camila at dumiretsyo sa office niya.

"Ano kaya ang magandang gawin? Hmmm" sabi ni Camila

Napag-isipan niyang ayusin ang desk niya dahil sobrang gulo nito. Habang naglilinis, may nakita siyang isang nakatuping papel na hindi pa niya nabuksan.

Out of curiosity, kinuha niya ang papel at binuksan niya. Kumunot ang noo niya dahil galing ito kay Fabio.

















Pero...

















One year ago?






















Dear Camila,

Alam kong hindi mo gusto yung mga rega-regalo kaya ito nalang. Since the day that I met you, I was blinded by your beauty. Sabi ko, iba ka. Ibang iba ka sa mga babaeng nakilala ko. Hindi ko inaasahan na magiging "partners" pala tayo. Para sayo, partners lang tayo, wala lang. Pero para sa akin, mahal kita. Mahal kita Camila kahit hindi mo ako makita. Mahal kita Camila kahit alam kong hindi mo ako kayang mahalin. Mahal kita kahit may mahal ka pang iba. Mahal kita dahil hindi ka lang mahalaga sakin, ikaw ang mundo ko. Ikaw ang ina ng kinikilala kong anak. Masaya ako na bumuo tayo ng pamilya at nagsama sa isang bubong. Pero, nung dumating si Vito, nagbago ang lahat. Naging distant ka. Pati si Emma. Narealize ko na wala na pala akong silbi sa buhay niyo kaya unti unti na akong lumalayo. Wag kayong magulat kung hindi na ako masyadong nandyan sa bahay. Lulugar nalang ako. Sana tandaan mo palagi Camila, Mahal Kita kahit anong mangyari. Happy Anniversary

One Shots - CamBio 💕🖤Where stories live. Discover now