"3rd Person's P.O.V"
"Aray!" reklamo ng isang batang babae sabay hawak sa ulo niya
"Naku I'm so sorry" paumanhin ng batang lalaki
"Tumingin ka kasi sa dinadaanan mo! Nakabangga ka tuloy" sabi ng babae
"Nagsosorry na nga eh" sabi ng lalaki
"Ako nga pala si Fabio" sabi ng lalaki sabay abot ng kamay niya
Tumingin muna ang babae sa kaniya. Nagdadalawang isip kung kukunin niya ang kamay ng lalaki.
"Camila" sabi ng babae at nakipagshake hands kay Fabio
"Sorry talaga Camila" paumanhin ni Fabio
"Ok lang. Bago ka ba dito sa Las Espadas? Ngayon lang kasi kita nakita eh" sabi ni Camila
"Ah...oo, binisita ko lang ang lola ko. Actually, first time ko dito" sabi ni Fabio
Ngumiti lang ang dalawa. Sa dinami dami ng tao dito sa Las Espadas, ang dalawang 'to pa talaga ang nagtagpo.
Tinuloy nila ang kwentuhan nila. Naging 'instant bestfriends'
"Babalik ka ba dito?" tanong ni Camila
"Hindi ko alam" sabi ni Fabio
"Pwede mo ba akong balikan?" sabi ni Camila
Ngumiti naman si Fabio.
"Bakit? Siguro crush mo ako noh???" pang-aasar ng batang lalaki
Binatukan lang ni Camila si Fabio.
"Ewan ko sayo" sabi ni Camila
"Sige na nga...promise, babalik ako" saad ni Fabio
"Promise?" tanong ni Camila
"Promise" sabi ni Fabio
At nagpinky promise ang dalawa
Pagkatapos nun, sinundo na si Fabio. Nagpaalaman ang dalawa. Habang unti unting umaalis palabas ng Las Espadas ang sasakyan ni Fabio, tahimik na nagdadasal si Camila na sana, babalik siya.
...
Lumipas ang labing limang taon, hindi bumalik si Fabio. Sa loob ng labing limang taon, nagbago ang lahat. Nakalimutan na ni Camila at Fabio ang pangako nila sa isa't isa.
Si Camila ay may Vito, habang si Fabio naman ay may isang malaking mansyon at nagmamay-ari ng casino.
Isang araw, sa buwan ng Pebrero, nakatakda ang kasal nina Camila at Vito. Tutol man ang pamilya ng dalawa, wala silang magawa dahil buntis si Camila.
Pero hindi nila inaasahan ang nangyari sa araw ng kasal. Friname-up si Camila. Nakulong siya. Hindi siya pinaglaban ni Vito. Nagbabayad siya sa isang kasalanan na hindi niya ginawa.
Hindi nagtagal, ipinanganak ni Camila ang maganda niyang anak na si Vida. Hinihintay niyang dumalaw si Vito pero hindi ito dumating.
Bumisita lang ito nung may masama siyang balita kay Camila.
"Akala ko nakalimutan mo na kami" sabi ni Camila
"Camila, hindi din ako magtatagal dito, kukunin ko si Vida" sabi ni Vito
Nagulat si Camila.
"Ano? Hindi mo kukunin sakin ang anak ko" mahinang sabi ni Camila pero may diin
"Camila para ito sa ikakabuti ng bata, dito muna siya sakin hanggang makalaya ka" saad ni Vito
"Hindi. Hindi ako papayag Vito. Akin lang ang anak ko" sabi ni Camila
"Magkita nalang tayo sa korte" sabi ni Vito tsaka umalis
![](https://img.wattpad.com/cover/207947049-288-k138997.jpg)
YOU ARE READING
One Shots - CamBio 💕🖤
Fanfictionone shots stories of camila and fabio <3 (completed)