CHAPTER 03:Blue lagoon

570 20 0
                                    

Blue lagoon

Amarah Serina De Gracia Point Of View

Sabado ng umaga nang magpasya akong pumunta sa blue lagoon para mag swimming mag isa. I wore a v neck camisole backless shirt in black. Pinarisan ko ito ng pants na mayroong underwear short na itim. Nag suot ako ng jacket at pampalit ng damit.

"Where are you going, hija?" Nagulat ako kay Lola na ngayon ay nakaupo sa dining table habang umiinom ng tsaka. She holds a magazine. Tinignan ko ang cover nito. Celebrities? Really?

"I'm just going to the blue lagoon." Sagot ko sabay umiinom ng gatas at kuha ng sandwich.

"Who are you with?" Tanong niya pa. Ibinaba niya ang magazine at tinitigan ako.

"Uh...Nada Sé que fui allí." Tumango siya saka ngumiti. (Wala po. Alam ko naman po pumunta doon.) Jusme...kala ko di pa papayag. Ngumiti ako at nag paalam sa kanya. Pero bago ako makalabas ay tinawag niya ulit ako. Tumigil ako sa pag lalakad at tumingin sa kanya.

"Lleva a Marco a casa." Halos mabingi ako sa sinabi niya. Wait. What? (Magpahatid ka kay Marco pauwi.) Should I send you home to Marco? Tatanggi pa sana ako pero wala akong magawa dahil baka hindi niya ako payagan.

Nag simula na akong maglakad papunta sa kuwandra at kunin ang puting kabayo na si Amaretto. Damn that name. Napag alaman ko din na si Apollo yung kabayong pinagdadamot sa akin ni Marco. Sus. Saksak niya sa baga niya. Sumampa ako sa kabayo at sinimulang patakbuhin ito sa pamamagitan ng paghampas ng latigo. "Slowly, Kiddo. I don't want to die." Bulong ko sa kabayo. Ngayon mas malinaw na sa akin yung ganda ng buong hacienda dahil walang asungot. Ang huni ng ibon ang naririnig ko at pag agos ng tubig mula sa ilog. Paglampas ko sa gazebo ay hudyat na malapit na ako doon.

Pagbaba ko ng kabayo ay itinali ko muna ito bago sumiksik sa nakaawang na halamanan. Ano ba ito? Kayamanan? Bakit hindi gawan ng malaking pintuan? Napangiti ako ng makita ko ang ganda ng lagoon. Para siyang asul na pintura na hinaluan ng tubig. Nag hahalo ang kulay na para gatas. Di ko maexplain pero sobrang ganda. Mapayapa ang tubig at ang usok lang niya ang nakikita ko. Kumalabog ang puso ko sa tuwa at hinubat agad ang jacket at pants ko. Ipinatong ko ito sa sanga ng puno at ang bag na dala ko.

Hinubad ko ang sapatos ko. Iginala ko muna ang paningin ko. Makakapag relax ako sa ganitong klaseng paraan. Dahan dahan akong bumaba sa hagdan na simento at nadama ko agad ang mainit na tubig nito. Sinimulan kong sumisid ng sumisid. Minsan ay hinahayaan ko ang sarili kong naka floating. The only peace I could hear was water.

Ipinikit ko ang mga mata ko at sinimulang alalanin ang mga sakit na naramdaman ko mula noong nasa Manila ako.

Mayroon akong limang kaibigan sa manila. Sina Kendall, Kalina, Justine, Markian, at Joshua. I was always with them but I couldn't feel them. Pakiramdam ko mag isa ako. Sa tuwing gagala kami ako ang magiging photographer nila. Ang saya diba? One day nalaman iyon ni Papa. He was angry and told me to take me to Spain. Wala akong nagawa. Masakit para sa akin pero siguro dapat ko na silang kalimutan. Dahan dahan kong binigatan ang katawan ko para lumubog ako sa ilalim ng tubig. Pakiramdam ko ano mang oras pwede akong mamatay dito. Pero etchos lang yun. Gusto ko pang makipag taasan ng pride kay Marco.

1....
2....
3....

Mabilis akong tumayo habang hinahabol ko ang aking hininga. I can't see anything properly. Blurry ang paningin ko. Ilang beses pa akong napapikit pikit pero mabilis akong nagulantang ng makita ko si Marco. Naka topless. Kumalabog ng malakas ang puso ko ng makita ko siyang naka side view. Walang reaksyon ang mukha niya habang marahang ginugulo ang buhok niya. Isang dipa ang layo namin sa isa't isa.

Hindi ko na alam kung ako pang gagawin ko dahil sa sobrang kaba ko. Pansin ko ang pagkatulala niya kaya agad ko siyang sinabuyan ng tubig. Nanlaki ang mata niya at sinabuyan din ako ng tubig. "Inaano kita?" Tanong niya. Bigla akong natawa dahil sa reaksyon niya.

"B-bastos ka ah! Bakit hindi katumatalikod?" Tanong ko sabay takip sa dibdib ko.

Umirap siya sa akin at padabog niya akong tinalikuran. "Suplado." Bulong ko at naglakad papunta sa malalim.

"Anong sabi mo?" Natigil ako sa pag lalakad dahil sa tanong niya. Lumingon ako at nakita ko siyang naka pamewang at habang nakataas ang isang kilay. Para siyang si Kuya kapag naiinis o kaya pinapagalitan ako.

"I say you're suplado." Pag uulit ko. Takot ko sayo. Bigla siyang naglakad papalapit sa akin. Napalunok ako. Bata palang siya pero yung tikas ng katawan niya ay kitang kita na.

Tumigil siya at nagpanghimaywang. "Makulit ka naman." Nalaglag ang panga ko sa sinabi niya. Makulit daw? Ako? Ah..sabi mo eh.

"Ah. Ganun?" Tinapik ko ang tubig dahilan para tumama sa mukha niya...Napapikit siya ng mariin at kita ko ang pag igting ng panga niya. Tumawa ako ng malakas. Pero napawi iyon ng tumama sa akin ang mas maraming tubig. Halos malunod ako dahil hindi ko iyon inaasahan. Mabilis akong gumanti at ganun din ang ginawa niya.

Sa sandaling ito nawala ang kaba sa dibdib ko. All of this has been replaced by fun. I wish it hadn't been done. Gusto kong ganito lang kami. Ang saya palang makasama taong hindi mo inaasahang darating sa buhay mo, tapos bigla ka nalang sasaya.

"You're weak." Sigaw ko ng tumigil siya habang hinahabol ang kanyang pag hinga. Umiling siya habang tumatamawa pero agad siyang naglakad papunta sa akin. Mabilis ang lakad niya kaya agad niya akong inabutan. Natawa ako na napapasigaw dahil hindi ko kayang tumakbo ng mabilis lalo na pag nasa tubig ako.

Magkahalong tawa at sigaw ang nagagawa ko dahil sa mabilis niyang paglapit at mabilis ko ding paglayo. Nagulantang ako ng bigla niya akong hawakan sa kamay at hapitin papalapit sa kanya. Mula sa likod ay binuhat niya ako pero imbis na mailang ay natawa ako at napatalon kaya bahagya niya akong nabuhat.

Puno ng halakhak ang buong lagoon dahil sa aming dalawa. I was very comfortable with him. Pero mabilis na napawi ang ngiti ko ng marinig ko ang boses ng isang babae sa itaas. "Marco." Nakatayo ito at may dalang bilao. Naka mahabang palda siya at itim na T-shirt.

Mabilis ako kumawala kay Marco at dumistansya ng kaunti. Pinilit niyang ngumiti. Bahagyang umawang ang bibig niya kaya naman napayuko ako. Nanginginig ang kanyang kamay na may hawak sa bilao.

"Oh? Saan ka pupunta?" Tanong ni Marco sa kanya. Naglakad ito papalapit kay Clara na ngayon ay mukhang tuod na nakatayo.

"Uh...m-mag papasama ako sayo. Pupunta kasi akong bayan." Ngumiti siya pero alam kong hindi ito totoo.

"Talaga? Sige. Sasamahan na kita." Bumagsak ang loob ko. Naalala ko ang sinabi kanina ni Lola. Napahawak ako sa dibdib ko. Why do I feel this way? Hindi pwede!

"P-paano si Señorita."

"Ah! No. I'm okay. Don't worry." Pigil ko dahilan para mas sumikip ang dibdib ko. Damn. Matapos kang pasayahin iiwan ka na lang basta basta. Kung nag eexpect ka dapat ready ka din sa disappointment.

Langit ka, lupa ako (Señorita series No.1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon