Chapter 21:Temptation

254 11 0
                                    

Temptation

Third Person Point Of View

Derederetso ito papunta sa dining room. Naabutan niya si Don Hector at Claricci na kumakain. Andun din si Valentine at Luciana. Padabog niyang hinampas ang pinto dahilan para maagaw niya ang atensyon ng lahat. Napatayo silang lahat. Agad naman lumapit si Serina kay Claricci at isang malakas na sampal ang iginawad sa kaniya ng Señorita. 

Nagulat ang lahat dahil sa ginawa ni Serina. "Wala kang karapatang pag salitaan ng ganun ang mga tauhan dito sa hacienda dahil una sa lahat sampid kalang dito!" Nanggagalaiting sigaw ni Serina. Mula sa salas rinig na rinig nila Marco at Angel ang sigaw ni Serina! Agad silang dumako papunta doon.

"Anong pinag sasabi mo?" Tanong ni Don Hector sa anak. Hindi naman sumagot agad si Serina. "Ano bang pumapasok sa isip mong bata ka?" Mahinang tanong ni Don Hector sa anak. Napayuko na lamang si Marco dahil sa narinig niya. "Kung ayaw mo sa kanya igalang mo naman siya bilang nakatatanda kesa sayo."

"Ano? Ganyan po ang sasabihin mo sa'kin? You didn't even ask me why?" Matapang na tanong ni Serina kasabay ng pangingilid ng mga taksil na luha mula sa mga mata niya. Bumaling siya kay Claricci. "Edukada ka ngang tao pero nasa talampakan ang utak mo. Wala kang karapatang pag salitaan ang mga mas nakakababa sayo ng kung ano ang dapat nilang kainin sa hindi! Wala ka ring karapatang higpitan at pag salitaan sila ng hindi nakakain ng isang tao dahil kung hindi---"

"Dahil kung hindi ano?" Walang reaksyon tanong ni Don Hector kay Serina. Hindi niya masikmura na mas kumakampi pa ito kesa sa kanya.

"Dahil kung hindi hahalik siya sa lupa. At sisiguraduhin kong hindi na siya makakabangon. Hintayin mong tumungtung ako sa tamang edad. Humanda ka." Nanggigil na saan ni Serina. Binalingan niya ang Papa niya. "Sige." Tumango tango siya na parang sumasang ayon pero hindi niya talaga tunay na tanggap. Bumaling siya sa lahat. Doon lang niya nalaman na andun na sila Kendall sa dining room.

"Wag po kayong mag tataka kung isang araw ang babaeng iyan ang dahilan kung bakit babagsak ang pinaghirapan ng mga ninuno natin." Sabi niya dahilan para matigilan ang lahat.

***

Kung ano anong kolorete ang inilagay sa mukha ni Serina. Wala siyang reaksyon habang tulala. Perfect ang ganda kaya naman maraming mamangha sa kanya. Ika nila nakakainggit naman talaga. Ang kanyang kulay pulang long gown na hapit sa kanyang magandang pangangatwan. Ang kanyang buhok na naka puyod. Sa gilid nito ay nakalagay ang binigay sa kaniyang barrette ni Marco. Ang kanyang kamay ay mayroong dalawang gloves na kulay itim na hanggang siko. Ang mamahaling diamond na kwintas ay nagmula pa sa kanyang ina noon na sinabing isuot niya ito sa araw ng kaniyang 18th birthday. Mataas din ang suot niyang heels na kulay itim. Ang diamond niyang hikaw na mahaba ay kumikinang pa.

“Simula ng mamulat ako sa realidad hindi ko na narinig ang boses ng ina ko. Ang sabi namatay daw siya sa sakit. Siya ang lahat sa akin noon. Siguro hindi lang talaga nabura sa alaala ko yung sinabi niya sa akin. Pero hindi nag tagal nawala na daw siya. Dahil wala pa akong isip noon hindi ko masyadong dinamdam iyon. Halos tatlong taon palang ako noon kaya hindi ko na siya maalala.”

Langit ka, lupa ako (Señorita series No.1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon