Chapter 29:Gulat

214 11 0
                                    

Gulat

Third Person Point Of View

Nagulat si Serina ng ilabas ni Marco ang isang sun flower. "Señorita Amarah Serina Valldelion De Gracia pwede ba akong manligaw sayo?"

Nanlaki ang mga mata ni Serina pero agad napawi iyon ng biglang hawakan ni Marco ulit ang mga pisngi ni Serina. "Hindi mo naman kailangang sagutin agad. Bibigyan pa kita ng panahon para nakapag isip." Nakangiting sabi ni Marco sabay iwas ng tingin.

Tumango tango naman si Serina. "Pag iisipan ko." Sabi nito. Ramdam niya ang init mula sa mga pisngi niya.

Bumuntong hininga si Marco saka tumingin sa lagoon. "Naalala mo ba noong unang beses kang naligo jan?" Tanong ni Marco saka saglitang sumulyap kay Serina na ngayon ay tulala sa umuusok na lagoon. "Ang totoo hindi talaga kita nakita noon. Nagulat ako nang bigla kang tumayo pero hindi ko iyon ipinakita sayo." Kwento ni Marco saka ngumiti. "Akala ko magagalit ka at papaalisin na lang ako basta pero hindi." Dagdag pa nito. Sumulyap sa kanya si Serina saka nangiti din. "Habang tumatagal hindi ako nahirapang kaibiganin ka kasi alam kong mabait ka."

"Kung sana lagi tayong nasa umpisa palagi kong hihilingin na sana andoon pa lang tayo at hindi na aabot pa dito." Sabi ni Serina saka hinubad ang bago niyang sapatos. Marahan niyang ibinaba ang mga paa sa tubig sa lagoon.

Alam niya sa sarili na hindi ganoon kadaling mapalapit agad kay Marco dahil sa mga nangyari nitong mga nag daang buwan lang.

***

W

alang ni isa ang nag salita habang kumakain sila. Tanging ang tunog lang ng kutsara at tinidor. Nakayuko lang si Serina habang kumakain pero nabasag iyon nang biglang magsalita si Claricci. "Sya nga pala..kailan ba gaganapin ang kasal?" Tanong ni Claricci kay Don Hector. Umangat ang ulo ng Rosie.

"Kasal agad ang nasa utak mo, Claricci. Why can't we just have a welcome party first? Welcome party para sa totoong Doña dito sa mansion?" Sakratikong tanong ni Serina. Umangat ang kilay ni Claricci at ngumiti. Mag sasalita pa sana siya pero agad naunahan ni Don Hector.

"Bukas na bukas gaganapin ang welcome party." Seryosong saad nito.

Ngumisi si Serina saka sumandal sa sandalan ng kanyang upuan at taas kilay na nginisihan si Claricci. "First of all I don't want to have a sister or brother with that woman." Sabi niya saka tumayo. Ang paninikip ng dibdib niya ay nandyan nanaman.  "Mauna na po ako." Sabi pa niya saka tumalikod. Agad siyang pumunta sa kwarto niya at sumandal sa pinto.

Biglang tumunog ang cellphone niya kaya naupo siya sa sofa. Si Miss Atasha. "Serina, you have to go here first. You have a lot of work left here." Bumangad nito. Sa boses ni Miss Atasha ay mukhang pagod at problemado ito. "Ikaw na lang ang kailangan dito." Sabi ni Miss Atasha.

Napakagat naman si Serina sa labi niya at napatingin sa pintuan niya. "I know. I'm sorry po. Okay pupunta na po ako jan bukas na bukas." Pinilit ni Serina na ngumiti kahit na tumutulo nanaman ang luha niya. Paniguradong mamimiss nanaman niya si Marco at ang pamilya. Nanghihinayang siya dahil bukas pa naman gaganapin ang celebrasyon ng pagtanggap para sa ina at kapatid.

"Pasensya na rin sa istorbo. Sige. Mag hihintay ako." Sabi ni Miss Atasha bago putulin ang tawag.

Napatingin siya sa sarili niya. "Ginusto ko ito.". Ngumiti siya at inayos ang damit niya. Natigilan siya nang bumukas ang kwarto niya.

"Amarah, aalis ka?" Tanong ni Rosie. Sinuyod niya ng tingin ang anak.

"Yeah. I'm sorry, ma. Kailangan kong balikan ang trabaho ko doon. Babalik din ako promise." Ngumiti siya saka niyakap ang ina.

Langit ka, lupa ako (Señorita series No.1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon