Hindi ko siya iiwan
Third Person Point Of View
"Señorita." Banggit ni Marco. Hawak niya ang camera at nakatutok ito kay Serina na ngayon ay naka upo sa malaking bato habang tinatanggal ang maliit na bato na pumasok sa loob kanyang boots. Inosenteng napatingin sa kanya si Serina kaya agad niyang pinatay ang vedio.
"Ano yan?" Tanong ni Serina at akmang kukunin niya ito mula sa mga kamay ni Marco pero inilayo ito ni Marco. "Madamot." Ani Serina sabay kuha ng kanyang drawing. Pinaplano niya kung paano lalagayan ng desenyo ang lagoon ng sa ganoon ay mag karoon ito ng buhay.
Ngumisi si Marco sabay patay ng camera niya dahil hindi ito pwedeng makita ni Serina. "Señorita." Natigilan sa pagtingin ng masama kay Marco nang tawaging siya ng isa sa mga kasambahay nila. "Ipinapatawag ka po ng iyong Papa." Nakayukong sabi ng katulong. Napairap nalang si Serina saka sandaling nag paalam kay Marco.
Pag akyat niya sa opisina ng kanyang ama ay naabutan niya ito sa balkonahe ng opisan ng Don. Malalim ang iniisip nito at nakatingin sa nasasakupan ng hacienda De Gracia. Lumapit siya sa tabi ng ama at humawak sa railings. Kahit na naiinis siya sa ama ay takot pa rin siya na baka kung anong mangyari dito sa mga susunod na araw.
"Parang kailan lang wala kang ibang ginagawa kundi ang sumunod sa mga ipinaguutos ko." Wika ni Don Hector habang nakatingin pa rin sa hacienda. "Pero ngayon may sarili ka nang desisyon." Dagdag pa nito.
"Mas mabuting ipinaglaban ko po ang sarili kong desisyon kaysa nakinig sa inyo." Matuwid na sabi ni Serina. "Dahil alam ko sa sarili ko ang hindi pag iisip ng tama ang siya pong mag dadala sa iyo sa kapahamakan." Ani Serina sabay tingin sa ama. "Sa oras na mag palinlang ka sa mga matatamis na salita ng isang taong kayang kaya kang paikulit sa kanyang mga palad sa huli talo ka. At sa oras na wala ka nang pakinabang iiwan at iiwan ka rin ng taong pinahalagahan mo." Napangiti si Don Hector. Alam niya sa sarili niya na siya ang pinapatamaan ng kanyang bunsong anak pero hindi na lang siya nagsasalita. "Bakit hindi mo po subukang ayusin ang lahat? Why can't you fix your mom's problem?" Tanong pa ni Serina.
Umiling iling lang si Don Hector saka napayuko. "Ang Mama mo... Sobrang bait niya. Palaban at katulad mo din siya na may sariling prinsipyo sa buhay. Ilang beses ko na siyang kinausap pero ayaw niyang makinig sa akin."
Napabuntong hininga na lang si Serina dahil alam niyang ganun talaga ang ginagawa ng ama pero hindi lang ito nag papahalata. "Hindi maayus ang lahat hanggat andito pa po si Claricci." Opinyon niya. Hindi naman naka imik si Don Hector. Natatanaw nila ngayon ang pamangkin niyang si Angel na pilit kinakausap si Marco. "She won't really stop until she hurts." Ani Serina. Mula sa tatlong palapag ng bahay ay kitang kita nila na pasimpleng napapangiti si Angel habang kausap si Marco.
"You really love Marco huh." Ngisi ni Don Hector.
"When you love someone you fight for the best you can." Ani Serina. "Walang dahilan para sumuko ka hanggat sa nabubuhay ka." Dagdag pa nito. Tumango si Don Hector. Napatingin siya kay Serina na nag paalam. Sinundan niya ng tingin anak hanggang sa nakababa na ito papunta kayla Marco at Angel.
Pagdating sa ibaba ni Serina ay nagitla si Angel at medyo lumayo kay Marco. "Hinahanap ka na ni Kuya Damon dahil may gagawin daw kayo." Seryosong sabi ni Serina. Nagtaka ang mukha ni Marco dahil mukhang wala naman sinabi si Damon. "Kakatawag niya lang sa akin!" Asik ni Serina. Napakamot naman sa ulo si Marco dahil alam na niya ang ibig sabihin ng ginagawa ni Serina.
"O-okay." Sabi ni Marco. Pagtalikod nito ay matalim na tinignan ni Serina ang nakayukong si Angel.
"Magsabi ka sa akin kung andoon kana sa mansion ninyo." Sabi ni Serina sabay iwas ng tingin. Ngumiti naman si Marco dahil sa itsura ng dalaga.
BINABASA MO ANG
Langit ka, lupa ako (Señorita series No.1)
RomanceThere is one woman who is very lucky. Yung tipong nasa taas na siya pero mas pinili niya paring bumaba para makahanap ng kaibigan. Yung akala niya na ikasasaya niya pero mali pala. Yung sakit na bumago sa pananaw niya sa buhay. Yung tipong nagkaroon...