Chapter 45:Takot

258 12 0
                                    

Takot

Amarah Serina Point Of View

Bago ako iwan ni Papa sa hardin ay natulala ako. Napaisip ako sa lahat ng mga sinabi niya sa akin. Posible kayang kasinungalingan lahat ng mga nakita ko? Posible kayang wala talagang kinalaman si Marco sa mga nangyari?

O sadyang gumagawa lang talaga ng butas si Claricci para masira kaming dalawa para makaganti sa akin?

Pero bakit parang mayroon sa puso ko ang nagsasabing nagsisinungaling si Marco.

"Señorita Amarah Serina Valldelion De Gracia pwede ba akong manligaw sayo?" -Marco

Kung pumayag ba ako sa kagustuhan niyang ligawan ako noon. Ano kaya ang mangyayari sa amin ngayon? Maybe we could not have reached this situation. Siguro andito pa rin yung tiwala ko sa kanya.

Naghalo halo na siguro ang mga iniisip ko sa sistema ko. Parang nababaliw na ata ako.

Sunod sunod na pumatak ang luha ko nang maalala ko ang binitawan niyang salita noon. Sinungaling. Ang sabi niya sa akin noon hindi na niya ako sasaktan. Sa huli ang pangako ay isang salita lang na pwedeng pwede mong kalimutan kahit kailan man.

Naglakad na lang ako papunta sa gym at hinubad ko ang t-shirt at pants ko. Isinuot ko ang sport short ko at sports bra na kulay black. Napabuntong hininga na lang ako kinuha ang sando na kulay puti at itinali ko sa laylayan nito dahil medyo mahaba.

Ilang sandali kong tinitigan ang dulo ng katana na hawak ko. Sobrang kintab at kinis. Sa tuwing tatapat ang reflection niya sa araw o liwanag ay kumikinang ito sa kintab. Ang sabi ni Papa ay nag mula pa daw ito sa mga ninuno namin noong 19th century. Na mula sa pa sa panahon ng mga hapon.  Ipinatago nila nang ipinatago kaya ito ngayon hawak ko.

Sa akin lang ito ipinapahawak ni Papa dahil wala namang intires si Kuya sa mga bagay bagay na ito.

Tatayo na sana ako para ibalik ang katana sa loob nang kaha nito nang biglang bumukas ang pintuan. Nagulat ako nang makita kong si Marco ito. "A-anong---" Hindi na natapos ang sasabihin ko dahil bigla nalang siyang naglakad papunta boxing ring. Agad akong tumayo at nagpunta sa punching bag at akmang ipapasok ko na sa loob ang katana nang biglang nakita ko ang anino ni Marco. Halos mawalan ako ng lakas nang makita kong nakatusok sa dibdib niya ang dulo ng katana.

Seryoso siyang nakatingin sa akin at wala talagang mababasang reaksyon sa kanyang mukha. Ang kilabot sa buong katawan ko ay gumagapang pa rin. "Umalis kana! Ibabaon ko to!" Banta ko. But he seemed to hear no one.

Pero imbis na umalis ay ipinagduldulan niya pa ang sarili niya dahilan para mapaatras ako. Fuck this man! Muli akong umatras nang umabante siya dahil kung hindi ako kikilos ay babaon ito sa dibdib niya. Hindi ko ibaba ito hanggat hindi siya nakikinig sa akin. "Gawin mo." Hamon niya dahilan para mas madiinan ko ang pag kakahawak sa katana. I could control myself but he didn't. Mas malakas siya sa akin kaya wala aking ibang ginawa kundi ang umatras.

"Diba sabi ko ayaw ko ng makita ka. Why are you here?" Seryoso kong tanong. Walang reaksyon ang mukha niya nang malapit nang mapunit ang damit niya gamit ang katana.

"Fuck Serina. We have not been able to talk about what happened the day before." Saad niya. Napatingin ako sa dibdib niya. Nabubutas na ang damit niya dahil sa tulis ng blade nito.

Umiling iling ako at ngumisi. "Wala tayong dapat pag usapan, Marco. Tama na ang lahat nang nakita ko." Saad ko.  Napaliyad ako nang bigla siyang yumuko at ilapit ang mukha niya sa mukha ko.

"Meron. Marami." Saad niya.

"Umalis kana! Sumama ka sa Claricci mo! Sinungaling!" Sabi ko sabay angat nang ulo ko nang maayos. Ipinakita ko sa kanya na hindi ako mag papatalo sa kanya. But why is that? Instead of him being weak I am. Dahil lang ba ito da takot? Takot na baka maisaksak ko ito sa kanya.

Ngumisi na lang siya at nag salita. "Nasasaktan ka ba dahil sa nakita mo noon? Dahil akala mo totoong may nangyari sa aming dalawa. Damn Serina! That's not true!"

"Wala akong pakialam kung totoo man iyon o hindi. Umalis kana!" Sigaw ko.

"No! That day nainis ako kay Dad kasi gusto niya akong isama sa France! Hindi ako pumayag kasi hindi kita iiwan!" Napawi lahat nang reaksyon sa mukha ko dahil sa sinabi niya. Umiling iling ako kasabay nang luhang kumakawala sa mga mata ko. "I drank the night before. Nang ako lang mag isa. Damn." Nag iwas siya nang tingin. "Pag gising ko katabi ko na siya." Ramdam ko ang pagsubong nang mga kilay ko. "Andoon ka. Andoon na si Angel at siya Señorita Godelaine." Umirap ako.

"I didn't tell you to explain." Sambit ko. Muli akong umatras nang bigla siyang humakbang. Ngayon ay napasandal ako sa boxing ring habang hawak pa rin ang katana.

"I just want you to know." Sabi niya.

"At lalong hindi ko sinabing naniniwala ako sayo. Kasi alam mo? Sinungaling ka!" Sigaw ko. "Nagsisinungalang ka lang para lokohin ako. Nasisinungaling ka lang para maniwala ulit ako sayo!"

"Madali akong nakakaramdam, Serina. Magigising ako sa oras na may humawak sa akin. I swear!"

"Hindi ko sinabing mag paliwanag ka." Walang reaksyon kong sabi. Tinignan ko ang damit niya na may dugo na. Umigting ang panga niya. "Alam mo. Wala akong pakialam kung may nangyari sa inyo o wala. Basta ang nararamdaman ko lang ay nandidiri ako sayo."

Ramdam ko ang kamay niya na gumagapang papunta sa legs ko kaya nanlaki ang mga mata ko. "You know, Serina you are my first kiss. Ikaw rin dapat ang una sa akin." Malambing niyang sabi. Napalunok ako. Hinawakan niya ang kamay ko na nakahawak sa katana. Unti unti kong nabitawan ito at naibaba. Ang init ng kanyang kamay nagbibigay sa akin nang takot at kaba. He didn't seem to be Marco.

Muli akong napatingin sa dibdib niya. Pinunasan ang niya ang natuyong luha sa mga mata ko at inilapit ang ilong niya sa ilong ko. "Lumayo ka na sa akin, pakiusap. I don't want to see you again." Mariin kong sambit.

Mas nanlambot ako nang bigla niya ng ipatong ang ulo niya sa balikat ko. "I-i miss you." Pagod niyang sabi. "I'm sorry."

"Please." Kunot noong sambit ko. Pero dedma lang.

"Kahit wala akong kasalanan. Iintindihin kita. Dahil ayaw kong mawala ka. Kahit nasasaktan ako dahil ni isa sa mga salita ko ay hindi mo pinaniniwalaan naintindihan ko. Kasi....mahal kita." Huminga siya ng malalim. "Kahit anong galit tatanggapin ko bastat galing sayo."

Tila nawala ko sa aking sarili. Noon akala ko hanggang kaibigan lang. Noon akala ko ako lang ang nasasaktan. Noon akala ko hindi na magbabago pa yung nararamdaman niya para sa akin. Pero hanggang akala ko lang pala. Ngayon andito siya sa harapan ko. Humihingi ng tawad dahil sa bagay na hindi naman niya talaga ginawa. At naniniwala ako doon.

Damang dama ko ang sobrang init niyang paghinga at katawan.

Tumingala ako dahil sa mga luhang nagbabadayang tumulo mula sa mga mata ko. Hinawakan ko ang dibdib kung saad mayroong dugo. Nanlaki ang mga mata ko nang maramdaman kong bigla siyang bumigat at sobrang init ng paghinga niya. Nag simulang gumapang ang kaba sa aking dibdib.

I tried to wake him up but couldn't wake him up. "Marco." Inuga ko ang mga balikat niya at nag babakasakaling magising pa pero hindi na. "Marco." Uga ko ulit pero hindi siya magising. Doon ko lang napagtanto na sobra sobra ang init sa kanyang katawan lalo na ngayon. Parang nakakapaso. Kanina ay akala ko normal lamang iyon pero mali ako. Dahan dahan akong naupo sa sahig habang hawak ang ulo niya.

Langit ka, lupa ako (Señorita series No.1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon