Chapter 12:Gusto ko lang malaman

321 13 0
                                    

Gusto ko lang malaman

Third Person Point Of View

Paulit ulit na nag pasalamat si Serina sa maykapal na pinagbigyan siya sa kahilingan niya na makita at makasama ulit si Marco. Nawala ang malaking nakadagan sa puso ni Serina habang dinadama ang yakap ni Marco.

Tumawa si Marco nang mapansin niyang pinapahid ni Serina ang luha niya. Natutuwa siya dahil namimiss din pala siya ni Serina. Napuno ng tilian ang paligid dahil sa panunukso nila kay Serina at Marco.

Kahit silang dalawa ay hindi maipaliwanag kung ano ba talagang klaseng relasyon sa kanilang dalawa. Ang alam lang nila ay 'magkaibigan' silang dalawa. Yun lang.

Dumating ang mga araw na palagi nanaman silang dalawa mag kasama. Palaging nagtatawanan at nag uusap. Kung saan saan sila nag pupunta. Pero madalas ay sa lagoon sila nag usap pero walang nagaganap na ligo.

Napag alaman din ni Serina na nasa Manila si Angel dahil sa unting kasiyahan ng mga kaibigan. Pero uuwi din ito agad. Nangangamba si Serina na maagaw ulit si Marco nina Angel. Natatakot siya na baka dumating sa puntong mawalan nanaman ito ng oras para sa kanya.

Unti unting nasisilayan ni Mariana si Serina na humalakhak at tumatawa ng malakas. Matagal na niya itong gusto makita pero mukhang hindi ata siya pinagbibigyan. Pero ngayon masaya siya para sa kanyang Señorita.

***

"Good afternoon, Señorita." Natigilan si Serina sa pagkain dahil sa presensya ni Carlos. Kararating lang nito at mukhang may importanteng sasabihin kay Serina. Pinaupo siya ni Serina sa harap niyang upuan.

"I know your mind is worried about your mother. I can take you if you wish." Saad ni Carlos kaya naman natigilan si Serina. Totoong binabagabag siya. Gusto na niyang puntahan ngayon ang ina. Gusto niya lang malaman ang kalagayan ng mga ito. Gusto niyang tanungin kung bakit sila nito iniwan, pero wala e. Wala siyang magawa sa ngayon.

"¿Quieres que visite a mi mamá?" Usisa ko. (Gusto mong bisitahin ko ang mama ko?) Tumawa siya dahil hindi siya makapaniwala. Pero sandali siyang makapag isip isip. Kung tutuusin sisilipin lang naman.

"Sometimes you just see your mom. I hope you save some time, though." Nakangiting sabi ni Carlos. Yung ngiting nag mamakaawa. Paulit ulit siyang kinukumbinsi ni Carlos sa kanyang isipan dahil una sa lahat sa siyang karapatang madaliin si Serina dahil mas mataas ito kesa sa kanya. "But I believe the opportunity will come to know one another as well." Tumayo siya at nag bow kay Serina na kasalukuyang tulala sa platong pinagkakainan niya.

Napansin niya si Mariana na nagbabasa ng libro habang ito ay nakaupo sa pinaka ibabang baitang ng hagdanan. Kapansin pansin ding kumukunot ang noo nito at tila hirap sa pagbibigkas ng bawat salita. "Mariana." Tawag niya dahilan para mapatayo agad si Mariana sa gulat. Dali dali itong tumakbo papunta sa kanya habang nakatago sa likod niya ang libro.

"Po?" Nakayuko niyang tanong. Kinakabahan ito dahil sa takot na tawanan siya ni Serina dahil hirap ito sa binabasa niya.

"Ano yang binabasa mo?" Usisa ni Serina sabay inom ng tubig. Napakamot naman sa ulo si Mariana ayaw niya sanang ipakita ito kay Serina dahil sa hiya pero wala siyang magawa.

"Nag aaral po kasi akong mag basa ng english. Gusto ko rin pong matuto katulad mo." Nahihiyang sabi ni Mariana. Tumango naman si Serina saka pinaupo siya sa tabi niya. Itinabi ng Señorita ang mga pinakainan niya at agad na hinarap di Mariana. "Paano n'yo po ba natutunan ang pag gamit ng tatlong salita ng ganun kadali?" Usisa niya pa.

Ngumiti si Serina saka kinuha ang libro na hawak ni Mariana. "Simula nang masilayan ko ang ganda ng mundo ang una kong salita na ginagamit ay Castilian." (Castilian ay yung tawag sa Spanish language) Bawat salitang binibitawan ni Serina ay ipinapaintindi niya ng maigi kay Mariana gamit ang Tagalog na siyang nakasanayan ni Mariana.

Langit ka, lupa ako (Señorita series No.1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon