Chapter 39:Kinikilig

203 8 0
                                    

Kinikilig

Third Person Point Of View

"Tara upo tayo doon." Turo ni Serina sa table na inihanda niya para sa kanilang dalawa. Nilingon niya si Marco na nakangiti.

"Thank you." Aniya sabay pinaunang paupuin si Serina. Tumango naman si Serina sabay ngiti. "Hindi ko akalain na magiging ganito kaganda ang birthday ko." Sabi pa niya. Napangiti naman si Serina saka kinuha yung regalo niya kay Marco. Napangiti si Marco nang makita niya na relo ang laman nito.

"Actually.... Binili ko yan noong nasa mall tayo. Sinabi ko lang na para kay Samuel para di mo malaman." Paliwanag ni Serina. Nanlaki naman ang mga mata ni Marco na ng nakita niyang sobrang mahal pala ng relo ito.

"Babawi talaga ako sayo. Hindi mo naman kaila--"

"It's your birthday today. So you just have to receive the gift you deserve." Putol ni Serina sa sinasabi ni Marco. Habang nagdarasal sila ay hindi maiwasan ni Marco na titigan si Serina na nakapikit, pero nagulat siya ng biglang dumilat si Serina kaya agad siyang napapikit.

Naging masaya ang kanilang naging kaninan lalo na't sinabayan pa ito ng kantahan at inuman nina Marco. Samantalang sa kabilang banda nakasilip si Claricci sa kanila at bigla na lang napangiti dahil sa pagtitig niya sa binatang si Marco. Ang hindi niya alam na nakatitig sa kanya si Angel mula sa kwarto nito.

"What is she planning to do?" Mahinang tanong ni Angel sa kanyang sarili dahil sa titig ni Claricci na kakaiba.

"Hindi ko alam na isa ka palang Villareal at kapatid mo pala si Kuya Damon." Biglang sabi ni Serina. Natigilan naman si Marco saka nag iwas ng tingin dahil ayaw naman talaga niyang sabihin ang bagay na tungkol mula sa kanyang pamilya.

Tumango siya at huminga ng malalim. "Sorry kung hindi ko sinabi sayo. Tulad mo masama rin ang loob ko sa ama ko." Tumingin si Marco sa paligid saka ngumiti. "Pero kahit pala anong galit mo sa ama mo hindi mo pa rin talaga makakalimutan na ama mo siya." Nawalan ng reaksyon ang mukha ni Serina.

"Sana...sana may bukas pa para sa ating naghihintay ng bagong pag asa." Ngiti ni Serina para mabasawan ang lungkot niya dahil naalala nanaman niya ang tampuhan nila sa pagitan ng kanyang ama.

"Sana bukas maging akin kana." Mahinang sabi ni Marco dahilan para mapalingon sa kanya si Serina.

"What did you say?" Takang tanong ni Serina. Napangiti naman si Marco saka umiling.

Bago matapos ang masayang gabi sa buhay nila ay napuno ng saya ang bawat puso nila lalo na si Marco dahil hindi niya inaasahan ang mga mangyayari. Masaya silang nag iinuman ng beer at umaawit ng gamit ang ginatara na pinapatugtug ni Serina at Dennis.

***

Kinabukasan ay nagpunta si Marco sa hospital kaya naman si Serina ay nasa mansion. Naging abala ito sa pamamahala sa kanilang hacienda katuwang ang boring na boring nasi Valentine. Masaya siyang tumulong sa mga taong nasasakupan ng kanilang hacienda. Mula sa pinaka unang parte ng islda De Gracia hanggang sa pinakadulo nito. "Ang sabi sa akin ni Papa ang anak daw ng Don Hector ang pinakamatapang na kanyang nakilala sa lahat." Ngiti ng isang paslit na nasa edad limang taong gulang.

Napangiti naman si Serina dahil narinig niya ang sinabi ng bata. Nagkukumpolkumpol ang mga ito at pinag uusapan siya. "Eh sino naman din ang magandang Señorita na iyon?" Turo pa ng isang bata na may bungi ang dalawang ngipin sa harapan. Sinundan naman ng tingin ni Serina ang tinuturo ng bata.

"Siya? Siya si Valentine. Isa rin sa matapang na pamangkin ni Don Hector. Mabait din siya tulad ni Señorita Serina." Paliwanag naman ng paslit. Tumayo si Serina mula sa pagkakaupo.

Langit ka, lupa ako (Señorita series No.1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon