PROLOGUE

2.2K 50 3
                                    

Simula

Amarah Serina De Gracia Point Of View

Bumagsak ang tingin ko sa aking gitara. Pero agad kong nilipat ang paningin ko sa kabuoan ng hacienda. Matagal tagal na rin akong hindi nakakatungtong dito. Simula ng mag 11 ako ay sa Manila lang akong tumira kasama ang Kuya ko. Pero nang mag 13 ako ay lumipad ako papunta ng Spain kasama ulit siya. But now...I'm 15 ngayon lang ulit ako makakabalik. Its been a long time.

Nang ipark ni Manong Islao ang kotse sa parking lot ng mansion ay sinimulan kong igala ang pangin ko. No doubt. This place has always been beautiful. "Welcome home." Ani ng pinsan kong si Melen. Napangisi ako. Ang ganda niya pa rin. Ibinigay ko kay Manong Islao ang gitara ko.

"Creo que la belleza de la hacienda debería brillar más especialmente por la noche. Mi nieto esta aqui." Natawa ako sa boses ng lola ko. Kausap niya ang isang designer ng mansion pero natigil niya ng makita niya ako. Parehas sila ng salita kaya ayon. Nagkasundo. (Sa tingin ko dapat mas magniningning ang kagandahan ng hacienda lalo na sa gabi. Gayong andito ang apo ko.)

Natigil siya dahil nakita niya ako at mabilis na naglakad papunta sa akin. Napangiti ako. Matanda na siya pero malakas pa din siya. "Dahan dahan po sa pag lalakad." Sabi ko sabay ngiti. Mahigpit ang yakap na pinakawalan niya kaya halos di ako makagalaw.

"Your beautiful maiden, my granddaughter." Aniya sabay halik sa akin. Napangiti ako.

"Kayo din po, Lola."

"OH MY GOD!" Umalingawngaw ang boses ni Mhel mula sa pinaka main door ng mansion. Gusto ko sanang matawa dahil mukhang may ginagawa siyang pampakinis sa mukha niya dahil sa white mask na suot niya. She's my friend. "My god! Ang ganda mo!" Inugauga niya ako.

"Relax, guys. Kapatid ko yan." Singit ni Kuya Logan na ikinatawa naming lahat. Napailing na lang ako. Hambog talaga.

Ilang sandali pa ay may dumating na tatlong lalaki na puro naka basketball shirt. I am tall but they are taller. Inisa isa ko sila ng tingin.

"Ah...By the way, Serina...this is Dennis, Luke, and Marco." Ani ni Melen. Naglahad ako ng kamay sa kanila. Pero akala ko ay tatanggapin niya ngunit mali ako. Sabay sabay silang yumuko na akala mo ay may roong prinsesa or something na mas nakakataas sa harapan nila ngayon.

"Maganda hapon, Señorita." Natawa ako pero nawala iyon ng magsalubong ang tingin namin ng Marco.

"You don't even have to bow. Relax, Its me." Sabi ko. Natawa naman sila.

Pumasok kami sa loob ng mansion habang nagkukumustahan sila. Pero ako ay tumayo habang iniisa isa ang mga picture frame. Wow. Andito pa pala yung picture ko simula pagkabata. Andito rin yung picture ko noong naliligo ako sa dagat. Shit! Ang gulo ng buhok ko nyan tapos nilagay jan! Mali ata yun.

Sumunod ay naglakad ako papunta sa babasaging cabinet. Open ito kaya kita ko ang mga nakalagay. Andito pa rin yung mga certificate at medal ko. Bukod doon ay yung naglalakihang trope ko. 

'Una persona verdaderamente talentosa no debería estar celosa de otra persona, especialmente si te conoces bien.' -Mama

(Ang totoong talentadong tao ay hindi dapat mainggit sa ibang tao lalo na kung alam mo sa sarili mong magaling ka talaga.)

I Amarah Serina Vall De Leon De Gracia is the goddess in this story.

Langit ka, lupa ako (Señorita series No.1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon