Hug
Third Person Point Of View
Nagdaan ang tatlo pang buwan para makauwi na sa Pilipinas si Serina kasama si Mariana. Noong una ay puro pasasalamat talaga si Mariana dahil sa pag babalik niya sa Pilipinas hindi naman basta umimik si Serina dahil galit pa din ito sa kanyang tiyahin. Wala naman nagawa si Mariana kung hindi ang tumahimik na lang. Alam niyang hindi dapat sinasagot ni Serina ang Tiyahin pero wala siyang magawa para pigilan ito. Ika nga ni Serina kamakailan 'Wala akong pakialam kung sino kayo.'
Paglapag ng eroplano sa airport ng Cebu ay impit na tuwa ang nararamdaman Mariana. Takot siyang ilabas ito sa takot na magalit si Serina. Sumakay sila sa yate ng mga De Gracia at van.
Parang hinaplos ang puso ni Serina habang tinititigan ang bawat daanan. Masaya siya dahil nakabalik na siya sa lugar na gustong gusto niyang makita ulit.
Pag baba nila sa van ay sunod sunod na nag bow ang mga kasambahay para mag bigay galang sa Señorita Serina, Señorito Logan, at Señor Carlos. Namangha si Mariana sa bawat galaw ng mga kasambahay dahil sa pagiging magalang ng mga ito.
Sumalubong sa kanya sina Mhel at Melen. Nalamog siya sa yakap. Wala ang lola niya dahil nasa America kasama si Don Hector. Kasalukuyang si Don Lorenzo lang ang namamahala dito ngayon.
"Oh my god! Ang ganda ganda mo lalo!" Nagtatalon si Mhel sa tuwa dahil sa mas tumingkad na kaputian ni Serina. Tama nga naman. Kung maputi noon si Serina ay mas maputi ito ngayon. Bukod doon ay mas humaba ang kanyang buhok hanggang sa pwetan.
Kumain silang lahat sa dinning area. Nag karoon ng kaunting batian at usapan. Kanina pa din kating kati ang dila ni Serina na tanungin si Melen kung asan si Marco. Pero ang problema ay andyan ang Kuya Logan niya. Sa takot na asarin siya ay nanahimik na lang at nag hintay ng tamang oras.
"S'ya nga pala. Muntik ko nang makalimutan gigil na gigil ako sa Angel na yan!" Inis na sabi ni Melen. Natigilan naman si Serina habang nakatitig sa baso pero ang kanyang pandinig ay malinaw na malinaw. "Akalain mong dito na nga nag aral nag papasundo pa kay Marco. Tsk!"
"Tsaka bukod doon parang--"
"Naantok na ako." Walang ganang sabi ni Serina sabay lapag ng baso. Tumayo siya at kinuha ang gamit niya. "Kayo muna bahala kay Mariana." Dagdag pa niya sabay lakad pataas.
Tila namawalan ng gana si Serina buong araw dahil sa kanyang nabalitaan. Ang kanyang kwarto ay walang pinagbago. Ganoon pa rin. Malinis at maganda. Bukod doon pag papasok ka palang sa loob ay maamoy mo na ang kakaibang bago nito.
Nang umakyat sa itaas si Serina ay nagulat din si Mariana.
"Ikaw kasi!" Sumbat ni Mhel sabay siko kay Melen. Inirapan na lang siya nito kesa naman patulan.
Napansin nilang nakatitig sa kanila si Mariana kaya huminto silang dalawa sa asaran. Ngumiti silang dalawa kay Mariana sabay lahad ng kanilang kamay. "Hi I'm Mhel kaibigan ni Serina."
"Hi I'm Melen, Serina's cousin." Tinanggap naman ito ni Mariana.
"Mariana po." Sabi niya. Sinuri niya ng tingin ang dalawa. Parehas silang maganda. Si Melen ay halatang may lahing kastila dahil sa pamilya De Gracia din siya galing. Si Mhel namang ay may pagka foreigner. Ang mga magulang niya ay wala din dito sa bansa tulad ni Melen.
Napagpasyahan nilang sa beach silang lahat mag didinner para na bagong dating. Ika nga nila ay welcome party daw.
Gabi na din ng gumising si Serina dahil sa mantiding pagod. Pag katapos niyang maligo ay nag suot siya ng backless black long dress. Hinawi niya ang buhok niya at isinuot ang barrette na binigay noon sa kanya ni Marco. Sariwa pa din sa alaala niya ang mga sandaling iyon...
BINABASA MO ANG
Langit ka, lupa ako (Señorita series No.1)
RomansaThere is one woman who is very lucky. Yung tipong nasa taas na siya pero mas pinili niya paring bumaba para makahanap ng kaibigan. Yung akala niya na ikasasaya niya pero mali pala. Yung sakit na bumago sa pananaw niya sa buhay. Yung tipong nagkaroon...