Chapter 08:Lilinawin ko lang

352 13 1
                                    

Lilinawin ko lang

Amarah Serina De Gracia Point Of View

Tanghaling tapat pero andito ako sa garden. Naksandal ako sa malaking puno habang hawak ko ang sketch pad at lapis. Kanina ko pa tinititigan ang walang lamang papel dahil hindi mawala sa isip ko ang nakakainis na sinabi nina Mhel at Melen kay Papa.

Ipinikit ko ang mga mata ko at humiga. Ilang sandali ay idinilat ko ito at pinagmasdan ang kulay asul na langit. Nagmumukhang snow tuloy yung ulap na kahit anong oras ay babagsak. Napapikit ako at dinama ang sariwang hangin sa paligid pero mabilis din akong napadilat nang naramdaman kong may umupo sa tabi ko.

Agad akong umupo at sinalubong ito ng tingin. Si Marco. "Nagtatampo ka daw?" Bigla niyang tanong na ikinatigil ko. I do not speak. I'm tired of saying more. Mas gusto kong maramdaman niya mismo kesa sabihin ko. "Ayaw mo nito?" Tanong niya kaya agad akong napalingon sa kanya. Nakita ko ang barette na hawak hawak niya. Pero agad akong lumingon sa sketch pad ko at pinagdadampot iyon. Sa kanya na iyon. Bahala siya sa buhay niya. Mahalaga sa akin iyon dahil ibinigay niyon.

Pero deep inside nasasaktan ako sa ginagawa kong pagiignore  sa kanya. I don't do it but maybe I'm just full. Siguro di ko na kinaya ang pagtitiis ng ilang linggo. Agad akong lumakad palayo pero naramdaman kong hinila niya ang braso papalapit sa kanya. "Don't talk to me." Sabi ko sabay bawi sa braso ko pero mahigpit ang pagkakahawak niya dito.

"Ayiee. Nagtatampo nga siya." Nanunukso niyang sabi. Tumawa siya pero agad ko siyang inirapan. "Halika dito." Sabi niya habang pinapanood akong seryosong nakatingin sa kanya. Tumawa siya nang hindi ako lumapit. Agad ko siyang nilayuan at inirapan pero sumunod siya sa akin. "Uuwi kana?" Nakangisi niyang tanong, pero hindi pa rin ako nagsalita.

"Good afternoon, Señorita. I'm sorry to say that I couldn't see your barette."  Ani Carlos habang nayuko ito.

"It's okay. I found it. Sorry for the inconvenience, Señor Carlos" Sabi ko sabay ngiti. Ngumiti din siya at nagbigay galang bago umalis. Tumango lang ako at ipinagpatuloy ang pag lalakad. I almost forgot that I was with him.

Natahimik siya pero nakasunod pa rin siya sa akin. Ilang sandali bago pa siya nagsalita. "Ipinahanap mo iyong barette?" Natigil ako sa sinabi niya. Magsyado naman ata siya curious.

Umirap ako sa kawalan bago nag patuloy sa pag lalakad. "Alangan. Importante sa akin yung bagay na yon." Walang gana kong sabi.

"Eh yung nag bigay?" Tanong niya. Tumigil ako sa paglalakad. Hinarap ko siya.

"You're probably important to me because I'm your friend." Pinakadiinan ko pa ang salitang 'friend' para naman malinawan siya kung ano ba talaga siya sa akin.

"Friend." Tumango tango pa siya.

"Importante sa akin ang barette na iyon, dahil ikaw mismo ang nag bigay noon." Ulit ko. Ngumiti ako pero peke iyon. Tuluyan ko siyang iniwan doon na tulala. Ayaw kong maramdaman niya ang nararamdaman ko.

***

Ilang araw din akong hindi lumabas ng mansion. Ilang araw akong nagkulong sa kwarto. Wala na si Ate Sandra at Kuya Damon dahil nasa Spain na sila. Sa tuwing naririnig ko ang halakhak ni Angel kasama si Marco ay naririndi ako.  It seemed like at any time I wanted to send her out of the mansion. But you can't.

"Bakit ayaw mong sa Manila na lang mag aral, Marco?" Natigil ako sa pag babasa sa magazine nang marinig ko ang boses ni Kendall mula sa kusina. Bakit ba andito sila palagi? Asan ba sila pansamantalang nanunuluyan ang mga ito bakit laging andito?

Langit ka, lupa ako (Señorita series No.1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon