Mga walang kwenta
Valentine De Gracia Point of View
Sinundan ko ng tingin si Mommy na nagpabalikbalik sa harapan ko. Galit na galit siya dahil sa ginawa ko. "My god, Tina!" Sigaw niya sa akin sabay sapo ng noo niya. "¡No sé qué comiste por qué hiciste eso!" (Hindi ko alam kung anong kinain mo bakit no ginawa iyon!) Sigaw niya sa akin. Nakaupo ako ngayon dito sa kwarto ko at nanatiling nakatungo. It's just as bad as I did. Ginawa ko lang yung tama.
"I just did the right thing." Sagot ko. Tinitigan niya ako. "Do you think things will turn out well when Tito marries Claricci?" Seryoso kong tanong. Hindi naman umimik si Mommy. Alam kong halos mapatay na niya ako sa matatalim na tingin niya sa akin.
"¿Por qué sigues saliendo con Serina?" (Kung bakit kasi kumakapi kapa dyan kay Serina?" Inis na tanong niya. Tumingala ako sa kanya at pinahid ang luha ko.
"¿No ves por lo que está pasando Serina?" (Hindi ninyo po ba nakikita ang bagay na pinaghihirapan ni Serina?) Inis kong tanong din sa kanya. "Look, Mom. Ginagawa niya lang ang lahat para hindi maiuwi ang lahat sa wala." Tumayo ako at pinahid ang luha ko. "Try to open your eyes malalaman mo kung ano na rin ang ipinalalaban ko. Siguro marerealize mo po sa mga oras na iyon na hindi pa huli ang lahat para hindi mawala ang pinaghirapan ng mga relatives natin." Sabi ko sabay hinga ng malalim.
***
"MAMAYA NA KAYO UMALIS, ROSIE ANO BA?!" Pigil ni Tito Hector kay Doña Rosie. Lahat nang bagahe nito ay dala dala na. Wala akong ibang magawa kung hindi ang panoorin sila.
"Hindi, Hector! Hindi ako natutuwa! At mas lalong hindi ako natutuwa dahil sa mga ginawa ng babaeng yan sa anak ko!" Galit na galit na sigaw ni Doña Rosie. Inaawat na siya ni Samuel pero hindi siya nakikinig.
"Pauwi na si Serina." Sabi niya. Lumapit pa siya upang pigilan si Doña Rosie pero hindi niya nagawa dahil mukhang wala na talagang makakapigil dito. Sinubukan niya hawakan si Doña Rosie pero agad na humarang si Samuel.
"Tama na!" Sigaw ni Samuel. "Kung wala ka talagang mabuting magagawa bilang ama sa amin hayaan mo na kami." Saad pa niya. Napalunok ako. My whole body was frozen because of what I could see. Coz first time kong makitang sumabat at nagalit si Samuel. Hinila siya ni Mariana para tumigil na.
"Kuya...." Bulong nito. Puno ng takot ang boses.
"Ma, baka mapano kayo. Wag na kayong umalis." Nagmamakaawang sabi ni Logan. Umiling lang si Rosie.
"Hindi, Logan! Hindi ako natutuwa sa ginagawa ng babaeng yan kay Amarah lalo pa kung sa batang si Mia!" Kinakabahan ako. Yun ang totoo. Malapit na silang mag kasundo pero heto namaman. "Hindi purket mahirap kami ay kayang kaya niyang maliitin ang pagkatao namin." Saad pa ito.
"T-tama na po. Hayaan niyo na kaming umalis." Sabi ni Mariana saka hila pa ulit kay Samuel. Nagpatianod naman si Samuel dala ang bagahe nila.
Natulala ako. Wala akong nagawa kung hindi ang panoorin silang lumayo. Hindi ko akalaing mararanasan ko ang sakit na nararanasan ni Serina. Talo ako. Wala akong magawa. Imbis na si Claricci ang aalis ay si Doña Rosie. Tinitigan ko si Claricci. Ang sama sama mo. Wala na akong masabi sayo! Ngumisi siya sa akin at tinalikuran ako.
***
Three days ago. Bumalik dito si Serina. Galit na galit siya sa nangyari. Bigong bigo. Ayaw nang bumalik ni Doña Rosie dito hanggat hindi napapaalis si Claricci. Naging tahimik si Serina sa nga araw na lumipas. Nalaman niya ang ginawa ko at tanging ngiti lang ang naibalik niya.
BINABASA MO ANG
Langit ka, lupa ako (Señorita series No.1)
RomanceThere is one woman who is very lucky. Yung tipong nasa taas na siya pero mas pinili niya paring bumaba para makahanap ng kaibigan. Yung akala niya na ikasasaya niya pero mali pala. Yung sakit na bumago sa pananaw niya sa buhay. Yung tipong nagkaroon...