CHAPTER 10:Para sa ibang tao

322 16 1
                                    

Para sa ibang tao

Third Person Point Of View

Hindi naging madali ang mga nagdaang buwan kay Serina lalo na rin kay Mariana. Hindi palaimik si Serina kaya ganun na lang ang takot ni Mariana sa tuwing kaharap ang Señorita. Hindi ito kumikibo pero nawawala ang takot niya sa tuwing sinasaktan siya nina Doña Luciana, Madam Bertha, at Señorita Valentine ay dinadarag agad sila ni Señorita Serina.

Minsan na siyang nagtangkang magpasalamat pero lagi itong nakasimangot kaya natatakot siya na baka siya naman ang sunod na sigawan.

Sa kabilang banda kaya laging ganun si Serina ay kanyang nababalitaan na doon na daw tumira si Angel. Ang masaklap pa ay hatid sundo ito ni Marco. Nanginginig ang bawat laman niya sa tuwing ikukwento sa kanya ni Melen.

Palihim na lang nainiiyakan ni Serina ang lahat ng sakit dahil walang ibang mabuting maidudulot ang  pagpapakita ni Serina sa lungkot at hirap na dinadanas. Bukod doon ay nasasaktan din siya sa tuwing mag sasalita ng hindi maganda ang kanyang tiyahin. Ano pa bang magagawa ni Serina hindi ba? Saan nga rin ba siya magaling? Alin sa mga yun ang pinaka talento niya? Kundi ang magtago ng sakit na nararamdaman nito.

Halos ilang buwan din niyang pinagsumikapan na matutong mag maneho ng kotse. Si Carlos ang nagtuturo sa kanya mula sa utos ni Don Hector. Palihim na humahanga si Carlos sa dalaga dahil sa galing nito.

"ANG TANGA MO NAMAN!" Natigil sa pag subo ng pag kain si Serina nang sumigaw ang pinsan niyang si Valentine. Natapunan ni Mariana ang damit nito ng juice dahil sinadya nitong sagiin ang kamay ni Mariana.

Kasalukuyan siyang kumakain ng agahan. "MY GOD! YOU'RE SO STUPID!" Sigaw pa ni Valentine. Piningot ni Madam Bertha si Mariana dahilan para mapasigaw ito sa hapdi dahil kuko pa ang ginamit niya. Natigil sa pag kain si Doña Luciana ngunit hindi ito kumibo dahil batid niyang sasabunin siya ni Serina.

"Ang aga agad kay tanga mo!" Sigaw ni Madam Bertha. Napasapo naman sa ulo si Serina saka uminom ng juice. Napatingin si Carlos sa harapan niya nasi Serina. Sasampalin sana ni Madam Bertha si Mariana ngunit nag salita si Serina.

"The morning was the noise." Parinig ni Serina habang kumakain ng ham. Tinaasan ng kilay ni Doña Luciana si Serina pero hindi ito nagsalita. "Ang aga aga nasa harap kayo ng pag kain tapos ganyan kayo kung umasta, nakakahiya." Tuwid na saad ni Serina.  Sinadya niyang tagalugin para maintindihan ni Mariana ito.

Tumawa ng sakrastiko si Valentine. "Puedes hacer el jugo. Como te sientes ¿No estás molesto también?" (Ikaw kaya ang matapunan ng juice. Anong mararamdaman mo? Hindi ba maiinis ka din?) Gusto niyang tapunan ang pinsan ng juice pero hindi niya magawa.

"Tss." Ngumisi si Serina dahil sa nakakatawang kasinungalingan ni Valentine. "Puedes cambiarte de ropa. ¿Qué te enoja con tus acciones?" (Edi mag palit ka ng damit. Ano ang ikinagagalit mo sa kagagawan mo?) Napalunok naman si Carlos dahil sa kaba. "Yeks. Di man lang nahiya." Bulong niya sabay ngiwi pero halatang narinig nilang lahat.

Kumuyom ng mariin ang kamay ni Doña Luciana na ngayon ay nag liliyab sa galit sa sariling pamangkin.

'Mag pasalamat ka dahil si Serina ka nga pala.' Ani Luciana sa kanyang isip.

"Nunca hubieras vencido a Valentine." Sabi ni Carlos isang hapon habang nililinis ang itim na sports car ni Serina. (Hindi mo na sana pinatulan si Valentine.)

Langit ka, lupa ako (Señorita series No.1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon