My time with you
Third Person Point Of View
Flashback
Tulala si Marco habang nakaupo sa labas ng kanilang simpleng bahay. Tahimik ang paligid at walang katao-tao. Simula kanina nang malaman niya ang balak ni Serina ay hindi na siya mapanatag. Hindi niya gusto Ang ideya ni Serina dahil mas maraming lalaki ang pwedeng humanga kay Serina sa oras na makilala siya ng mundo.
Kung tutuosin sobrang swerte ni Serina dahil agaran siyang nakuha. At mismong mga staff pa ang naghanap sa kanya. Hindi naman sila nag kamali ng pinagpaguran dahil mala dyos ang kagandahan ni Serina.
"Parang ang lalim ata nang iniisip mo ah." Nagulat si Marco sa biglaang pag sulpot ni Angel. Nakasuot na ito ng pantulog.
Umayos agad ng upo si Marco at napatingin sa kawalan. "Tingin mo ba magandang ediya kung papayagan ko si Serina na sumali sa modeling?" Biglang tanong ni Marco dahilan para magulat si Angel.
"Why not? If she wants why not? Just support it." Aniya saka pinilit na ngumiti. "Dahil...kung kaibigan mo talaga siya kailangan niya ng suporta mo."
Ilang sandali puro kuliglig lang ang naririnig nilang dalawa. Tumingin si Angel kay Marco na ngayon ay malalim nanaman ang iniisip. "What's bothering you? Where are you worried?"
Suminghap si Marco. "Sa oras na makilala si Serina nang lahat baka mawalan na siya ng oras sa akin, sa aming dalawa." Nag aalalang sambit ni Marco. "Mag seselos ako sa mga pwedeng iparis sa kanya. Ngayon pa nga lang hindi ko na alam." Napayuko ito at umiling iling.
Kumibot ang labi ni Angel at unti unting binalot ng lungkot ang puso niya. "M-mahal mo ba si Serina?" Tanong niya. Inaakala niya mag aalinlangan si Marco sa pag sagot sa kanya pero mali siya.
"Oo. Sobra." Walang pakundangang sagot nito. Kinagat ni Angel ang labi niya dahil sa mga luhang nangingilid sa kanyang nga mata.
"K-kailan pa?" Nanginginig niyang tanong. Napalunok naman si Marco saka tumingin sa puno ng mangga. Hindi niya napapansin ang ekpresyon ni Angel dahil busy siya sa pag iisip.
"Simula ng nakilala ko siya." Ngumiti si Marco dahil naalala niya yung unang pagkikita nilang dalawa noon. Hindi pa sila sobrang close noong mga panahon na iyon. "Nag taasan pa kami ng pride noon kung sino ang unang bibigay. Tapos noong naabutan ko siya lagoon ay nag asaran kaming dalawa hanggang sa palagi na kaming mag kasama."
Huminga ng malalim si Marco saka tumingin sa bitwin. "Simula noon, unti unti na akong nahulog sa kanya." Ngiti pa niya.
Simula nang nalaman iyon ni Angel ay tulala siyang naglalakad sa danan pauwi ng mansion. Malapit lang ito sa mansion kaya hindi siya nababahala sa pag lalakad mag isa.
'Kailangang mapalapit ako kay Marco. Kailangang dapat akin siya. Marco should be mine. Kailangan ko siyang agawin kay Serina.' Tulala ito habang sinasabi sa kanyang isipan.
Pumasok siya sa short cut papasok sa mansion. Pero nang buksan niya ito ay bumungad sa kanya si Valentine. Nginisihan siya nito na parang nanunuya. "Kawawa ka naman pala 'no? Umaasa ka sa taong ayaw naman pala sayo." Aniya sabay kumpas ng pamaypay. Nakasuot na ito ng pantulog at mukhang bagong ligo. "Pathetic." Aniya pa.
Sinamaan siya ng tingin ni Angel. "Wala kang pakialam sa buhay ko." Aniya sa mas mariin na tono. Tinalikuran na niya si Valentine pero bago pa man diya makaakyat sa taas ay ang salita ulit si Valentine.
"Serina is Serina. Kaya tigilan mo ang pag aassume na mo. Wag mong kakalabanin ang pader na matibay dahil..hindi ka matutuwa sa kalalabasan ng katangan mo." Aniya sabay talikod.
BINABASA MO ANG
Langit ka, lupa ako (Señorita series No.1)
Roman d'amourThere is one woman who is very lucky. Yung tipong nasa taas na siya pero mas pinili niya paring bumaba para makahanap ng kaibigan. Yung akala niya na ikasasaya niya pero mali pala. Yung sakit na bumago sa pananaw niya sa buhay. Yung tipong nagkaroon...