Putulin
Third Person Point Of View
Kinahapunan matapos malaman nina Rosie at Marco ang totoong nangyari dahil sa isiniwalat na katotohanan ni Valentine ay nagising si Serina. Pinagkaguluhan siya ng mga kamag anak at kaibigan niya pero hindi ito nag sasalita. Napangisi siya sa sa kawalan at tinitigan si Claricci na ngayon ay tulala.
***
Dalawang araw bago siya lumabas ngunit hindi pa rin nag papakita sa kanya si Marco. Gustuhin man niyang itanong pero hindi sumasagot ang ina o kahit na sino sa mga kamag-anak niya ay hindi niya maitanong. Naging tahimik si Claricci sa loob ng mansion dahil sa kanya sinisisi ang lahat. Naging walang kibo naman si Serina laban kay Claricci dahil alam niyang mainit ang tingin dito ng lahat.
****
Sakay ng kabayo ay inilibot ni Serina ang sarili sa buong hacienda, ngunit ang sadya talaga nito ay si Marco. Pupuntahan niya sana ito pero nakasarado ang pintuan ni Marco. Naka kandado ito at walang katao tao sa paligid. "Where is he?" Tanong niya sa sarili. Pero nagulat siya nang may nagsalita sa likuran niya.
"Hanap mo na ang nakatira diyan, Señorita?" Tanong ng isang matandang babae mula sa likod niya. Agad na humarap si Serina. Isang babaeng may dalang bilao na mayroong bigas na bagong bayo.
"Opo. Alam ninyo kung nasaan po siya?" Tanong ni Serina.
"Kanina pa umalis si Marco. May trabaho pa iyon. Mag bubuhat ata siya ng mga dayami." Sabi ng matandang babae.
"Ah. Salamat po." Sabi ni Serina sabay suot ng hat niya. Tumango ang matanda at tumabi sa dadaanan ng Señorita. Agad na sumampa sa kabayo si Serina at matulin itong pinatakbo papunta sa kanilang parte ng kanilang hacienda.
Iba't ibang taniman ang kanyang nadaanan at mga klase ng bulaklak na kanyang ipinatanim noon sa buong hacienda bago siya umuwi noon sa España.
Walang katao tao doon bukod sa isang kariton na mayroong dayami. Habang naglalakad ang kabayo niya papunta doon ay unti unti niyang pinahinto ito nang nakita niya ng malapitan si Angel at Marco. Uminit ang gilid ng kanyang mga mata. "Marco!" Sigaw niya sabay lundag sa kabayo. Napatingin ang dalawa sa kanya. Itinali niya ang kabayo niya sa puno at dumeretso sa dalawa.
Walang reaksyon na nakatingin sa kanya si Marco na ikinagulo ng isip niya. "Anong ginagawa mo dito, Señorita?" Seryosong tanong ni Marco.
Napalunok si Serina at agad na binuhat ang hat niya. "I have been looking for you for a few days but you will not show me." Mahinang sabi ni Serina. Walang gana siyang tinignan ni Marco.
"Umuwi kana." Sabi nito sabay buhat ng dayami. Agad na pinasukan ng iritasyon ang pag katao ni Serina dahil sa inasta ni Marco. "Hindi magandang mag lalalabas ka ngayon. Galing kapa namang hospital." Saad nito ng hindi nakatingin kay Serina.
Dumapo ang paningin ni Serina kay Angel kaya naman mas nainis ito. "Pinapauwi mo na ako dahil sa babaeng iyan?" Naninigurong tanong ni Serina. Sinulyapan siya ni Marco.
"Hindi." Simpleng sagot nito sabay buhat ulit ng dayami pero agad siyang hinila ni Serina.
"Kung ganon e ano?!" Pasigaw na sabi ni Serina. Tumilapon ang dayami sa grass dahilan para napapikit sa inis si Marco dahil kailangan nanaman niya itong damputin.
BINABASA MO ANG
Langit ka, lupa ako (Señorita series No.1)
RomanceThere is one woman who is very lucky. Yung tipong nasa taas na siya pero mas pinili niya paring bumaba para makahanap ng kaibigan. Yung akala niya na ikasasaya niya pero mali pala. Yung sakit na bumago sa pananaw niya sa buhay. Yung tipong nagkaroon...