Gusto ka niya
Amarah Serina De Gracia Point Of View
"Lord, tulungan mo po akong mahanap ang totoong daa upang mahanap ang kalutasan sa problema ko. I do not know what to do. I'm going to sink too much into my problems." Pinahid ko ang luha ko at tumingin sa krus ni Jesus. Nakaluhod ako ngayon dito sa simbahan habang nakatago ang mukha sa mga tao. Sunod sunod na pumapatak ang mga luha ko dahil sa pighating nararamdaman.
Para akong nadedemonyo na. Nawawala ako sa sarili ko. Sunod sunod na pumatak ang luha ko nang maupo ako sa upuan. Napahawak ako sa dibdib ko. Bakit nga ba ako nagkakaganito para kay Marco? Bakit ako nasasaktan sa nakita ko kagabi? Bakit hindi ko matanggap yung narinig kong liligawan niya si Angel? Bakit hindi ko matanggap na nakita kong hinalikan siya ni Angel? Anong meron? Sa huling tingin ko sa imahe ni Jesus ay pumatak ulit ang luha ko. "Mahal ko siya." Pag aamin ko sa sarili ko. Mahal ko na siya. Mahal ko nga talaga simula pa noon! This is the reason why I am so hurt!
***
"Good!" Sigaw ni Señor Carlos nang tumama sa pinakagitna ang arrow. Ngumiti ako at nag thumbs up bilang sign na thank you. I close my eyes and point out the arrow that is placed on the bow. Ganun na lang ang gulat ko ng pumasok si Angel.
Natigilan si Señor Carlos at dahan dahang lumapit papunta sa amin hawak ang arrow. "What are you doing here?" Walang ganang tanong ko.
Ngumiti siya. "Hmmn. Magpapatulong sana akong pakitawagan si Marco mamaya dahil uhmn...alam mo namang nililigawan niya ako diba?" Tanong niya. Hindi ako sumagot. Nanatiling nakatingin sa kanya. "Mamaya kasi isusurprise ko siya."
"At bakit ako?" Taas kilay kong tanong. Ngumiti siya at hinawakan ang kamay kong naka kuyom. Wala kasi dito sina Kendall kaya ganyan siya. Bwisit!
"Kasi...umm wala kasi sina Kendall 'e. Kaya ikaw na lang."
"Pasensya na Miss Angel pero aalis na si Señorita Serina." Sabat ni Angel. Nagpout siya mukhang nalulungkot. Habang nalulungkot siya at heto ako parang pinupunit ang puso ko! Para akong sinasakal dahil hindi ako makahinga ng maayos. Kinuha ko ang cellphone ko.
Agad naman sinagot ni Marco ang cellphone niya. "Marco....pwede kabang---"
"I miss you." Bigla akong nagitla sa sinabi niya. Pakiramdam ko namumutla ako ngayon.
"Can you come here to the mansion? I have something to say." Pag iiba ko ng usapan. Tinignan ko si Angel. Napakagat labi siya. Mukhang hinihintay ang sasabihin ko.
Rinig kong suminghap si Marco sa kanilang linya. "Sige." Malaming niyang sabi. Agad kong pinatay ang tawag at tumango kay Señor Carlos bago ibigay ang bow na hawak ko. Agad akong lumabas ng gym at nagpuloy sa pag lalakad.
"Maraming salamat sayo, Serina. Kung hindi Dahil sayo hindi siya pupunta." Nakangiting sabi ni Angel habang sinusundan ako sa pag lalakad. "Mamaya ko kasi sasagutin si Marco. "Parang gusto kong maiyak pero hindi ko pwedeng ipakita sa kanya iyon o kahit na kanino. "Sya nga pala mamaya doon mo siya salubungin sa--"
"Ang akala ko ba tatawagan ko lang siya?" Takang tanong ko.
"Last na to promise. Mag pakita ka sa kanya mamaya tapos lalabas ako. Doon ko kasi siya sa garden sasagutin."
Ngumisi ako at tumango. Agad akong naglakad papunta sa kwarto ko at inilubog sa tubig ang katawan ko. Kahit na nakapikit ako ay sunod sunod na tumutulo ang luha ko.
BINABASA MO ANG
Langit ka, lupa ako (Señorita series No.1)
RomansThere is one woman who is very lucky. Yung tipong nasa taas na siya pero mas pinili niya paring bumaba para makahanap ng kaibigan. Yung akala niya na ikasasaya niya pero mali pala. Yung sakit na bumago sa pananaw niya sa buhay. Yung tipong nagkaroon...